Chapter 30

2601 Words

Katatapos pa lamang ng New Year's mass at napakaraming tao sa loob ng simbahan. Medyo makalat pa rin ang kalsada dahil na din sa tira tirang basura galing sa mga paputok. "Tatambay tayo sa court ah!" Pagdeklara ni Maqui habang nakatayo silang magkakaibigan sa isang gilid ng simbahan. At kapag si Maqui ang nagdeklara ng isang bagay, wala na makaklaban pa. Nagsiuwian muna sila sa kani-kanilang bahay bago sinunod ang sinabi ni Maqui at nagkita kita sa court ng kanilang munting village. "Nakakamiss yung ganito!" Sabi ni Maqui habang siya ay nakaupo sa may stage na katabi ng court. "Uma-umaga dati nandito tayo no?" Sabi ni Julie habang sinasandal ang sarili sa pinaka-edge ng stage. At dahil animo'y mga bata kapag nakakita ng bola, kaagad na nagsimula maglaro ang mga kalalakihan. "Boys..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD