AN: Pagbigyan niyo po ako sa typos haha! Saka hilo ako nung sinulat ko ito haha! Sowiez! Natapos na ang pinanuod nila at lahat pero walang naintindihan si Julie. Lumilipad kasi ang isip niya. Ano naman ang kailangan ni Nicole sa kanya? At kilala siya nito? Malamang Julie Anne kilala ka niyan, her boyfriend is pretending to want to be your boyfriend. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pagdampi ng isang pares ng mga labi sa kanyang pisngi. Napatingin siya sa kanan at nakita si Elmo na nginingitian siya. "Aka, okay ka lang? Di ka ba nagenjoy sa movie?" "Uhm, nagenjoy naman." Pilit ni Julie ang pagngiti. At nakita niyang magasasalita muli ang lalaki kaya inunahan na niya ito. "Aka, bili na tayo ng salamin ko, please?" At sino ba naman ang makapagsasabi ng hindi kung ngingitian k

