Natagpuan ni Elmo ang sarili na naglalaro ng basketball kinabukasan ng umaga. Umuwi na din naman si Julie dahil gusto din naman daw nito makasama ang mga magulang. At alam naman ni Elmo na nagpapakaselfish na siya kung pipigilan pa niya ito. Pero sabi din naman ng dalaga na susunod ito sa court. Bata pa lang sila ay ganun na nag gawain nila. "Moe!" Napatingi siya sa nagsalita at nakita si Kris na papalapit sa kanya. "Bro!" Bati din niya. "Aga natin ah." Kris smiled at tumingin tingin pa sa likod ni Elmo na para bang may hinahanap. "Asan nga pala si Julie?" Mahinang natawa si Elmo. "Bakit pare, nakakabit na ba sa akin si Julie?" "Hindi naman pero alam naming lahat na gusto mo nga siya makabit sayo." Tawa naman ni Kris. Pero hindi umangal si Elmo. Dahil totoo naman ang sinasabi ni Kr

