Masarap na sana ang tulog ni Elmo nang may marinig siyang akala mo ay wang wang na tumutunog. Kumurap pabukas ang kanyang mga mata at napansin kaagad niya kung saan ang tumutunog. Madilim ang kwarto pero mabilis niyang nahagilap ang teleponong nagwawala at nasagot ito. "Mmm?" "Julie! Aba! Kanina pa kita tinetext! Di ka man lang sumasagot sa akin! Tawag lang pala ang kata--" "Maq! Maq!" Mahinang bulong ni Elmo habang dahan dahan na umuupo sa kama. Sinisigurado niya na bumubulong siya. Saglit nanahimik ang boses sa kabilang linya hanggang sa magsalita ito muli. "Elmo?" Katahimikan. "Asan si Julie?" "Dito sa puso ko." Mahinang tawa ni Elmo. "Gago! Seryoso kasi! Asan ang best friend ko at bakit ikaw sumasagot n telepono niya?!" "Moe?" Napatingin si Elmo sa boses na nagsalita at nakita

