Tumutunog ang T.V pagkapasok ni Julie sa living room ng tanghali na iyon. Buong umaga ay natulog lang siya dahil na rin sa nainom nung kinagabihan. Nakita niya si Elmo na nakaupo sa couch. Preskong nakaboxers at sando lang ito habang nanunuod ng NBA. Marahil ay naramdaman nito na nandoon siya sa loob dahil napalingon ito sa kanya. "Oh hey..." Tanging nasabi ng lalaki bago ibaling muli ang tingin sa T.V Nanibago si Julie. Dati-rati ay kukulitin siya nito o di kaya ay ngingitian ng pagkatamis tamis, pero ngayon...parang wala lang. Kahit hindi sigurado sa kanyang gagawin ay umupo naman si Julie sa tabi ng lalaki sa couch. Hindi man lang siya sinulyapan nito at patuloy ang pagnuod ng basketball. Hinayaan na lang niya. Ayaw din niya masyado isipin. Baka tutok lang talaga ito sa pagnuod. Ka

