Chapter 6

3272 Words
AN: Typos everywhere...sorry for that ✌️ "Ang saya lang! May carpool! Hi Sam!" Bati ni Maqui kay Sam na nagd-drive. Kumaway lang ang lalaki habang nakatingin sa rear view mirror. Katabi niya sa passenger seat si Elmo na tahimik lang habang si Julie ang katabi ni Maqui sa likod. "Guys, masaya na si lolo sa heaven, bakit parang nagluluksa pa rin kayo?" Inosenteng tanong ni Maqui. Kahit si Sam ay naramdaman na iba ang aura ni Elmo at ni Julie pero hindi na siya nanghimasok. Kaya buong drive papunta sa condo ni Maqui ay walang nagsasalita. Mabuti na lang at may radyo. "Baka gutom lang ang mga ito Maq." Kinakabahang tawa ni Sam. Pati tuloy siya ay awkward na sa sitwasyon. "Kahiya ka Magalona!" Sambit ni Maqui. "Diba chef ka?! Di mo man lang ipakita ang prowess mo sa best friend ko at ipagluto s--aray!" Napasimangot siya nang maramdaman ang manipis na pagkurot ni Julie sa may hita niya banda. "That's gonna leave a mark San Jose!" "Bubusalan talaga kita Maq sige..." Julie hissed. "Pakaharsh mo sa akin bes!" Maqui gasped. "Ano ako bihag mo? Baka kidnapping pala talaga ito! Plano niyo ito ni Tippy ano Sam?! Ritual ba ito para sa baby niyo?" And just like that the awkward air was gone as they all couldn't stop laughing from what Maqui was saying. "O ginawa niyo naman akong comedy bar!" Himutok ni Maqui at napahalukipkip pang nakatingin sa labas. "I miss you bes." Hindi napigilan ni Julie ang sarili at yinakap ang kaibigan kahit na nakahalukipkip pa din ito. "Hmmp!" Nakarating na sila sa malaking bahay nila Sam malapit lang din sa area. Binili ito ng lalaki oras na malaman na nagdadalang tao ang kasintahan at doon na sila nanirahan. Paminsan minsan ay umuuwi din sila sa Northville. "Hi guys!" Nasa may front porch na ng bahay si Tippy at halatang tuwang tuwa sa dinner nila ng gabi na iyon. "Blooming asawa mo pare ah." Bulong ni Maqui kay Sam pagkababa nila sa kotse. "Matagal na yang blooming." Ngiti ni Sam habang sinasara ang pinto ng kotse sa likod niya. Julie and Elmo looked at each other before follwong behind Sam and Maqui. "Hi Tippy! Grabe, ang laki na ng tiyan mo! Ninang ako ah!" Maqui smiled as she hugged Tippy. "Nakasulat ka na Maq!" Tippy laughed. Saka niya hinarap si Elmo at Julie na nasa likod nila. "So happy you guys made it!" "May sundo eh." Julie sheepishly smiled. Yinakap niya din si Tippy at nakipagbeso naman ang huli kay Elmo. "Let's go inside?" Sam asked. Hinawakan niya ang kamay ng buntis na nobya at pinauna muna ang mga kaibigan bago sila sumunod ni Tippy. Maganda ang loob ng bahay nila Sam. Hindi siya ganon kalaki but it was homey, saktong sakto para sa couple na bubuo ng pamilya. "Sa dining room tayo?" Tippy led them the way hanggang sa makaabot sila sa maaliwalas na dining room nila Tippy. "Bro, buti marunong magluto asawa mo." Pagbibiro ni Elmo at pabirong sinapak siya sa braso ni Sam. Spinach Lasagna, grilled chicken at strawberry salad ang linuto ni Tippy at lahat ata sila ay nakalimutan ang mga ginagawa dahil sa sobrang gutom nang makita ang pagkain. "Let's dig in!" Magkatabi sa hapag si Sam at Tippy, sa kabila naman ay si Elmo at si Julie Anne habang si Maqui ay sa may kabisera. "Teka, bakit ako nagmumuhkang padre de pamilya sa atin?" sabi ni Maqui matapos ang ilang sandali ng kanilang pag-kain. And they all just realized that too. "Ah alam ko na...judge ba ako ngayon?" Pagbibiro pa ni Maqui. "Double wedding ba ito? O game..." Tippy daintily laughed. "Maq, kami ni Sam payag, e itong dalawa sa harap namin kaya?" Julie and Elmo looked at each other. Then bashfully back to their plates. "Pabebe yang dalawa na yan!" Maqui harumpped. "Kailan nga pala ang kasal niyo?" Tanong na lang niya kay Sam at Tippy. Masayang tumingin ang mag-nobyo sa isa't isa at magkahawak kamay na hinarpa ulit ang kanilang mga bisita. "Baka June next year Maq..." "Oho, June bride ang peg." Komento ni Maqui. At hinarap niya si Julie't Elmo. "O e kayo? Kailan niyo balak magpakasal?" Matalim na tiningnan ni Julie ang kaibigan na para bang pinapatahimik ito habang si Elmo ay napainom sa baso ng tubig sa harap niya. "Ay oo nga pala...past na lang ba kayo?" Tudyo pa ni Maqui. "Ano na nga ba nangyari kay Hannah?" Direktang tanong niya kay Elmo. This caught Julie's attention. Pasimple niyang tiningnan ang lalaki sa tabi niya. Hindi niya kilala kung sino si Hannah pero she had an inkling that that girl is Elmo's ex. Kibit balikat lang ang sagot ni Elmo kay Maqui at pinatuloy pa ang pag-inom ng tubig. "We didn't work out. Puro sarili lang naman niya iniisip niya eh." "Mamaya bro, iinom tayo." Ngisi ni Sam pero naramdaman ang mahinang pagsiko ni Tippy sa tagiliran niya. "Aray!" "Inom ka diyan, si Elmo pwede uminom, ikaw hindi, sino maghahatid sa kanila mamaya?" "Alright alright..." Sam surrendered and kissed Tippy's cheek. "Awww sweet niyo namang dalawa!" Singit pa ni Maqui. Nagtuloy ang dinner nila na masasaya naman ang mga topic. Medyo halata nga lang na iwas magusap sa isa't isa si Elmo't si Julie. Kapag ang kaharap nilang tatlo ang kausap ay madaldal ang mga ito pero sa isa't isa ay tila nawawalam sila ng mga dila. "Hon, sa patio lang kami ni Elmo ah..." Paalam ni Sam sa kasintahan. "Osige dito kami sa living room." Tippy answered. Lumabas sa may likod si Elmo at si Sam, may nakahanda na pulutan at non-alcoholic beverages, utos ni Tippy eh. "Laki ng takot sayo ni Sam ah." Maqui said as the three of them sat down on the couch. Lahat sila ay may hawak na isang bowl ng ice cream, magkakaiba nga lang ng flavors. Malaking ngiti ang sinagot ni Tippy kay Maqui at sumilip pa sa direksyon ng patio bago magsalita. "Mahal lang ako ni Sam...makakakita din kayo ng magmamahal sa inyo..." Sa sinabing iyon ni Tippy ay napahagikhik si Maqui. Masamang tiningnan siya ni Julie Anne. "Hoy, problema mo Farr?" "Eh kasi..." Tuloy na hagikhik ni Maqui. "Si Julie nakakita naman na ng mgamamahal sa kanya, pinakawalan pa." Hinagisan ni Julie ang kaibigan ng throw pillow at sinalo lang naman ito ni Maqui na tumatawa pa rin. Nakikitawa si Tippy na hinarap si Julie. "Pero Jules, tanong ko lang ah, wala talaga? You never felt something for him?" Kung si Maqui ang nagtatanong baka binigwasan lang ni Julie e. Pero si Tippy ito e. At kahit wala itong binanggit na pangalan ay kilala naman niya kung sino ang tinutukoy nito. "S-siyempre meron..." "Did you love him?" Tippy asked. At kung kanina bumubungisngis si Maqui ngayon ay seryoso na nitong hinihintay ang sasabihin ni Julie. "H-hindi ko alam." "Naman Bes..." Maqui shook her head. "Yung totoo?" Naguguluhan na umiling si Julie. "Bata pa kami non, love na ba talaga yun?" "Bes...a six-year old already knows what love is! Sixteen ka noon! Don't tell me hindi mo alam kung love yun? Ano ba kinakatakutan mo?" Hindi nakasagot si Julie. Paano ba naman, pakiramdam niya ginegyera siya ng kaibigan. But she knew Maqui was only looking out for her too. "I know I felt something for him. Pero sa past na lang kasi iyon." Pagkasabi niya noon ay tiningnan lang siya ni Tippy at Maqui. Halatang parehong hindi naniniwala. "Okay, sabi mo eh." Finally, Maqui shrugged. "So hindi mo rin alam kung mahal mo ba talaga si Rich?" "Sino si Rich?" Tila nabibigla na tanong ni Tippy. Umikot ang mga mata ni Maqui at binalingan ng tingin si Julie na halatang iwas nanaman. "Well...yun lang naman ang hinahabol habol ni Julie nung college hanggang ngayon." "Hey...hindi ko siya hinahabol." Pagdepensa ni Julie sa sarili. "O sige edi pining for him." Ganti ni Maqui. Bago pa madepensahan ulit ni Julie ang sarili ay nagsalita na si Tippy. "Pining? Julie Anne San Jose pining for someone? I doubt it..." Sabi nito pagkasubo sa isang kutsara ng ice cream. "Hindi nga kasi ako nagp-pine sa kanya." Julie said, glaring at Maqui who only shrugged. "But you admit na crush mo siya?" Pagtutulak pa ni Maqui. "Oi naiintriga na ako, patingin ng itaura!" Sabi ni Tippy. Hindi pa niya tapos ang pangungusap nang naglabas ng phone si Maqui at dumeretso sa f*******:. "Ito ito o!" "Maq! Ano ba!" Tumayo na din si Julie at akmang aagawin ang cellphone ni Maqui pero linalayo ng huli at si Tippy ay natatawang naiipit sa gitna nilang dalawa. "Hoy San Jose! Buntis si Tippy umayos ka!" Kaagad na napahinto si Julie at umupo na lang sa tabi ni Tippy. Para siyang natauhan. Baka maipit niya ang baby n kaibigan. This was the moment that Maqui took. Linabas niya ulit ang cellphone at dineretso sa profile ni Rich. "Richmond Fernando..." Basa pa ni Tippy. Napatago na lang sa likod ng kamay niya si Julie. "Ano hatol Tips?" Tanong ni Maqui. Nakasiksik silang tatlo sa sofa na yun habang hawak ni Tippy ang cellphone niya. "Uhm..." Mabagal na binalik ni Tippy ang telepono kay Maqui. "Cute...maputi...kaso, mahangin ba ito?" Sabay tingin kay Julie. "Medyo Tippy, yung tipong pang-amihan o, gusto mo habagat, o bagwis..." "Ikaw na pala ako ngayon?" Pagsusungit ni Julie. Pero hindi naman ito tumatalab kay Maqui. Saka niya binaling ulit ang tingin kay Tippy. "Hindi naman siya ma-ere Tips, may pagkasuplado lang..." "Anong di ma-ere?" Banat nanaman ni Maqui. "Pasimple pa yan eh. Akala mo kung sinong humble pero GGSS." "Ang laki ng galit mo kay Rich no." Pangungutya ni Julie. Maqui again only shrugged her shoulders. "I don't like how he treats you kasi Jules. Para sa kanya kasi isang tawag niya lang at dadating ka. Kapag kailangan ka lang niya...ganun. Parang alam niyang lagi mo siyang uunahin." "Hindi ah." Malumanay na sagot ni Julie. Naalala niya ang nangyari sa bahay nila nung isang araw. "Mas inuna ko naman si Elmo nung nag-away sila--" "HEP HEP! Anong away?!" Naiintriga na tanong ni Maqui at pati si Tippy ay napaderetso ng upo para pakinggan ang susunod na sasabihin ni Julie. Muhkang hindi naman na siya makakatakas kaya tinuloy ni Julie ang pagsasalaysay. "He went to our house the other morning...gulat na lang ako na sinuntok niya si Elmo." "Tignan mo, gago talaga eh." Naiiling na sabi ni Maqui. Sinimangutan muna ni Julie ito. Hilig manabat eh. At saka tinuloy ang kwento. "Kaya iyon, pinaalis ko na lang saka ko ginamot ung pasa ni Elmo, mabuti pa di na lang lumaban si Moe, baka kasi lumala pa. Ayoko naman mas masaktan pa siya." Pagkasabi ni Julie noon ay nagkatinginan si Maqui at Tippy. "What?" Julie nervously asked. Kaaiba kasi ang pagtitinginan ng dalawa niyang kaibigan. "Tanga ka talaga no Julie Anne?" "O bakit nanaman?" "Ayaw mo nga masktan ng pisikal si Elmo pero sa ginagawa mo..." Napabuntong hininga si Maqui. "Emosyonal mo siyang nasasaktan..." =•=•=•=•=•=•=•=•= "Bro pasensya na ha...di tayo pwede maglasing ngayon. Pero ikaw pwede, okay lang naman kay Tippy. Basta wag ako." Nahihiyang ngisi ni Sam kay Elmo. Nakaupo sila sa harap ng pool ng bahay nila Sam habang may mani at tsitsirya sa harap. Inuman na sana pero softdrinks ang iniinom nila instead of alak. "Corny naman non bro." Natatawa na sabi ni Elmo. "Ala namang ako lang ang iinom?" "E hindi talaga pwede eh." "Okay nga lang...masarap din naman ang coke." Tawa na lang ni Elmo. For a few moments they stayed quiet, just drinking and eating the snacks in front of them. Until Sam decided to speak up. "Bro kamusta ka?" "Ha?" Talang tanong ni Elmo habang hinaharap ang kaibigan. Para bang nahihirapan na bumuntong hininga si Sam at sumubo pa muna ng mani bago muling nagsalita. "Kamusta ka kako. Kasi hindi naman masyado obvious na awkward kayo ni Julie kanina sa sasakyan saka sa dinner." Elmo's expression grew somber. Napayuko siya. Naalala niya kasi ang usapan nila kanina ni Julie. "I asked her...if she loved me." Kung nabigla man si Sam sa sinabi niya ay tinago kang nito. "Tapos?" "Hindi niya nasagot kasi dumating ka eh." "What? Man. Jeez, sorry for that bro." "It's not that." Hinga ulit ni Elmo. "Pakiramdam ko kasi, hindi naman talaga nga niya ako minahal non." "You can't be sure about that." Sabi kaagad ni Sam. Naapreciate ni Elmo ito. Tunay na kaibigan si Sam na halatang kampi sa kanya pero di naman pwede na ganun na lang iyon. "Bakit siya nalito kung ganon? Ako nga...takot na takot ako umamin sa kanya kasi baka maging awkward. Pero ganun kasi kasukdulan yung nararamdaman ko sa kanya. Na kahit piliin kong bulagin ang sarili ko, bumigay din ako." Halatang nahihirapan na si Elmo. "And I did take the risk, and I thought it paid off but...I just fell face first on the ground." "Ask her again." Simpleng sabi ni Sam. At napatingin si Elmo sa kanya. "Tanungin mo ulit kung minahal ka nga niya." He contemplated in doing so pero napailing lang si Elmo. Minsan akala ng iba mas nasasaktan yung babae. Ang hindi nila alam, mas grabe magdamdam ang lalaki. "Ang bakla pero, natatakot na ako bro." "O e anong gagawin mo?" Nagpipigil na din si Sam. "Magkasama kaya kayo sa iisang bubong. Akala mo siguro okay na dati kasi hindi kayo nagkikita. Pero sabihin mo nga sa akin, ano naramdaman mo nung nakita mo ulit siya after five years?" This was a trick question but there was only one answer on Elmo's mind. "I fell all over again." "There you go." Sam said matter-of-a-factly. "Tapos wala kang gagawin about it? Masokista ka ba ha Elmo?" "E ano pa ba magagawa ko?" Tanon ulit ni Elmo pagkatapos uminom sa kanyang coke. "Iwas na iwas siya sa akin e. Mabuti pa siguro..." Sam waited for what he was going to say. "Mabuti pa what?" "I'll forget about my feelings for her...you know, try to move on." Gusto pa sana magcomment ni Sam pero natagpuan niya ang sariling natatamemem na lang din. Nahihirapan na siyang magbigay ng payo! "Huh...goodluck with that bro." Sabi na lang niya. =•=•=•=•=•=•=•=•= "Grabe, inaantok na ako..." "Kami nga hindi uminom pero kayo naman ang tumungga sa alak!" Natatawang sabi ni Sam. Pasakay na silang lahat sa kotse niya dahil ihahatid na sila pauwi. Madaling araw na din kasi. Naiwan na sa loob si Tippy at nakapagpaalam na din naman sila Elmo, Julie at Maqui. "Sa harap ako guys." Sabi ni Maqui. "Huli akong bababa eh." Tumango lang si Julie. Ayaw niya magsalita. Nahihilo na kasi talaga siya. Naparami ata ang ininom niya. Muntik pa siyang masubsob papasok sa kotse pero mabilis siyang naalalayan ni Elmo. "Uh...salamat." She replied habang hawak siya ni Elmo sa balikat at sa baywang. "Mamaya na yan lovebirds!" Nalalango na rin na sabi ni Maqui habang naksandal sa may passenger seat. Pinaupo na ni Elmo si Julie sa loob at automatic na napasandal sa binatana ang ulo ni Julie. Nang masigurado na handa na ang lahat ay pinaandar na ni Sam ang kotse para maihatid ang mga kaibigan pauwi. Wala pang ilang segundo ng paglarga nila ng maramdaman ni Elmo ang ulo ni Julie sa balikat niya. He looked at her and saw that she was sleeping peacefully and was fully comfortable using his shoulder as a pillow. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang muhka nito at ayusin ang pwesto para hindi mangalay. Tinitigan lang niya ang muhka nito. Kung nung bata pa sila ay nabibighani na siya dito, mas lalo pa ngayon. They were just teens then. But now he could say that she was a full grown woman whose features were made for making anyone who looked at her grown knee-weak in awe. Tangina pano ko mapipigilan ang sarili ko nito. Tulog pa sa lagay na yon si Julie pero akit na akit siya sa itsura nito. Her lips were pinkish and looked delicious and he just wanted to kiss that perfect slope of her button nose. "Ehem." Napatigil siya sa pagtitig niya nang mapansin na sumusulyap sa kanya si Maqui habang si Sam naman ay pianpanuod siya mula sa rear view mirror. Patay malisya siyang nag-iwas ng tingin at kunwari ay inayos na lang ulit ang pwesto ni Julie na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. In no time ay nakapasok na sila sa Aeneous at naihatid na sila ni Sam sa bahay. Aantok antok na tiningnan siya ni Maqui. "Gisingin mo na yan Moe..." But when Elmo looked back at Julie, well, needless to say she was still heavily in dreamland. At ayaw niya istorbohin pa ito. "Need help bro?" Sam asked. Umiling si Elmo habang dahan dahan na kinakarga si Julie. Matangkad ito pero magaan, ang payat na kasi. Matagumpay naman siyang nakalabas ng kotse habang buhat si Julie na muhkang akala ay siya na ang kama dahil mas sumiksik pa ito sa kanya. Nanigas siya saglit, kung hindi lang siya pinapanuod ni Sam at Maqui ay pinatagal pa niya ang sandali na nakayakap ito sa kanya. "Ako na magbubukas ng pinto." Napapagod na sabi ni Maqui at lumabas ng kotse para pagbuksan si Elmo. Nakuha nila ang susi sa pocket ng jacket ni Elmo at nabuksan ang front door. "Thanks Maq..." "Magalona..." Kinakabahang tiningnan ni Elmo si Maqui, nakakagimbal naman kasi ang tono nito. "Yeah?" "Intact pa rin ang virginity ng best friend ko bukas ah. Malaman ko na pinagsamantalahan mo yan, di mo na makikita ang pagsikat ng araw." Elmo frowned. "Ano akala mo sa akin Maq. I won't take advantage of her..." "Just making sure." Seryoso pa rin na sabi ni Maqui. "Nakakaakit naman kasi talaga yang best friend ko." She looked at the still sleeping Julie in Elmo's arms before sayin goodnight and walking away. Pumasok na aa loob ng bahay si Elmo at sinara ang front door gamit ang kanyang paa bago dumeretso sa kwarto ni Julie. Nahirapan pa siya buksan ang pinto nung una dahil buhat pa rin niya ang babae. But then again, gusto na lang talaga niya makapagpahinga. Pinahiga na niya si Julie sa kama at tinanggal ang sapatos nito. Hanggang sapatos na lamang dahil lalaki lang din siya at kapag may iba pa siyang hinubad ay baka hindi siya makapagpigil. Binuksan niya din ang fan sa kwarto ng babae at binalutan ito ng kumot. Napako siyang nakaupo sa tabi nito at pinagmasdan lang ang pagkahimbing ng babae. Hindi man lang nagising sa buong pagasikaso niya dito. He remembered what he told Sam. Maybe it was time to let her go? Masakit na kasi. He was still going to live there with her pero pipigilan na lang niya ang sarili. Titigil na siya sa pagtawag ng "Aka" dito. Titigilan na din niya ang pagiging sweet. Magiging house mates na lang talaga sila. Takot ka kasi talaga siya. And maybe this was for the best. Pero inaamin niya sa sarili na matatagaln siyang sanayin na lumayo dito. Kaya mo ito Elmo... Lumapit siya sa babae at hinalikan ang pisngi nito. "You will always have a place in my heart though, Aka." And he swore that was the last time he was going to call her that. Tumayo na siya mula sa kama at pinatay ang ilaw bago dumeretso sa sarilin kwarto para makatulog na din. =•=•=•=•=•=•= AN: JuliElmoForLife people! PREACH!  Hallo hallo! Maraming salamat sa pagbabasa mga faney! Don't forget to comment or vote! It means so much to me! THANK YOU! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD