Mabuti na lang at nakatulog si Julie dahil mga ilang oras din siyang nagpaikot ikot lang sa kama. Okay na eh. Maayos na pagiisip niya, tapos out of the blue darating ito si Elmo at hinahalungkat ang mga karamdamang akala niya ay nakalimutan na niya. Napagpasyahan niyang bumangon na muna dahil kapag pinagpatuloy niya ang paghilata sa kama ay baka buong araw na siyang nandoon.
Handa na siya this time. Naalala na niya kasi na kasama niya si Elmo sa bahay na ito. Nakashorts na siya. Masasanay din naman siya.
Tumapak siya sa kusina. Tahimik lang ang buong lugar pero napansin niya na may nakahain na mga pagkain sa hapag. Nakatakip lang ito ng cover.
Lumapit pa siya at nakita na may note sa gilid ng mga plato.
Went for a morning run. Eat up.
-Elmo
Parang napapagod na binaba ni Julie ang hawak na piraso ng papel at umupo. Tumataginting na isang araw at kalahati pa lamang silang magkasama ni Elmo tapos ganito na ang nangyayari sa sistema niya. Linilito siya nito. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat gawin kapag kasama niya ito. Gulat na gulat siya sa reaksyon nito kagabi. Parang sobra sobra ang pagaalala nito na wala pa siya. Malamang Julie, alam niyang may kasama siyang iba sa bahay tapos gabi na uuwi? Babae pa. Natural lang yon. Wag ka masyado assuming.
Tama tama. Kahit dati naman maalaga talaga si Elmo eh. Dapat hindi niya iniiba ang sarili at isiping espesyal siya.
Binuksan na lang niya ang takip ng mga pagkain na inihanda ni Elmo. Nako. Paulit ulit niyang sasabihin na talagang tataba siya kapag kasama ito. Kung makapaghanda kasi akala mo piyesta! May hotdog, bacon, itlog, fried rice, champorado at pandesal pa!
Hindi niya napigilan ang sarili at linantakan ang champorado patina ang pandesal muna. Paborito niya yun eh. He remembered... No...stop Julie, stop.
Pang-limang pandesal na ata ang linapantakan niya habang linulublob sa champorado nang marinig niya na bumukas ang front door. Automatic na napa-angat siya ng tingin nang sumilip si Elmo.
Put-a little more!
"Oh good, you're awake." Sabi ni Elmo habang nagpupunas ng pawis.
Napatingin si Julie sa hawak na pandesal at dahan dahan na binaba iyon. Bigla siya nabusog.
"Ayaw mo na? Masarap ito saka sa kape." Sabi ni Elmo at lumapit para kunin ang pandesal na may kagat na ni Julie bago sinawsaw sa champorado at inubos iyon.
Bahagyang nag-iwas ng tingin si Julie. Magpapandesal pa ba siya e may anim na pandesal na nakabungad sa kanya ngayon. Bakit ba kasi kailangan walang pantaas si Elmo habang nagjojogging?! Ayaw niya umimik. Baka masyado na siya halata.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Elmo. Umupo ito sa tabi niya.
Bakit ganon? Pawis na pawis ito pero hindi nangangamoy.
"Julie?"
"Ah." She snapped out from her reverie. "O-oo okay lang ako."
"Uhm, pansin ko nga pala..." Simula ni Elmo. "Malapit na maubos yung laman nung fridge saka nung pantry."
Wala sa sarili na tumango na lang si Julie. She couldn't think straight with him being so close to her. And he had no shirt on for crying out loud!
"A-ako na lang bahala don. Mag-grocery na lang ako mamaya." Sa wakas ay nakasagot siya bago uminom sa kape niya. Bad idea. Lalo lang ata uminit ang paligid.
Nagtatakang tiningnan siya ni Elmo at napabalik din ang tingin niya dito. "Sasama ako. Share tayo sa lahat dito, groceries, tubig, saka kuryente at kung ano ano pa."
"Sige, kung ganun, maliligo na ako." Mabilis na kinalap ni Julie ang mga pinagakinan niya. Mas makakabuti kasi kung makakalayo muna siya kay Elmo dahil pakiramdam talaga niya hindi siya makahinga.
Binilisan din niya ang pagligo at pagaayos ng sarili pero gulat na lang niya nang makita na nakaupo na sa sofa si Elmo at gumagamit ng cellphone. Bihis na bihis na ito kahit na medyo mamasa masa pa rin ang buhok. Kahit anong bilis niya naunahan ka rin siya nito. Baka ganun talaga kapag lalaki. Simpleng T-shirt at shorts lang ang suot niya at ganoon din naman si Elmo.
"Tara na?" Sabi niya.
Pagkarinig sa boses niya ay napatingin sa kanya si Elmo. Nakita niya ang bahagyang pagsimangot nito. Problema nito?
"Tara na?" Tanong niya at nagsimula maglakad pero marahan siyang hinawakan ni Elmo sa braso. Nagtatakang tiningnan niya ito sabay na rin na hinihiling na hindi nito mapansin ang bahagyang pagtigil ng katawan niya dahil hinawakan siya nito.
Muhkang iniisip pa ni Elmo ang sasabihin pero bumitaw na din. Umiling iling siya. "W-wala. Tara na."
Nauna na ito maglakad at nagtatakang sumunod na lamang si Julie.
"Convoy na lang ba tayo?"
"Anong convoy..." Angal ni Elmo. "Kotse ko na lang, tipid pa tayo sa gas..."
Oo nga naman. Pero hindi kasi mapigilan ni Julie na maramdaman ang awkwardness kapag kasama si Elmo. Ano na lang mangyayari sa kanilang dalawa sa loob ng kotse diba?
"Julie..."
Tumigil ang pagiisip niya nang tawagin muli siya ni Elmo. Nakatayo na ito sa harap ng sariling kotse habang siya ay nasa drive way pa din.
"Tara na..." Pumasok na sa loob si Elmo at sumunod na si Julie.
Buong byahe ay tahimik lang silang dalawa. Mabuti at tumutugtog ang radyo dahil kundi, simpleng hibla lang ng buhok ni Julie ang lumipad ay maririnig. Sa pinakamalapit na grocery sila dumeretso.
"Baba ka na." Sabi ni Elmo nang tumapat sila sa nay entrance. "Park lang ako, tawagan na lang kita pagpasok."
"Uh...sige." Bumaba na si Julie at pumasok sa loob at si Elmo naman ay naghanap na ng parking. Kumuha na siya ng push cart at pumasok sa loob. Malaki ang grocery na iyon at malawak-lawak din ang iikutin. Inuna na niya ang frozen section dahil ito ang nasa pinakadulo. Ganoon kasi siya mag-grocery, mula dulo pabalik.
Nagpapatimbang siya ng piniling chicken strips nang maramdaman na tumatawag sa kanya si Elmo.
"Hello?"
"Ak--Julie, saan ka banda?"
"Sa dulo, sa frozen section."
"Sige sunod na ako diyan."
Binaba na ni Julie ang tawag at naglakad na siya papunta sa mga beef naman. Ramdam niyang parang giniginaw nga siya. Baka dapat hindi ako nagshorts.
Nagpakilo siya ng beef cuts para sa beef steak. Paborito niya kainin iyon eh.
"Aka..."
Natigilan siya sa narinig na boses at nakitang papalapit sa kanya si Elmo. Muhkang nahihiya din ang lalaki sa sinabi nito.
"Uh...s-sorry, n-nasanay lang." sagot na lang ni Elmo.
Tumango lang si Julie. She shrugged the thought off and walked back to the beef. Kunwari ay ayon na lang ang iisipin niya kaysa itong mga nararamdaman niya.
Nagpatuloy lang siya sa pagpili ng mga grocery habang si Elmo ay tahimik lamang na nakasunod sa kanya.
"Ay, paborito ko itong cookies na ito." Sabi ni Julie. Problema lang niya hindi niya maabot. Matangkad siya para sa isang babae pero hindi niya talaga abot eh.
"Ako na." Elmo reached up. Natigilan si Julie nang maramdaman na nasa likod niya banda ang binata. He brushed up against her and she felt him against her legs. Napalunok siya napahinto sa pwesto hanggang sa naramdaman niyang tumabi na muli sa kanya si Elmo at inilagay ang package ng cookies sa cart.
Tiningala niya ang lalaki sa kadahilanang isang dangkal din ang tangkad nito sa kanya. Mabuti na lamang at di sila pareho natunaw sa pagkatitigan nilang dalawa.
"Julie Anne?"
Napapitlag silang dalawa sa tumawag at sabay na tumingin sa kaliwa. Isang maliit na lola ang nakangiti sa kanilang dalawa.
"Ah, goodmorning po Tita Minnie." Bati ni Julie.
Lumapit ang matanda at nginitian si Julie at si Elmo. Tiningala nito si Elmo. The same smile was on her face before she looked at Julie.
"Anak, nag-asawa ka na pala? Bakit di ako imbitado?"
Gulat na nanlaki ang mga mata ng dalawa.
"H-hindi po tita Minnie..."
"Ah...nobyo mo pa lang?"
"H-hindi rin po." Nahihirapan na sagot ni Julie. "Kaibigan ko lang po."
"Akala ko pa naman may nobyo ka na, anak." Sabi ni Tita Minnie at lumapit kay Elmo. Tinapik tapik pa nito ang pisngi ng lalaki. "Kagwapong bata, bagay kayo."
"Salamat po." Sabi ni Elmo.
Julie laughed nervously. "Friends lang po kami tita."
"Anak kahit pakaganda mo, alam ko copywriter ka at hindi artista. Wag masyado showbiz ang sagot." Tawa ni tita Minnie at ang pisngi naman ni Julie ang tinapik.
Maikling ngiti lang ang sinagot ni Julie. "Wala po ba si Penny?" Tanong niya. Si Penny ay ang apo ni Tita Minnie, mas bata ng mga apat na taon sa kanila ni Elmo at isa sa mga kaibigan ni Julie sa Aeneous.
"Lola!"
Speaking of. Halos tumatalon na lumapit ang isang babae at naglagay ng isang lata ng soup. Ngumingiti pa ito sa lola niya nang mapansin ang dalawa. Dahan dahan pa ang pag-angat ng ulo na ginawa nito bago deretso nakita sila Julie. "Ate Julie!"
"Hi Penny." Ngiti ni Julie.
Maligalig na kumaway kaway pa ito saka napansin na nakatayo doon si Elmo. "Boyfriend mo ate?"
Ganun na lang ba lagi ang tanong?
"Apo, magkaibigan lang daw sila." Tawa ni Tita Minnie.
That uneasy smile was back on Julie's face. "H-hindi. Kaibigan ko lang. Si Elmo po."
Malaki lang ang ngiti ni Penny sa kanila. "Hi kuya Elmo! Penelope Divinagracia." Kaway nito.
"Hi." Elmo gave a small smile.
"Weekly grocery ka ba iha?" Tanong ni Tita Minnie.
Tumango lang si Julie. "Opo, nauubos na rin po kasi ang supply namin sa bahay eh."
"Kuha lang muna ako ng kape ah..." Bulong ni Elmo kay Julie. Sumenyas naman ito kay Penny at kay Minnie na muna muna siya.
Once na mawala na siya sa paningin nila ay sabay sabay na humarap ang maglola kay Julie.
"Anak, hindi mo ba talaga nobyo yon? Aba kagwapong bata! Paniguradong gwapo at maganda mga anak ninyo."
"K-kababata ko lang po talaga siya." Pilit ngiti ni Julie. Kababata na nakahalikan ko na po kaya nagdugo labi niya.
"Nako sayang o. Pero imbitado kami sa weddding niyo ah." Segunda ni Penny sa sinasabi ng lola niya. "Pano ate, una na kami, nagiging monster ito si lola kapag gutom eh."
"Kahit ayaw ko, sang-ayon ako kay apo." Tawa ni tita Minnie. "Ang invitation namin Julie Anne ah!" Ngiti ulit ni lola bago naglakad na sila palayo ni Penny.
Naiwang napapailing doon si Julie. Ang mga tao talaga ngayon o. Hindi ba pwede na magkaibigan lang ang babae at ang lalaki? Makita lang na magkasama magnobyo na kaagad.
"Julie..." Nakabalik na si Elmo at may dala dala na mga sangkap. Linagay niya lahat sa loob ng cart at nanlalak ang mga mata ni Julie. Muhkang mga mamahalin kasi.
"Ako bahala sa bayad." Elmo smirked.
"Hindi ah. Share tayo." Mabilis na sabi ni Julie. Alam naman niya kasi na chef si Elmo at kakaiba ang mga sangkap na sanay nito gamitin.
Hindi na rin umangal si Elmo para tapos na ang usapan. Buong pagiikot nila ay halos hindi sila magusap. Tungkol lang talaga sa mga pinapamili nila kung maguusap man sila.
Nagawi sila sa may bandang mga appliances at bahagyang pinagiisipan ni Julie kung bibili siya ng bagong fridge.
"Bibili ka ba ng bagong fridge?"
Nagulantang siya nang maramdaman si Elmo na nagsalita sa likod niya.
"Ah oo." Sagot niya at pinagmasdan pa ang refrigerator na nasa harap niya. "Luma na rin kasi yung fridge na nasa bahay saka lagi na lang nagtutubig. Kaso wala pa ako pera eh. Sa sweldo na lang siguro."
"Gamitin na lang natin credit card ko." Elmo offered at nanlaki kaagad ang mata ni Julie.
"What? No." She said. "Fridge yun Elmo, hindi tayo hati doon."
"Gamit ko din naman yung fridge ah." Elmo pointed out. "Malakas kaya ako kumain."
"Eh hindi ko naman talaga balak bumili ngayon eh." Sabi pa ni Julie. "Tara na nga, lunch na din tayo nagugutom na ako eh."
Binayaran na nila lahat ng pinamili nila bago lumabas sa mismong grocery. Bukod sa shop mart ay may mga restaurant din na nandoon.
"KFC tayo?" Aya ni Elmo.
"Chic-boy na lang." Suggest naman ni Julie. Pero bago pa makasagot si Elmo kung sang-ayon siya ay nagsimula na maglakad si Julie papunta sa restaurant. Natatawa sa sarili na sumunod naman si Elmo.
"Anong gusto mo? Ako na mag-oorder." Tanong ni Julie. Itinabi muna nila ang cart ng groceries nila sa may security guard ng restaurant.
"Uh, yung liempo na lang siguro."
"Sige..." Dumeretso na si Julie papunta sa counter at si Elmo naman ay naghanap na ng mauupuan nila.
Marami-rami ang tao at pakiramdam ni Elmo ay wala na sila mauupuan nang may tumawag sa kanya.
"Moe!"
Napasingkit pa ang kanyang mga mata habang tinitingnan kung sino ang tumawag at nakita na si Sam pala ito. And he was not alone.
Busy pa si Julie sa pagbili sa counter kaya napagpasyahan ni Elmo na sunduin na lang ito pagka-order.
"Hi bro." Bati ni Sam sa kanya habang siya naman ay nakipagfist bump dito. Saka niya hinarap ang buntis na babaeng katabi ni Sam. "Hi Tips...lumalaki na tiyan mo ah! How many months na?"
Ngumiti ang babae sa kanya. "5 months na Moe, mag-isa ka kakain?"
"Actually..." Elmo looked back at sakto naman ay tapos na mag-order si Julie. Hawak hawak nito ang binibigay na number kapag hindi pa maibigay ang order.
Mabilis siyang tumayo at kinuha ang tray kay Julie.
"Easy ka lang Moe." Natatawa na sabi ni Sam. "Wala namang bigat yang dala ni Julie."
At saka lang napansin ni Julie ang mga nangyayari.
"Tippy!"
"Hi Jules!" Bati ni Tippy at tumayo mula sa bench para mayakap si Julie.
"Oh my god, ang laki na ng tiyan mo!" Ngiti ni Julie. Matagal din bago sila nagkita muli kahit magkakaibigan silang lahat simula bata pa lang.
"Isa ka sa mga ninang ah!" Sabi naman ni Tippy at sabay sabay na sila umupo. Sakto kasi puno na rin ang buong restaurant at pangapatan naman ang naupuan ni Sam at Tippy.
"Kamusta naman?" Ani Tippy. "Balita sa akin ni Sam magkasama kayo sa bahay ngayon ah."
Nagkatinginan naman si Julie at Elmo bago ngumiti ulit si Tippy.
"Yiii, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."
"Hon, alam ko maganda boses mo pero mamaya ka na kumanta." Pagsalba ni Sam. Natural lang talaga na happy-go-lucky si Tippy pero hindi nito alam na pinapahurapan niya ang surwasyon ni Elmo at ni Julie.
"O joke lang..." Tippy smiled. "Since nagkita kita tayo, why don't we have a small dinner mamaya sa bahay namin?"
"Small dinner?" Ulit pa ni Elmo.
"Oo Moe." Tawa ni Tippy. "Masaya siguro na magsama sama muna tayo diba? Invite ko na din sila James at sila Maqui!"
"Haay, love, ambilis mo magdesisyun."
"Shut up Samuel Lawrence!" Mabilis na sabi ni Tippy na ikinagulat nilang lahat. "Gusto ko mag get together at mag-ge-get together tayo okay?"
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Natatawang bumaba ng sasakyan si Elmo.
Nagtatakang tiningnan siya ni Julie habang hinahakot nito ang mga grocery sa likod ng kotse. "Okay ka lang? Tinatawa tawa mo diyan?"
"Ah, si Sam kasi eh...ang under kay Tippy." Sagot ni Elmo. "O, bakit ikaw ang nagbubuhat niyan. Ako na..." Hindi pa naiaangat ni Julie ang mga dalang bagahe nang kunin sa kanya ng lalaki ang mga dala. Ang lakas nito! Apat na bag yun! Sabay sabay na inangat! Wala man lang tinira sa kanya!
"Elmo!"
She called pero hindi siya pinansin nito dahil tuloy tuloy lang itong naglakad papunta sa kusina. Nawiwindang na sinundan naman ni Julie ang lalaki at saktong nakita na binaba na nito lahat ng eco-bag sa may sahig.
Parang wala lang na nagsimula naman ito maglabas ng mga pinamili si Elmo.
"Di ba nabatak yang mga braso mo sa binuhat mo?" Namamanghang tanong ni Julie nang tumayo siya sa tabi nito.
Nakangising tiningnan siya ni Elmo habang patuloy na nagaayos. "Walang wala ito sa mga binubuhat ko sa gym..."
Umirap si Julie. Boys. Mahahangin. Pero halata naman sa biceps. "K."
"That was the coldest 'K', Aka..." Elmo chuckled but stopped when he realized that he called her that again. Hindi niya din kasi talaga mapigilan.
"T-tulungan na lang kita ulit mamaya." Sabi ni Julie. "M-maglinis lang ako ng katawan..."
"Sige..." Naiwan mag-isa si Elmo habang inaayos ang mga pinamili. Nailapat niya ang mga kamay sa taas ng lamesa at wala sa sarili na nasapak ang kahoy.
Nagwash-up lang ng katawan si Julie pero pangalis din ang sinuot. Pupunta pa kasi sila sa dinner na sinasabi ni Tippy. Si Sam pa daw ang susundo dahil alam ni Tippy na may inuman na mangyayari at ayaw niya malagay sa peligro ang mga kaibigan niya.
Naririnig niyang nag-aayos pa rin ng kagamitan si Elmo sa loob ng kusina pero kailangan niya ng fresh air.
Lumagpas siya sa kusina habang nakatalikod pa rin sa kanya si Elmo at lumabas sa porch nila.
There was a beautifully carved bench situated right there. Dati doon siya gumagawa ng assignment niya nung college. Presko kasi doon at nakakapagisip siya. Kagaya ngayon. Nakakapagisip siya.
What the heck is happening. Nagiinarte ba siya kung may nararamdaman siyang iba kapag tinatawag siyang 'Aka' ni Elmo? Parang binabato kasi sa kanya lahat ng ala-ala nila noon. Pinaparamdam sa kanya kung paano siya nito alagaan noon. Kung paano nito siya unahin sa lahat ng bagay. That might have been 5 years ago but it was stirring up feelings in her. Hindi niya namalayan na may talipandas na luha na palang nalaglag mula sa kanyang mata.
"Julie?"
Nag-iwas siya ng tingin at mabilis na pinahid ang luha niya. Tumabi sa kanya si Elmo at naramdaman niya ang init ng katawan nito.
Hindi pa rin niya hinaharap ito at pinili na sa kalye sa harap nila tumingin. Kahit wala naman talaga nangyayari sa kalye.
"Aka..."
"E-Elmo...please stop calling me that." Sabi ni Julie.
Hinarap na niya si Elmo at hinayaan na lumabas lahat ng emosyon sa muhka niya. Nakita naman niya na aligaga na din ang lalaki sa nangyayari sa kanilang dalawa.
Napapitlag siya ng haplusin ni Elmo ang muhka niya. Kanina pa sila nagkakapaan ng gagawin eh. Ngayon na silang dalawa lang talaga ang magkasama ay libreng libre na sila magusap. Hindi lang sigurado si Julie kung kakayanin ba niya ito.
"J-Julie...akala ko ba susubukan natin ito?" Sabi ni Elmo at siya na ang nagpunas sa mga luha ng babaeng nasa harap niya.
"W-we will..." Sagot naman ni Julie. They were so close. Sa mata ni Elmo deretso ang tingin niya. "I-I'm sorry it's just...bumabalik ako sa nakaraan eh."
"Gusto mo ba Julie?" Tanong ni Elmo. Noong una ay sa mga mata ni Julie ito nakatingin pero unti-unting bumababa sa labi ng dalaga. Then he travelled back up. Kitang kita sa mga mata niya na siya mismo ang sumasagot sa tanong niya kay Julie. Na gusto niya. Gusto niya bumalik. "Alam mo ba..." He started. "Dati...matagal ko inisip kung liligawan ba kita. Because you were my friend first. And I thought things would be awkward. Pero di ko kinaya Julie eh. Kasi mahal na mahal talaga kita eh. Kaya I pursued you. I took the risk. Sabi mo...you weren't ready for love dahil bata pa tayo...but did you...feel something for me? Did you love me?" Hindi humihinga si Elmo matapos niyang tanungin iyon.
Julie stared back at him. "A-Aka..." She whispered.
BEEP BEEP!
"Guys tara na! Naghuhuramentado na si Tippy!"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: How is ebribadi? Haha! Maraming salamat po sa mga nagbabasa, nagcocomment at bumoboto!
Mwahugz!
-BundokPuno<3