AN: Typos everywhere...
Maagang nagising si Julie kahit pa na weekend. Kaagad siyang nag-CR at ginawa ang kanyang morning rituals bago lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina.
Papikit pikit siyang gumagawa ng kape nang makarinig siya ng mga yapak mula sa likod.
Lumingon siya at saktong nandoon si Elmo na nakaboxers lang at magulo pa ang buhok. Nagpupungas pungas pa ito ng mata at napatigil nang makita si Julie. Ganun din naman ang dalaga at hindi nila napigilan ang mapatingin sa isa't isa.
"Uh..." Nasambit ni Elmo at napatingin kay Julie pababa.
Tiningnan ng dalaga ang sarili at lumaki ang mga mata nang mapagtanto na isang malaking t-shirt lang ang suot niya. Howshit!
Linapag niya ang hawak na tasa sa may countertop at nagmamadaling tumakbo pabalik ng kwarto, napailag si Elmo dahil muntik na siya nitong mabangga sa kakamadali.
Elmo smirked to himself. Ganda ng legs...
Pulang pula ang muhka ni Julie habang magbibihis. Julie! Nakalimutan mo ba na may kasama ka na iba sa bahay na ito! Kakahiya!
Pinahipa muna niya ang pamumula ng nuhka niya bago naglakad pabalik sa kusina. Naamoy na niya ang fried rice na linuluto ni Elmo. Muhkang hindi din siya makakasingit pa dito kaya napagdesisyunan niya na magtimpla na lang ng kape nila.
"Food's ready..."
"Coffee's ready..."
Napatigil silang dalawa sa kadahilanang sabay pa talaga sila nagsalita. Nakatignin sa isa't isa na sabay silang mahinang tumawa.
"Kain na tayo..." Sabi ni Elmo at linapag ang linuto sa may hapag.
Napaamoy pa si Julie dahil sa sobrang bango. Kapag siya lang ang nasa bahay mga simpleng luto lang ang ginagawa niya kasi hindi naman talaga siya ganoon kagaling sa aspetong iyon. Pero ngayon na nandito si Elmo, parang nagkaroon siya ng instant chef.
"Muhkang tataba ako at nandito ka ah." Julie teased. Umupo siya sa tapat ni Elmo na automatic na pinagsasandok si Julie ng linuto niyang omurice.
"Dapat talaga tumaba ka na, ang payat payat mo na o?" Sabi sa kanya ni Elmo. "Kaya kain ka lang ng kain."
Hindi na umimik si Julie at tinanggap na lang ang linuto ng lalaki. Ayaw lang niya masanay na ganito ito sa kanya. Because it was bringing up some feelings that she was sure would complicate everything.
Tahimik lang silang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Julie na namamahinga sa tabi ng kamay niya. Sinilip niya ito at nakita na si Rich pala ang nagtext.
From Rich:
Goodmorning Jules! Kamusta ka na? Gala tayo nila Nadine mamaya?
Matagal na din naman niyang hindi nakasama ang nga kaibigan. It's been a week since nailibing nila ang lolo niya at ganun din katagal ang hindi nila pagkita ng mga kaibigan.
Me:
Sure! Saan tayo?
From Rich:
Sunduin na lang kita!
Julie typed a quick reply before going back to eating. Saka niya napansin na nakatingin sa kanya si Elmo. At nang mapagtanto na nahuli siya ay umiwas ito ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
Napayuko si Julie habang nagiisip. Hindi naman niya nakalimutan ang nangyari kagabi eh. At sa totoo lang ay nalilito siya. Pero hindi. Ayaw niya mag-over think. Baka wala lang yung kagabi at pareho lang talaga sila pagod. She'd take being civil with him for now.
Mabuti na ito. This would be the start that they both needed.
"Aalis nga pala ako mamaya." Sabi ni Julie.
Napatingin sa kanya si Elmo at hinintay na magsalita pa muli siya.
"Uhm, bigyan na lang kita ng susi ng bahay. I'm sure gusto mo din lumabas saka magliwaliw..."
"Actually..." Simula ni Elmo. "Pwede bang mag-invite ako ng friends over? Mga 2 to 3 lang. Yun kasi madalas namin gawin. Hang out lang..."
Tumango si Julie. "Oo sige, just clean up after..."
Natapos na sila kumain at mabilis na tumayo si Julie para siya na ang maglinis ng kinainan nila. "Ako na dito. Walang aangal." Dahil nakita niya na muhkang magsasalita ulit ang lalaki.
Wala na iba pa nagawa si Elmo dahil nagsimula na maglinis si Julie.
"Uh, maliligo na lang muna ako." Sabi ni Elmo.
"Sige una ka na..." Julie absent-kindedly replied as she continued cleaning the dishes.
Palabas pa lang sana si Elmo sa kusina nang marinig nila ang tunog ng isang sasakyan sa labas. Kasunod ay ang pagtunog ng doorbell.
"Ako na..." Pagboluntaryo ni Elmo.
Sinundan pa ni Julie ng tingin ang lalaki habang tinutuyo ang huling plato.
"SINO KA?!"
PAK!
Halos malaglag ni Julie lahat ng pinggan na hinihugasan. Ano yon?! Iniwan niya ang ginagawa at pumunta sa front door. Laking gulat niya nang makita na nakatayo doon si Rich habang si Elmo ay nakaluhod at nakahawak sa panga niya.
"Elmo!" She yelled. Lumapit siya dito at tinulungan patayo. Hinawakan niya ang muhka nito at nakitang nagdudugo ang gilid ng labi nito. Mayroon na rin namumuo na pasa sa pisngi nito. Nanlilisik ang mga mata na napatingin siya kay Rich na nakatayo pa rin doon. "Rich! What is your problem?! Bakit mo siya sinuntok!?"
Pero hindi natinag si Rich sa tono niya. "E sino ba yan?! Anong ginagawa niya dito sa bahay niyo?! He's half naked! For crying out loud Julie!"
"He lives here Rich!" Inis na sigaw ni Julie habang inaalalayan patayo si Elmo. "He'a going to be my housemate and you injured him!"
Halatang nalilito pa rin si Rich pero hindi nawawala ang galit sa mga mata nito. "Housemate? Lalaki saka babae? Is that right?!"
"Pare, wala naman kami ginagawang masama." Malumanay na sabi ni Elmo pero halatang nagtitimpi. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya.
Rich scoffed and looked away for a minute.
"Elmo pasok ka muna sa loob." Bulong ni Julie sa katabing lalaki.
Kahit muhkang hindi sigurado at mabalasik ang tingin kay Rich ay pumasok naman si Elmo.
"Kilala mo ba yan Julie?" Sabi ni Rich sa sandali na nawala si Elmo sa paningin nila. "Mamaya pagsamantalahan ka niyan."
"He'a an old...friend, Rich." Sagot ni Julie. "At pwede ba, mas una ko siyang nakilala kaysa sayo."
The same glare was on Rich's face. Napahilamos pa ito sa muhka bago tingnan muli si Julie. "It's just that...I don't feel comfortable with him here."
"I can take care of myself." Julie said, defending herself. "At bakit ka ba nandito?"
Huminga ng malalim si Rich. "Gusto ko lang sana mag hang out..."
"Diba magkikita naman tayo mamaya?" Nagtatakang tanong ni Julie.
"Gusto sana kita masolo." Sabi ni Rich.
Natigilan si Julie sa sinabi nito. Hindi naman siya sanay na ganun sa kanya si Rich. Through their whole friendship, he'd treat her like a litte sister. But then again, she need not think too much about it.
"Magkakasama naman tayo mamaya." Ani Julie. "Text na lang kita mamaya, okay?"
"Julie..." Tawag ulit ni Rich nang tumalikod na siya.
Nagtaas ng kilay si Julie na para bang nagtatanong kung ano pa ang sasabihin ng lalaki.
At muhkang hindi naman matuloy ng lalaki ang sasabihin kaya napabuntong hininga na lang ito. "J-Just be careful okay?"
Bago pa makasagot si Julie ay naglakad na pabalik sa sariling kotse si Rich. Pinanuod niya hanggang sa lumiko na sa kanto ang sasakyan nito bago siya bumalik sa loob. Sumilip siya sa kusina pero wala doon si Elmo kaya naman sigurado siya na nasa kwarto na ito ngayon. Dumeretso siya sa dulo at kumatok sa pintuan bago buksan ito.
Napaangat ng ulo si Elmo nang pumasok sa loob si Julie. Nakahawak siya sa isang ice pack na nakapatong sa kaliwang pisngi niya.
"s**t naman o..." Bulong ni Julie at lumapit kay Elmo para umupo sa tabi nito.
Hinayaan naman ng lalaki na kunin niya ang icepack at siya ang maglapat nito sa pisngi niya.
"Dumudugo pa rin labi mo..." Nasambit ni Julie habang tinitingnan ang bibig ni Elmo.
"Nangyari na sa akin ito dati..." Sagot ni Elmo.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Julie. "Nasapak ka na rin dati?"
"Hindi. Dumugo din labi ko, pero gusto ko yung dahilan kung bakit."
Hindi nagtagal para pumasok kay Julie ang sinabi ng lalaki. Naintindihan niya kaagad ang pinaparating nito. Namula ng tuluyan ang muhka niya at diniinan niya ang icepack sa muhka nito.
"Aray!"
"Sige. Pagtripan mo pa ako."
"E totoo naman eh." Ngisi ni Elmo. Akmang uulitin ni Julie ang gagawin kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.
Napatigil naman ang babae nang maramdaman na hinaplos ni Elmo iyon. Siya na ang unang lumayo.
There was a disappointed look on the man's face but he just cleared his throat and looked at her again.
"Boyfriend mo ba iyon?"
Kahit alam ni Julie na pwede namang hindi niya kailangan sumagot pero oo sumagot siya. "Hindi."
"Pero gusto mo siya maging boyfriend?"
Sumimangot siya. "Hindi. Ang rami mo tanong. Maliligo na nga ako..." Binalik niya ang icepack sa kamay ni Elmo bago tumayo at lumabas sa kwarto.
Naiwan ang lalaki na napapahinga ng malalim. Hawak niya ang ice pack sa isang kamay at malapit na niya itong masira sa higpit ng hawak niya.
=•=•=•=•=•=•=•=
"Julieeeee!!!"
Sanay si Julie sa bating tilian. Yung tipong isang taon kayo hindi nagkita pero yung totoo isang linggo lang naman.
"Nadz, ang sakit sa tainga." Kunwari naiinis na sabi ni Julie pero tumatawa habang yumayakap sa kanya ang kaibigang si Nadine.
"Ito naman parang hindi mo ako namiss." Sabi ni Nadine na medyo kumakalma na.
Tumawa si Julie at hinigpitan pa ang yakap sa kaibigan. "Siyempre namiss naman kita ano."
"Aba dapat lang...sorry nga pala hindi ako nakapunta sa burol ah..." Sabi ni Nadine habang umaayos sa upuan. "Bigla kasi kami lumuwas din sa probinsya."
"Okay lang naman yun Nadz..." Maliit na ngiti ni Julie.
Nakaupo silang dalawa sa isang coffee shop, hinihintay ang isa pa nilang kaibigan.
"Asan na kaya si Rich? Laging late iyon." Nayayamot na sabi ni Nadine.
Saka naman naalala ni Julie ang nagyari ng umagang iyon. Matapos kasi maligo ay nagpaalam na siya kay Elmo na aalis. Tumango lang naman bilang sagot ang lalaki at nagpatuloy ng pagnuod ng basketball sa TV.
"Nadz, may sasabihin ako..."
"OMG di ka na virgin?"
"Sira!" Kaagad na sabi ni Julie. "Pwede ba...pasalitain mo mun ako."
"Hehe ikaw naman Jules, joke lang. O ano ba kasi yon? Ang seryoso mo naman kasi masyado." Sabi ni Nadine na pinapatong ang dalawang braso sa taas ng lamesa.
"Sa Northville na din kasi sila mama titira ulit..."
"Ha?" Gulantang na sabi ni Nadine. "Paano bahay niyo dito?"
"Doon pa rin ako."
"Mag-isa ka lang?"
Dito na napakagat labi si Julie. Alam niyang magrereact kaagad si Nadine pero kailangan pa din naman niya sabihin. "No... May kasama pa rin ako..
"Ah... Si manang?"
Haay. Hindi alam ni Julie na mahirap pala sabihin ito. "Hindi rin...s-si Elmo..."
"Elmo?" Kunot noong sabi ni Nadine. "Yung sa sesame street?"
"Hindi..." Bahagyang natawa din si Julie bago makahulugang tiningnan si Nadine.
Itong saglit na ito ay lumaki ang mga mata ni Nadine sa napagtanto. Naeeskandalong tiningnan niya ang kaibigan at napabulong pa. "Elmo? Elmo as in yung first kiss mo? Yung first love mo?!"
"He was not my first love." Pagdiin ni Julie na bumubulong na din.
Tumaas ang kilay ni Nadine sa kanya. Huling huli naman siya sa magandang hulma ng kilay ng kaibigan. "Sige Hulyeta lokohin mo pa ako..."
"I never said he was my first love Nadya." Balik asar ni Julie.
Nadine had her arms crossed in-front of her. "Sige sabi mo eh... Pero grabe, magkasama kayong dalawa sa iisang bahay? At bakit?!"
"Malapit kasi sa work niya..." Pagpaliwanang ni Julie. "And our parents decided that."
"Ay approve kaagad sa parents..." Naiintrigang sabi ni Nadine.
Mahinang kinurot siya ni Julie sa braso.
"Aray!"
"Approve sa parents ka diyan."
"E totoo naman! Sila pa nga ata matchmakers niyo." Sabi ni Nadine. "Pusta, hinihintay lang nila na mabuntis ka niyan ni Elmo para pilitin kayo magpakasal."
"Oh my god." Nahihiyang sabi ni Julie at napatakip pa ng muhka.
Napahinto nga lamang ang usapan nila nang bumukas ang pinto ng coffee shop at pumasok si Rich at ang isa pa nilang kaibigan na si Alfred.
"Hello ladies." Sabi ni Alfred at komportableng umupo sa tabi ni Nadine.
Medyo ilang na nakatinginan si Rich at si Julie pero umupo naman ang lalaki sa tabi niya.
"Di pa pala kayo nakakapagorder." Ani Rich.
"Kami na bahala, buti hinintay niyo kami." Nakangisi na sabi ni Alfred. Mabilis itong tumayo at hinila si Rich papunta sa counter. "Memorize na namin order niyo girls, kami na bahala..."
Baliktad si Alfred at si Rich. Naturally happy go lucky kasi si Alfred habang si Rich ay may pagkamysterious.
"What was that all about?" Tanong ni Nadine kay Julie.
This caught the latter off-guard. "What do you mean?"
"Hulyeta, hindi ikaw si Justin Bieber, anong drama niyo ni Rich?"
"Wala naman ah." Baka sakali makalusot.
"Anong wala?" Pagpilit ni Nadine. "Nakita ko yun. Ano nangyari?"
So much for making lusot. "Pumunta siya kaninang umaga sa bahay...biglaan..."
"O tapos?" Nadine prodded.
Argh ang hirap. "S-Si Elmo kasi nagbukas ng pinto para sa kanya...next thing I know is Elmo's kneeling on the floor and sporting a bruised cheek."
Malaki ang intriga sa muhka ni Nadine pero nakangiti ito.
"Anong ngiti yan?" Tanong ni Julie.
At patuloy pa rin sa pagngiti nga si Nadine. "Somebody's jealous!"
"Pfft..." Julie scoffed. "As if...bakit naman magseselos si Rich?"
"Duh...because he likes you. Minsan pinagiisipan ko kung c*m laude ka ba talaga Julie Anne eh." Napaikot ang mata ni Nadine.
At hindi napigilan ni Julie ang natawa sa sinabi n kaibigan. "What? Rich? Jealous? Kaibigan lang tingin sa akin niyan no."
"We all know na you want something more from him." Nadine said in a sing-song manner. "Malay mo nagseselos talaga siya kay Elmo? I mean...swerte niya, he gets to sleep with you."
"That sounded so wrong on so many levels." Julie gasped.
Natawa din si Nadine sa sinabi niya. "I mean, in the same house. Siyempre magkasama na kayo sa iisang bahay. And my past kayong dalawa."
"Past na yon..."
"Bullshit Julie Anne, naikwento mo yan one time nung wala tayong prof, at naalala ko ang kwento mo tungkol sa unang lalaki na pinakilig ka ng totoo." Pagkwento ni Nadine. "Tapos ngayon magkakasam kayo? E hindi nga kayo nagkaroon ng closure eh. Basta lang naghiwalay. This is a sign."
"Akala ko ba we were talking about Rich?" Sabi ni Julie. Ang totoo niyan naguguluhan na siya eh.
Kibit balikat ang sinagot ni Nadine. "Hey, Rich is my friend. Pero masyado madrama yang lalaki na yan. Magulo. Ewan ko ba sayo bakit gusto mo yan. Kilatisin ko muna si Elmo para malaman natin ang score nila."
Umiling si Julie. May pagscore pa talagang nalalaman ito si Nadine.
"Orders are here!" Bungad ni Alfred.
Tumabi si Rich kay Julie at nanahimik ang babae. Masyado marami pinagsasabi si Nadine. Napapaisip tuloy siya. Pero kasi...ayaw na niya magoverthink.
=•=•=•=•=•=•=•=
Kanina pa tinitingnan ni Elmo ang namumuong pasa sa kanyang muhka. Tangina sana by Monday wala na ito. First day niya sa trabaho iyon. Ala namang mgapakita siya sa unang araw ng pasok na may pasa? Kung di lang kaibigan ni Julie yung gagong iyon ginantihan ko eh.
DING DONG!
That must be James and Sam. Lumabas na si Elmo mula sa kwarto at binuksan ang front door. He wasn't wrong.
"Hey bro." Bati ni James.
"Pasok kayo." Sabi ni Elmo at linakihan ang pagbukas sa pinto at pinapasok ang dalawang kaibigan.
"Ganda ng bahay niyo bro ah." Sabi ni Sam. "Kahit bungalow lang muhkang kasya kahit tatlong anak niyo ni Julie."
"Gago, anong anak ka diyan." Sabi ni Elmo at mapaglarong sinuntok ang braso ni Sam. Taga Northville din ang kaibigan nilang si Sam. At dahil maliit ang mundo, katrabaho ito ni Julie sa advertising department ng Just Empires.
"Upo kayo o..." Ani Elmo nang makarating sila sa living room. "Kumain na ba kayo? Nagluto ako eh."
"We've eaten bro." Sabi ni James. "But we love your guacamole dip, and I'm sure, yon ang linuto mo."
"Kilala mo talaga ako James." Elmo laughed. Bumalik siya sa kusina at pinaghanda naman ang dalawang kaibigan pati na ng beer.
"Kaya mo ba bro?" Tanong ni Sam nang lahat sila ay nageenjoy sa pagkain at sa action film na sinalpak ni Elmo sa player.
"Ang alin?" Tanong ni Elmo.
Mahinang natawa si Sam. "Itong set-up, diba in-love ka kay Julie dati?"
"Dati yon..." Sagot ni Elmo bago uminom sa bote niya ng beer.
"May kantang 'Dati' bro..." Sabi ni Sam. "At minsan, katulad sa kanta, gusto ng mga tao na kagaya na lang ng dati."
"Woah are we getting all sentimental here?" Tawa ni James. Dumeretso ito ng upo at hinarap si Elmo. "But Sam is right bro...I mean, we all know that thing you had with my cousin. Hinihintay na nga lang namin na maging kayo eh. Pero hindi..."
"Bata pa nga kasi kami non...saka kaya ko itong set-up na ito." Sinubukan ilabas ni Elmo na matatag siya sa sinasabi niya. "Pwede naman kami maging friends ah."
"You can never be just friends with someone you truly fell in love with." James pointed out.
"Kanpai!" Biro ni Sam at tumagay pa sila ni James pero si Elmo ay nanahimik lamang.
"Mga sira..." Naiiling na sabi ni Elmo. "Bata pa nga kami non. Malay ko ba kung talagang nainlove ako sa kanya."
"Di porke't bata hindi na pwede mainlove Moe." Sabi ni Sam. "Tandaan mo, some of the best love stories started out when they were just kids."
"Malay mo second chance niyo na ito." Pagsegunda ni James.
Umiling ulit si Elmo. "Ano ba, kala ko ba manunuod tayo?"
"O siya sige na tara!"
=•=•=•=•=•=•=•=
Hindi akalain ni Julie na sobrang gabi na siya makakauwi. Napasaya ang kwentuhan nilang magkakaibigan. Pero ang totoo sila lang ni Nadine at Alfred. Sobrang nanahimik kasi si Rich. Normal naman na tahimik talaga ito pero kanina ay hindi talaga ito nagsasalita.
Pinasok na ni Julie sa garahe ang kotse niya bago maingat na pumasok sa loob. Panigurado tulog na si Elmo.
Kakatapak pa lang niya sa loob ng living room.
"Ang tagal mo naman umuwi."
"Howshit!!!"
Pakiramdam ni Julie umabot ang puso niya sa kabilang kanto. Binuksan niya ang ilaw at nakita si Elmo na nakaupo sa sofa.
"Elmo?" Singhap ni Julie. "Anong ginagawa mo diyan sa couch? May sarili kang kama, nakalimutan mo ba?"
Tumayo si Elmo at linapitan siya.
Ngayon lang ulit nararamdaman ni Julie ang ganitong bilis ng t***k ng puso. Lalong lalo na kapag lumalapit sa kanya si Elmo. Nararamdamn na niya ang hininga nito sa muhka niya. Pero lumayo ito at nagsimulang mapasigaw.
"Anong oras na Julie, di ka man lang nagtext! Nag-alala ako! Hindi naman ako makatulog kasi iniisip ko kung nasaan ka."
Hindi siya handa na sasabihin ng lalaki iyon. "I-I'm sorry..."
"Nakalimutan mo ata na may kasama ka sa bahay." Inis na sabi ni Elmo. Huminga muna ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. "But at least nandito ka na...you're safe." Bahagya pa itong napailing bago naglakad papunta sa kwarto. "Makakatulog na ako..."
At kagaya ng kagabi ay naiwan nanaman na nakatayo si Julie doon. Elmo, ginugulo mo sistema ko. Ano ba gingawa mo...
=•=•=•=•=•=•=
Hallo!!! Happy JuliElmo day! Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa at sumusporta!
Mwahugz!
-BundokPuno<3