"Bes nas-stress ako." Ayun ang bungad ni Julie kay Maqui habang nasa loob sila ng Sweets Cafe na pagmamay-ari ng mama at papa niya. Oo sinunod ang pangalan ng cafe sa palayaw nila sa kanya. Nasa may Taguig na sila banda at mamayang hapon ay uuwi si Julie para salubungin si Elmo na dala dala na lahat ng gamit niya.
"At bakit ka naman nas-stress?" Nangngutya na tanong ni Maq habang nakacross legs pa. Sobrang comfy naman kasi ng bean bag na inuupuan niya.
Napailing si Julie. "Ora orada naman kasi makadecide itong mga magulang namin! At parang wala lang sa kanila na hindi kami comfortable ni Elmo!"
"E bakit nga ba? Akala ko ba hindi ka bitter?"
Kaunti na lang kakaltukan na talaga ni Julie itong best friend niya eh. Hindi kasi siya tinitigilan. "Hindi nga!"
"O edi, you two can make this work." Pagdadahilan ni Maqui at hindi man lang natinag na mamamatay na ata siya sa titig ni Julie.
"Ako naman payag eh..." Sagot ni Julie sa mas mahinang tono nga lang. May pagkatama din si Maqui eh. Minsan ang mga bagay na sinasabi niya sa iba ay sinasabi niya din sa sarili. Sa kasong ito, pati sarili niya hindi pa niya nakukumbinsi.
Napainom tuloy siya sa kape niya. She was still in the middle of sipping when the cafe doors opened. Nanlaki ang mga mata niya at nasalo naman niya ang sarili na maidura ang kapeng iniinom. Straight yon kay Maqui at baka sunod sunod na mura ang matanggap niya kapag nasabugan niya ito ng kape.
"Ui, si Elmo." Maqui pointed out.
Tiningnan ni Julie ang kaibigan. "I can see that Maq." She said, full of sarcasm.
Napakibit balikat lang naman si Maqui at mabilis na kumaway para tawagin ang lalaki.
Nakita naman sila kaagad ni Elmo at mabilis ito naglakad papunta sa kanila.
"What're you doing here?" Agad na tanong ni Julie habang umuupo sa tabi niya si Elmo at nagtatanggal ng jacket.
The man sneered at her. "Hello to you too, Aka."
Naningkit ang mga mata ni Julie. Hindi niya alam kung kililigin ba siya dahi ayun ang dating lambing sa kanya ng lalaki o maiinis lang siya dahil alam niya na pangasar na iyon ngayon.
"Uh, I'll leave you two alone muna. Doon na lang ako manunuod ng bangayan niyo." Sabi ni Maqui at dinala na nito ang kape bago lumipat sa kabilang table na malapit lang din naman.
Pinaalala ni Julie na babatukan niya mamaya si Maqui. Saka niya hinarap ang lalaking katabi. Nako...ang gwapo naman nito--stop it Julie!
"Aka!" Tawag ni Elmo at nagpitik pitik pa ng daliri sa harap ng muhka niya.
Napaderetso naman siya ng upo at tiningnan ang lalaki sa tabi. Mabuti at nakabalik sa siya sa realidad. "A-anong ginagawa mo dito? Diba mamayang hapon ka pa?"
"Eh napaaga yung tapos ng meeting ko eh." Elmo shrugged. He leaned forward so that his arm was resting on Julie's area. "Saka gusto ko makapagusap."
"Ano yon?"
"Bakit ka pumayag?" Derederetsong tanong ni Elmo.
"Pumayag saan?"
"Na magkasama tayo?"
Julie scoffed. "Wala ako nasabi Elmo. Hindi ko kasalanan na gusto ito ng mga magulang natin. And what's it to you? Makakatulong naman sayo diba? Mapapalapit ka sa trabaho mo. And if you have a problem e bakit hindi mo sinabi kayla Tito Allan at Tita Tina."
Natapos ang speech niya at lahat, nakita niyang napapangiti si Elmo. Inis na kumunot ang noo niya dito. "What?"
"Parang M-16 yang bibig mo. Lakas ratsada." Tawa ni Elmo at umiling. "Alam mo, bahala na...uwi na tayo, pagod ako sa byahe at nasayo susi ng bahay." Tumayo na ito bago pa siya makapagsalita.
Naiwan siyang bahagyang nakanganga. The nerve!
"O ati kamusta?" Biglang lapit ni Maqui habang sumisipsip sa kanyang bagong order na frappe. "Natuwa ako, akala ko nanunuod ako ng teleserye mwahahaha! Uwi na daw kayo! Kiligs! Parang mag-asawa!"
"Shut up Maq..." Julie hissed. Binunot na niya ang bag niya at nakita na nakatayo't nakasandal sa isang blue na Mercedes Benz.
"TE TARAY! Nakachedeng!" Bulong sa kanya ni Maqui pero yung totoo parang hindi naman bulong kasi nawala at pandinig niya.
Nakashades pa ang loko pero mainit naman talaga at sabay din sila ni Maqui na napasuot ng pangharang sa silaw ng araw.
"Hula ko..." Simula ni Elmo nang makatayo sila sa harap nito. "Sayo yung orange na Audi?" Sabay turo sa Audi TTS ni Julie na nakapark sa tabi.
"You know me so well." Julie mocked.
Napangisi naman si Elmo. "I know you very well Julie Anne San Jose. Now lead the way." Pumasok na ito sa kotse niya at nagkatinginan naman si Julie at Maqui.
"Taray talaga bes. Buti gated community talaga kayo kasi takaw nakaw mga kotse niyo!"
Umikot nanaman ang nga mata ni Julie pero hindi naman kita dahil nga nakashades siya. Pumasok na silang dalawa sa kotse niya at dumeretso na sa bahay.
Aeneous Ville ang pangalan ng lugar nila Julie at halata naman na puros mayayaman ang nakatira doon.
Sinisilip silip ni Julie sa may rear view mirror ang kotse ni Elmo at nakita na nakasunod pa rin naman ito. Mula sa guard house ay mga 3 kanto pa bago kumaliwa at isa pang kaliwa para makadating sa bahay nila Julie. They both parked on the sidewalk before getting out of their cars.
Bungalow type ang bahay nila Julie pero malaki ang space.
Sumara ang pinto sa likod ni Elmo habang tinitingnan niya ang kabuuan ng bahay.
"Diyan ka lang ba buong araw? Papagabi na o!" Tawag ni Julie mula sa may pinto. Nabuksan na niya ito at pumasok na sila sa loob ni Maqui.
"Bes, sungit mo naman kay Elmo." Sabi ni Maqui anng makapsok sila sa may living room. Presko sa bahay nila Julie dahil mataas ang atip at marami ding bintana.
"Eh kasi...kanina pa ako naiinis sa kanya." Sagot naman ni Julie at naghubad ng sapatos bago magpalit ng tsinelas. Naupos naman si Maqui sa couch at saktong pumasok na din sa loob ng bahay si Elmo.
"Kuha lang kita ng juice Maq ah." Sabi ni Julie at dumeretso sa kusina na nasa kaliwang banda ng bahay.
"Aka! Ako hindi mo ikukuha?" Tawag ni Elmo.
"KUMUHA KA MAG-ISA MO!"
Napasimangot si Elmo sa tinuran ng babae at nakita pa niyang tumatawa si Maqui na nakaupo pa rin sa couch. Nanag makita na nahuli na siya ay kaagad na nagkibit balikat lang ang babae.
Tumayo si Elmo mula sa couch at sinundan kung saan dumaan si Julie. Nakita ng lalaki na freshly squeezed ang ginagawa nitong juice.
Umupo siya sa counter kung saan si Julie nakatayo at tuloy ang pag-gawa sa juice. Seryoso ang babae sa ginagawa kaya di naman napigilan ni Elmo ang gnumisi habang pinapanuod niya ito.
"Ako naman ngayon ang hindi mo papansinin." Pagtudyo ni Elmo.
Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa nangisay sa sahig si Elmo. "Don't test me Magalona."
"I'm not Aka." Nangiinis pa rin na sabi ni Elmo.
Tinigil ni Julie ang ginagawa at inilapat ang mga kamay sa counter. Nakipaglaban siya titigan kay Elmo na hindi rin naman umayaw sa laban. "Look Elmo, kung ayaw mo din naman sa set-up na ito then why are you here? Hindi naman kita pipigilan kung ayaw mo eh. It's up to you, but stop blaming me."
Tila natememe si Elmo. Nakikita niya kasi na unti-unti na nagagalit ang babae. At ayaw niya isipin pero parang naiiyak na din ito. "I'm sorry..." He said softly at napatingin pa sa mga kamay niya. Pinanuod lang siya ni Julie hanggang sa magsalita ulit siya. "A-ako kasi yung bibigay Aka...H-hindi ko kakayanin. Di bale. Subukan ko... P-pwede ba malaman kung saan kwarto ko?"
Nawala ang galit sa muhka ni Julie at napalitan ng gulat. Hinihintay ni Elmo ang sagot niya at nauutal na naibigkas naman niya. "Sa dulong kwarto, last door sa kaliwa..."
Tumango lang si Elmo bago mabagal na naglakad kung papunta sa sinasabi niya.
Nanghihina na napaupo sa may stool si Julie. Wala pa ilang segundo nang marinig niya na papalapit sa kanya si Maqui. Napaangat siya ng tingin at tila naguguluhan na hinarap ang kaibigan.
"I think he still has feelings for you bes..." Madiin at maikli na sabi ni Maqui habang hinahagod ang buhok ni Julie.
Napahawak sa sentido si Julie at umiling. "I don't think so Maq, naguguluhan lang siguro siya. Alam mo naman na matagal nang panahon yon. And we were just kids."
Napabuntong hininga si Maq at tumango na lamang. "Sige bes...sabi mo eh. Pero I think pareho kayong pagod kaya kailangan ko na rin umuwi."
"Hatid na kita." Sabi ni Julie. Hindi na rin tumanggi pa si Maqui dahil medyo mahirap magcommute sa lugar na iyon.
Hindi rin naman malayo ang tinitirhan na condo ni Maqui kaya mabilis din na nakauwi si Julie. Medyo nagulat lang siya na may ibang kotse na nandoon sa harap ng bahay nila.
Kaagad siyang pumasok sa loob at napatigil sa may sala nang makita kung sino ang nandoon.
"Tita..."
Bahagyang umikot sa pwesto niya si Tina para makaharap ng maigi si Julie. Nakaupo sa harap nito si Elmo na nakabihis ng shorts at basketball jersey.
"Ah...Aka--Julie, ako na magluluto ng dinner." Sabi ni Elmo at tumayo na papunta sa may kusina bago pa siya makapagsalita.
Sinundan niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makapasok na nga ito sa kusina.
"Iha..." Bahagya siyang napatalon nang marinig na tawagin siya ni Tina. Hinarap niya ito at nakitang pinapaupo siya sa tabi nito sa couch. Sumunod naman siya.
"Iha, I hope you aren't that uncomfortable with this set-up." Sabi ni Tina. "Alam ko naman na nabigla kayo ni Elmo sa desisyon namin. Wala naman kami pinipilit sa inyong dalawa. Malapit lang talaga ang bahay niyo sa trabaho ni Elmo." Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "Alam ko naman ang nangyari dati Julie Anne..."
Naramdaman ni Julie ang kaba na gumapang sa dibdib niya. Alam nito?
"My son was so heart broken." Ani Tina. "Wala siya sa sarili niya non. At saka naman niya nalaman na umalis kayo, mas lalo lang siya nanlumo. Aamin ako na medyo nagtampo at nainis ako sayo noon. Boto kasi ako sayo. But I guess may mga bagay din naman akong hindi alam tungkol sa nangyari sa inyong dalawa so wala ako karapatan magalit. I know you two were still kids then and nagkagirlfriend naman siya pero they just recently broke up. Ang sa akin lang, matagal na iyong sa inyong dalawa, kung pwede lang magsama kayo at mabura ang pagkailang. You're both grown ups naman na. I'm sure you're both mature thinkers, and you two can make this set up work." Ngumiti ulit si Tina bago hawakan ang nanginginig na palang mga kamay ni Julie. "I hope you two can work things out." She stood up and kissed Julie's forehead. Magkatinginan silang dalawa habang nginingitian pa din ni Tina si Julie.
"Mom, dinner's served." Tawag ni Elmo na sumilip pa mula sa kusina. Nagtatakang napatigin naman siya sa kanila. Halata kasi na paalis na si Tina. "Ma, saan ka pupunta? Kain pa tayo."
"No na anak, I promised your dad na sabay kami kakain. Alam mo naman yon, gusto niya lagi ako kasama." Ngiti ni Tina sa anak. Binaling muna nuto ang tingin kay Julie bago halikan ito sa pisngi. "Sige na, kayong dalawa na lang muna ang kumain. Catch up na din kayo." Lumapit siya kay Elmo at hinalikan din ito sa pisngi bago nagpaalam. May kasama naman itong driver kaya hindi na rin nagalala si Elmo.
Dalawa na lang sila na nandoon. Naramdaman nanaman ni Julie ang paginit ng muhka niya. Sinabi nga ni Tina na sana mawala ang pagka-ilamg nilang dalawa pero muhkang medyo mahihirapan siya.
"Kain na tayo?" Simpleng tanong ni Elmo matapos isara ang pinto.
Tumango si Julie. "Uhm, bihis lang muna ako..."
"Sige..."
Mabilis na bumalik sa kwarto niya si Julie at nagbihis na din. The whole time ay naiisip niya kung kakayanin nga ba nilang dalawa itong set-up na ito. Haay Lord...
Simpleng T-shirt at shorts na lang ang suot niya nang makabalik siya sa may kusina at nakita niyang inihahanda na ni Elmo ang pagkain. Ang bilis nito magluto. Saka naman naalala ni Julie na chef nga pala ito.
Nakita niyang napaangat ng tingin ng lalaki sa kanya at bahagya itong natigilan at tumitig pa. Tiningnan ni Julie ang sarili. Wala naman masama sa suot niya diba? Wala din naman ata siyang dumi sa muhka.
"Elmo?"
"H-ha?"
"Okay ka lang?" Tanong niya. Nakatayo pa rin siya sa may doorway ng kusina.
"Ah...O-oo." Elmo stuttered and continued dishing out the food. "Tara kain na tayo."
Naglakad na si Julie papunta sa isang banda ng lamesa at umupo. Amoy na amoy niya ang bagong lutong putahe ni Elmo at literal na parang maglalaway na siya.
"Beef Broccoli ko ito, tikman mo." Sabi ni Elmo. Nagulat na lang si Julie nang may nakaharap na sa kanyang isang kutsara nung pagkain at saka lang niya namalayan na sinusubuan pala siya ni Elmo. Wala na siya nagawa kundi buksan ang bibig at tanggapin ang pagkain. Wow...
"Masarap ba?" Maingat na tanong ni Elmo. Parang takot na takot ito sa sasabihin ni Julie.
Ninamnam pa ng dalagaang natitirang sauce sa labi bago ngumiti. "Grabe Moe, ang sarap! It's so good!"
Nawala na ang nagaalangan na itsura ni Elmo at napalitan ito ng ngiti. "Kain ka pa..." At saka sinandukan ng kanin ang plato ni Julie at pati ng ulam.
Tahimik lang silang dalawa na kumain. Ngayon alam na ni Julie na magaling ngang chef ito si Elmo.
"Dati paluto luto ka lang talaga, ngayon chef ka na..." Puri ni Julie nang matapos sila kumain. Mabilis siyang gumalaw para siya ang makapaghugas. "Pahinga ka na, ako na maghuhugas dito." Nakakahiya naman kung si Elmo na ang nagluto tapos ito din ang maghuhugas.
"Tulungan na kita."
"Ano ka ba, kaunti lang ito, sige na..." Tumalikod na ulit si Julie at tinuloy ang paghuhugas pero naramdaman niya na hindi umalis si Elmo. And true enough, pagkaharap niya ay nakaupo pa rin ito.
Julie chuckled. "Tigas ng ulo mo ano..."
"Contest lang tayo Aka..."
Natigilan sila pareho sa sinabi ni Elmo. Tumikhim na lang ang huli at tiningnan si Julie. "How about you? Dati ka pa talagang magaling magsulat, ngayon copy writer ka na para sa magandang kompanya." Tumayo na siya mula sa kinauupuan.
Ngumiti si Julie habang tinutuyo ang kamay. "Well, we both got everything we wanted naman." Napansin niya na seryosong nakatingin si Elmo sa kanya.
Matagal lang na nagkakatinginan sila, hanggang sa nagsalita si Elmo. "Not everything, Aka."
There it was again. At literal na naramdaman ni Julie na napatid nanaman ang pagtibok ng puso niya.
Parang ang lungkot lungkot kasi ng mga mata ni Elmo. Huminga muna ito ng malalim bago nagbigay ng malungkot na ngiti sa dalaga. Lumapit pa ito at nagpigil ng hininga si Julie ng lumapit ito sa kanya. Kinakapos na siya ng hininga nang palapit ng palapit ang muhka ni Elmo sa kanya. Pero ngumiti lang ito bago marahang haplusin ang kanyang muhka. "Goodnight Aka, I'll see you in the morning."
At naglakad na ito palayo. Naiwan si Julie na bahagyang hinahabol ang hininga at napahawak pa sa dibdib.
=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Hey faneys! Haha! This day tho... Lintik tong dalawa na ito, nauubusan ako ng supply ng oxygen sa kanila! Haha!
Anyways! Wadya think about the chapter? Comment and vote please! It would mean so much to me! Sorry po pala sa typos!
MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA AT SUMUSUPORTA! God bless you all!
Mwahugz!
-BundokPuno<3