AN: Thank you for reaching this chapter :) It's been a good few months at malaki na rin ang tiyan ni Julie. Pero, hindi pa rin talaga. Kaya naman hindi pa rin mahanp ni Maqui kung nasaan ang hustisya. Inalalayan ni Elmo ang fiancee papasok sa loob ng kotse. Hindi madali magdala ng dalawang bata na sa tingin pa ni Julie ay makulit pagka-laki. "Excited ka na ba Aka?" Tanong ni Elmo. Hindi alam ni Julie kung pang-ilang beses na ba iyon tinanong ni Elmo. Halata naman kasi na ito talaga ang mas excited sa kanilang dalawa. Excited din naman siya pero mas grabe talaga ang kay Elmo. "Mag-drive ka na Aka at baka tayo ay mabangga." Natatawa na sabi ni Julie. Ngumiti lang naman sa kanya si Elmo at tinuloy nga ang pagd-drive papunta sa ospital. Binaba na ni Elmo si Julie sa may entrance bago dum

