A Few Years Later... Katatapos lang maligo ni Julie ng gabi na iyon. Kakaiba talaga ang init. Summer nanaman kasi. Naka full blast ang air-con. Nahiga siya sa kama at sumandal sa head board. "Emmett! Come back here! Everett you stay there!" Bahagya siyang napatawa nang marinig ang kaguluhan sa labas. Muhkang nagkakagulo nanaman ang mga anak niya at ang ama ng mga ito. Napabuntong hininga siya at tumayo mula sa kama. Komportable na sana siya eh. Kakabukas lang niya ng pinto ng kwarto nila ni Elmo nang may dumaan na parang ipo-ipo na hubot hubad. Natatawang napigilan niya ang sinabi na ipo ipo at nakitang isa ito sa kanyang kambal. "Emmett, why are you running away from daddy?" Lambing niya sa anak. Ngumiti sa kanya ang bata at tinablahan siyang malakas dahil napakacute at napakagwapo

