Tahimik lang si Julie at si Elmo nang papunta sila sa Bene. Lingon ng lingon si Elmo kay Julie pero nakatingin lang sa labas ng bintana ang babae. Sakto naman na tumigil ang kotse sa may stop light. "Aka." Tawag ni Elmo sa kanya. Tumingin naman siya dito at bahagya nagtaas ng kilay na nagtatanong. "Hmm?" "A-anong sasabihin mo kay Cerisse?" Kinakabahan na tanong ng lalaki. Julie simply smiled at him. "Sa amin na iyon." At hindi na nagpilit pa si Elmo. Hinawakan niya ang kamay ni Julie at lumapit para marahan itong halikan. BEEP BEEP! Napahiwalay si Elmo at napangisi bago mabilis na pinaandar yung kotse. Nag-green na pala yung light! Nakaabot sila sa Bene in just a few minutes. Determinado na talaga si Julie na makausap si Cerisse. Gusto lang niya matapos na ang lahat. Pinagbuksan

