Nagising si Julie na mabigat pa rin ang pakiramdam. Oo nakatulog nga siya pero hindi naman nakapahinga ang isip niya. Kulang na lang magkanightmare siya tungkol kay Cerisse eh. Dahan dahan siyang napaupo sa kama at tumingin sa paligid. Hindi niya nararamdaman ang presensya ni Elmo. Marahil ay nasa baba ito. Bumangon na siya at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. Halata ang pgod sa kanyang ekspresyon. Nakakapagod pala mangompronta ng mga higad. Sinuklay niya ang kanyang buhok at naglakad pababa. Medyo nagutom din siya kaya sa kusina na siya dumeretso. Nagulat na lang siya nang makita na nadoon si Elmo, umiinom. "Aka?" Mapungay ang mata na nag-angat ng tingin sa kanya si Elmo. Napatingin pa siya sa orasan sa may dingding at nakita na alas-siyete na pala ng gabi. "What happened?"

