Natigilan si Elmo sa pwesto niya sa gitna ng daanan habang kaharap niya si Rich. Mahinang tumahol ang hawak nitong aso na nakatali kaya napatingin siya dito. "Down John." Bulong ni Richmond at tinapik pa ang ulo ng aso. The dog just happily wagged its tail and sat down, looking at Elmo. Binalik ng huli ang tingin kay Rich na nakatingin din sa kanya. "Elmo pwede ba tayo mag-usap?" Dahan dahan na tumango si Elmo at saka nagsimula maglakad si Rich. Nakuha niyang gusto nito na sumunod. Kaunti lang naman ang linakad nila. Hanggang lang sa nakaabot sila sa isang stone bench na nasa ilalim ng puno. Umupo si Rich habang hawak pa rin ang tali ng aso na mabait lang naman na nakasunod sa kanya. Si Elmo naman ay umupo na din sa tabi ng lalaki, may ilang dangkal din ang layo nila sa isa't isa.

