ATOH_9 Malalim na pagtingin‼️

1906 Words
CHERYL SA ISANG mamahalin na restaurant ako dinala ni Tito Lem. Hindi pa rin siya umiimik sa akin pero pinag-buksan naman niya ako ng pintuan ng kotse, tsaka niya ako inalalayan papasok sa loob ng restaurant. The place is too classy and cozy. Nahiya naman ang suot kong ripped jeans at V-neck white t-shirt sa mga naggagandahang outfit ng mga babae na kumakain.. Doon ko lang binistrahan ang aking kasama, kaya napagtanto ko na formal pala ang suot ng kasama niya. Samantalang ako ay pabasta na. Wala e, dito ako kompurtable. “It's okay. Ikaw naman ng pinakamaganda sa lahat ng babae na nandito. Tara na sa loob, nagpa-reserve talaga ako dito para sa’yo. Gusto ko maganda ang maging salubong ko sa’yo baby girl!” Halos manginig at kinilabutan ako ng hawakan ni Tito Lem ang aking balikat, tsaka siya bumulong sa akin. Para sa akin lang hindi dapat ganito ang akto niya lalo na’t hindi na ako sa Cheryl noon. Mas naging aware talaga ako sa mga galawan ng mga tao mula ng mabiyak ang pinya ko. Ewan ko baq! Feeling ko parang naging malesyosa na rin yata ako tulad ni Cecia. Kaibigan ng mga magulang ko ang lalaki kaya malabong gawan ako nito ng hindi maganda. Pero kasi may damdamin ako. Na pawid naman lahat bigla ng pagtatakip ko sa galaw o akto ni Tito Lem ng halos pagsalikupin niya ng hawak ang aming mga kamay. Literal na natulala ako dahil doon pero nagsimula naman ng lumakad ng marahan ang lalaki. Takang taka pa nga ako dahil kahit marahan lang naman ang lakad ng lalaki ay tila natatangay ako agad. Ganun na siguro ako ka-distracted sa mga sandaling ito. Pati ang utak ko kakaiba na. “Are you okay? May jetlag ka ba? Do you want me to book you a room in a hotel? Tapos sa makalawa na kita ihahatid sa Zambales para fully recharge ka na.” Lalo lang akong napa-kurap-kurap sa lalaki dahil sinapo niya pa ang magkabilaan kong pisngi. Pero ng ma proseso ng utak ko ang mga tanong niya na parang dapat masunod ay kusang umangat ang mga kamay ko para alisin ang kamay ng lalaki sa aking mukha. “I'm fine Tito Lem. Kaya ko pong bumiyahe. If nakakaabala ako sa’yo after natin kumain ay pwede naman akong mag commute nalang papunta ng Zambales. I don't want to delay going there. Pwede naman po kasing doon na lang po ako magpahinga pagdating ko sa mismong lugar na aking pakay.” Magalang pero may pinal sa tono na sabi ko sa lalaki. Hindi ko direktang tinanggihan ang alok niy, pero si igurado ko naman na rekta na sumapul ang sagot ko para ipahiwatig na ayaw ko ang suggestion niya sa akin. “Oh I see… You're really too excited to see that old man!” Mahinang sagot ni Tito Lem kaya ang iba ay hindi ko na naunawaan. “Ano pong sabi n’yo?” tanong ko dahil unahan lang ng sinabi niya ang naunawaan ko. “Wal naman! Pero halika na, tara na sa table natin para makakain na at maka-biyahe din agad.” Na tahimik na lang ako, kasi may kakaiba akong na sense kay Tito Lem. Para bang ayaw niya akong pumunta kung nasaan si Cinco. Sumunod na lang ako sa kanya, pero ng nagtangka pa siyang hawakan ulit at ang kamay ko ay pasimpleng gumawa na ako ng paraan para hindi niya magawa ang balak niya sa akin. Siguro nga ay na miss lang niya ako dahil super close kami before the last 1 month na buhay ang parent ko. May mga ilang pahiwatig kasi ang Mommy tungkol sa mga abusadong lalaki. Kung noon ay ayos lang ang ganun ngayon iba na. Hindi na kasi ako ang Cheryl noon gaya ng sinabi niya nga ibang iba na ako dahil dalaga na ako at siya naman ay Tito ko ng tinuturing. Sa dulong bahagi ang reserve table namin. Halos nga kakaupo lang din naming dalawa pero may dumating na agad na mga pagkain. Sinulyapan ko naman agad ang lalaki na sinalubong lang naman ako ng magaan na ngiti. “Nag-order na rin ako. Sana magustuhan mo. Sorry baby girl kung masyadong well prepared ang lahat.” May mababang tono na sabi ng lalaki sa akin pero kita naman sa mukha niya na masaya siya sa mga oras na ito. Masaya siyang na tila na sunod lahat ng plano niya. “Okay lang po.” Tipid na sagot ko habang kinukumbinse ang aking sarili na sadyang ganito lang ang lalaki. Isa itong abugado kaya hindi ito gagawa ng mali sa akin. Paulit-ulit na kumbinse ko sa aking sarili. Muli na namab akong napatanga ng Kuhanin ni Tito Lem ang plato ko tsaka hiniwa ang steak na para sa akin, matapos niyang mahiwa ang steak ay binigay niya na sa akin ang plato ko at sumenyas na kumain na ako. “S-salamat po.” Sabi ko sa lalaki pero humihiyaw na ang utak ko na may mali na sa lalaki. Kung sana lang ay siya si Cinco baka nangisay na ako sa kilig. Tahimik kaming kumain na dalawa tanging kalansing lang ng kubyertos ang ingay. Walang kwentuhan na namagitan sa amin dahil ako mismo ang umiwas sa kanya. Nag-aalangan na kasi ako sa lalaki lalo't may mga ilang kumain na tumitingin na sa amin. Siguro ay dahil kilala nila ang lalaki. Dahil sa wala kaming imikan na dalawa ay mabilis lang kaming na tapos kumain. “Nabusog ka ba Cheryl?” Pormal na tanong ng lalaki sa akin. Siguro ay na halata niya ang pagkailang ko sa mga akto niya sa akin. “Pasensya ka na kanina. Natuwa lang ako na finally bumalik na ang kaisa-isang anak ng mga Ate at Kuya ko. Alam mo naman na ganyan ang turingan namin ng mga magulang mo. Despite na mas higit na bata ako sa kanila ay kaibigan ang turing nila sa akin. Hindi nila ako trinato na iba. I’m sorry baby girl, kung na bigyan kita ng discomport dahil sa mga galawan ko.” Paliwanag na sabi at paghingi ng tawad ni Tito Lem sa akin. Ako naman yata ang bigla ang nakaramdam ng hiya dahil na binigyan ko ng kulay ang kilos niya. Nanibago siguro ako sa lalaki dahil sa tagal na hindi kami nagkita at nagkausap. “Sorry din po. Though laki naman na ako sa LA pero na sa akin pa rin po ang konsepto ng pagka-konserbatibo. Honestly masaya talaga akong makita ka Tito Lem. I hope soon ay ma meet ko rin ang recently rumored girlfriend mo Tito!” Sagot ko naman na may kasamang paghingi din ng patawad. Sa bandang dulo ay isiningit ko na ang rumored girlfriend niya para na rin mawala ang pagkailang ko sa kanya. “Updated ka din! Those are fling’s only. Nothing serious at all. Ang iba naman ay rumors lang talaga. Paano ba? Ano kasi—hanggang ngayon pag-aari pa rin ng nag iisang babae ang puso ko. Ang masakit lang hindi niya ako gusto. Hindi niya ako nakikita bilang lalaki na dapat ibigin.” Aliw na sagot naman agad ng lalaki sa akin sabay lambong ng mga mata ng mabanggit ang babaeng gusto niya. Ito siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang asawa o seryosong karelasyon. Iba pala mag mahal si Tito Lem. “If that woman didn't like or love you—it’s her loss not yours. Masyado kang good catch Tito Lem para tanggihan. Cheer up! Sabi nga maraming mga isda sa dagat hindi lang puro galunggong.” Mabilis na sagot ko sa lalaki bilang pakunswelo sa na, pero parang biglang may napuna akong mali. Mayroon kasing pagka-aliw na naman na sumungaw sa mga mata ng lalaki bago bumalong. “So it's your loss!” “Ano po?” Tanong ko sa lalaki dahil hindi ko talaga narinig ang sinabi niya. “Nothing. I just said thank you. Your words make me feel better. So much better. Kaya salamat talaga. So paano? Tara na ba?” hindi ko mawari ang lalaking ito paiba iba ang mood. Imbis na mag usisa ay tumango na lang ako sa kanya. Agad naman ng tumayo ang lalaki tsaka tumapat sa akin kaya tumayo na rin ako. Inumang niya sa akin ang braso niya kaya ngumiti ako at umabrisiete na rin sa lalaki. Wala naman na ang ilang na pakiramdam sa akin kaya ngiting ngiti na ako habang palabas kami ng restaurant. Bumitaw lang ako sa kanya ng nasa tapat na kami ng expensive car niya. “Let's have a long jolly ride. Pwede ba ‘yun baby girl?” ibang atake na naman ng personalida ni Tito Lem ang nakikita ko ngayon. Nalilito na ako sa kanya pero okay rin naman na ako sa ganito na akto niya dahil nawala na ang pagka-asiwa ko. Siguro ay sadyang ganito siya sa mga family member. “Sure! Let's make our ride different yet memorable.” masiglang sagot ko sa lalaki na agad naman akong niyakap ng mahigpit. “Thank you for giving me the chance to be with you, baby girl! I mean parang na kasama ko na rin kasi si Kuya Benj at Ate Lil!” tila sayang saya si Tito Lem kaya na carried the way pero hinabulan din ito ng lalaki ng eksplinasyon na katanggap-tanggap. “Mahal mo talaga ang mga parents ko Tito. Thank you for loving them as a real family and also for being loyal, kahit wala na sila ng matagal ng panahon! Talaga tama na pinagkatiwalaan ka nila Tito Lem.” Tila naman nagulat ang lalaki sa pagpapasalamat na sinabi ko sa kanya, pero kalauann ay agad na nakabawi rin ito. Ginaya niya naman ako pasakay sa passenger seat bago ito sumakay na rin para magmaneho. Panay tawanan kami dahil sa mga kwento ko about Cecia. Makailang ulit ko pang nahuli na nakatitig si Tito Lem sa akin pero kapag ganun naman ay nagso-sorry siya agad. Nakikita niya lang daw sa mukha ko si Mommy pero sa kilos ko naman ay si Daddy. Instant naman na na hooked up ako sa mga kwento niya kaya mas lalo ng naging palagay ang loob ko. SAMANTALA It's been 2 days since the last time na nag-report sa tauhan ko ang mga nakatalagang bantay sa anak ng yumao ko na kaibigan. I felt so nervous. Hindi dahil sa pakiramdam na napahamak ang babae kundi sa ibang dahilan na hindi ko rin mawari. Parang may kakaiba at mga mangyayari na hindi kasali sa mga plano ko. “Tang ina! Wala pa rin bang balita?” Salubong na mura at tanong ko sa kakapasok lang na aking tauhan. “Negative boss Cinco. Gusto niyo po ba na mag padala ako ng mga tao para alam ang sitwasyon at kaganapan doon—?” “No need! Damn it! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Yung katangahan at kapusukan ko noon mukhang binabalikan na ako.” Kunsumidong sabi ko sa sarili ko pero alam ko naman na naririnig ng tauhan ko. “Boss—!” “Out! I can manage. Maghanda na lang kayo. Secure the perimeter, hindi natin alam kung sino at kailan aatake ang kalaban. Basta lahat ng kahina-hinala itumba agad.” Seryosong sabi ko sa aking tauhan na isa sa mga matagal na at loyal. Advance ako mag isip. Kung tama ang hinala ko malamang naghahanda na rin sila sa pagbuhay ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD