CHERYL
ILANG ARAW bago ang araw na ito ng pag-alis ko ay masinsinan kaming nag-usap ni Granny. Tulad ni Cecia nag-aalala siya sa pagbabalik ko sa Pilipinas. Naguguluhan nga talaga ako akto nila, dahil parang sobra naman ang pag-aalala na meron sila lalo't hindi naman na ako musmos. Tingin ko ay may alam sila na hindi ko alam at ayaw nilang malaman ko ‘yun.
Tahimik kaming tatlo sa loob kotse, habang binabaybay ang daan papuntang airport. Si Cecia ang nagmamaneho habang nasa passenger seat naman si Granny. Parang ako tuloy ang outcast sa aming tatlo lalo't nahahata ko ang ilang beses nilang tinginan. Mabilis lang din naman na narating namin ang airport. Hanggang sa pagbaba ng mga gamit ko ay tahimik lang sila pero tinutulungan naman nila ako.
“Ahem.. I know ayaw niyo sa gagawin kong pag-alis pero ito ang gusto ko at pinangarap ko noon pa, matagal na. Please wag niyo naman akong pabaunan ng ganyang mga kilos at pagpaparamdam. Gusto ko na umalis na masaya at maayos tayong tatlo.” Diretsong sabi ko sa kanila ng humarap na ako sa kanila para magpaalam dahil okay na ang mga gamit ko.
“Hindi sa ayaw mahal ko. Ang sa akin lang kasi bakit pupuntahan mo siya? If totoo ang pangako niya sa’yo noon—hindi ba dapat siya ang pumunta sa’yo? Hindi ba dapat pinuntahan ka niya noon pa o nakipag-communicate siya sa atin? Cheryl it's been almost fifteen years pero walang dumating na Cinco. Noon ka pa rin nasa tamang edad pero wala ni anino niya ang gumitaw. Do you think it is really worth it to take a risk? I’m sorry if I made you upset… I’m just worried for you. Ikaw na lang ang meron ako at si Cecia. But if going back to the Philippines and chasing him makes you happy, then fine. I’ll give you my permission. Basta maging ligtas ka lagi mahal ko. Ingatan mo rin ang sarili mo. Please wag mong takutin ang Granny mo. I love you mahal ko!”Puno ng sari-sari na mga emosyon si Granny habang sinasabi ‘yun sa akin.
Pure love, yan ang meron sila ni Cecia para sa akin. I’m truly blessed na meron akong sila sa buhay ko. Mahigpit na yakap ang sinagot ko sa mga sinabi ni Granny sa akin. Ako man noon pa iniisip ko na rin na baka ngaa wala lang ang pangako na yun ni Cinco sa akin. But my heart and mind are telling me to take the risk. Na walang mangyayari kung hindi ko susugulan ang pag-uwi sa Pilipinas. Hindi ko malalaman ang totoo kung hindi ko haharapin.
“I will Granny. Iingatan ko po ang sarili ko doon. Hinding-hindi po ako papa-agrabyado. Babalik po ako agad kapag inayawan ako ni Cinco. I just need to fulfill my own promise to myself. Kapag walang nangyari hihinto din po ako agad at muling magpapatuloy ng buhay dito kasama kayo ni Cecia.” Bulong na pangako ko kay Granny. Hindi ko alam ang nakaabang magaganap sa akin sa Pilipinas pero lalaban ako hanggang may nakikita akong pag-asa.
Gusto ko rin na malaman at makilala ang tunay na salarin sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kung noon nakumbinsi nila ako na aksidente nga iyon, ngayon hindi na lalo't may mga ilang patunay o katibayan akong hawak mula sa kung sino na nagpadala. Ilalaban ko ang katarungan para sa mga magulang ko.
“Hihintayin kita mahal ko.” Sagot naman ni Granny sa akin tsaka kami kumalas sa pagka-kayakap ng isa’t isa.
“Mahal na mahal kita Apo tandaan mo ‘yan. Kapakanan mo lang ang laging mahalaga para sa akin.” Tila iiyak na si Grany ng sabihin iyon sa akin. Nagtataka ako pero agad naman akong hinarap ni Cecia.
“Isang tawag mo lang na nagsasabing hindi mo na kaya susunduin kita. Malay mo nandito talaga sa LA talaga ang para sa’yo. Mahal ka namin Che. Sige na baka mahuli ka pa sa flight mo. Ako ng bahala din muna kay Granny at sa firm. Focus ka muna sa paglandi mo. Papuno mo ulit ng chikinini yang mga singit mo.” Seryosong bilin ni Cecia sa akon. Damang dama ko ang pagmamahal nila pero huli bumanat na naman ng pabulong ang kaibigan ko at bingo kalaswaan na naman. Cecia character is ¼ seryoso at ¾ loka-loka na gago.
“Bahala ka na muna sa lahat. At noted papupuno ko ang singit ko ng kiss mark tapos picturan ko at i-send ko sa’yo.” Sakay ko naman na sagot sa babae na umasim ang mukha.
“Ewwwieeee. Lumakad ka na nga papasok. Nakakarimarim ka na rin.” Diring diri na sabi ni Cecia sa akin kaya pati si Granny ay natawa na. Tinitigan ko pa sila bago ako marahang tumalikod. Medyo nakalayo na ako ng biglang sumigaw si Cecia.
“Galingan mo ha! Buhayin mo ang dugong Amador mo Cheryl!” Biro ang tunog ng pagkakasabi niya noon sa akin, pero parang maraming laman na mas malalim na kahulugan.
Itinaas ko lang ang kanang kamay ko tsaka tumuloy na rin ulit sa paglalakad. Kasi nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Unang beses ko kasi na lalayo sa kanila mula ng magkasama kami bilang pamilya.
Nang maka-check in na ako ay maghihintay na lang ako ng oras para sa pagpapasakay nila ng mga passenger sa plane. Sa isip ko buong buo na lahat ng plano at mga gagawin ko para makuha ko ang atensyon at puso ni Cinco.
“It's now or never Cheryl!” Kumbinsi ko pa sa sarili ko. Tsaka tahimik na inalala ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng labing limang taon.
Halos maiyak at mangiti ako ng sariwain ko lahat. Nagtagumpay ako noon kaya magtatagumpay din ako ngayon.
Maya maya pa ay marinig ko ang announcement para sa flight ko. Tumayo na ako agad sabay lakad na rin ng diretso.
Pagpasok at pagkaupo ko palang sa assign seat ko ay agad akong umayos para makatulog muna.
Kailangan ko ang sapat na pahinga dahil pagbaba ko ng plane sa manila ay diretso na ako ng Zambales. Gugulatin ko si Cinco at kung papalarin makikitira na rin muna ako sa kanilang bahay para mas madali ko na magawa ang mga plano ko sa kanya.
SAMANTALA
HABANG PAALIS na ang eroplanong sinasakyan ni Cheryl ay may mga taong nakatanaw naman doon. Sila ang mga taong nangangalaga sa kaligtasan niya mula ng sumpa ng eroplano ang dalaga papunta ng LA.
“Ipaalam ba natin ito kay boss?” Tanong ng nasa late 30’s na lalaki. Nagkatinginan naman ang dalawa pang kasama ng lalaki.
“No! Hayaan na lang natin sila magkita at kung nagkakagulo naman na ay alam ko na may tutulong na iba sa kanila. Siguro ang magandang gawin n’yo ay mag unwind muna. Mahirap din kaya ang 15 years na walang day off.” Sagot naman ng isa na hindi inaalis ang tingin sa halos hindi na makita na eroplano.
“Tama magpahinga na muna tayong lahat, dahil any time pwedeng kailangan tayo ng mahal nating alaga. Paano kanya-kanya na muna tayo!” Sabi naman ng isa tsaka sila sabay-sabay umalis.
***********************
Naalimupungatan ako ng may maramdaman akong pag-uga ng eroplano. Dahil sa gulat ko ay aligaga akong napatayo. Mabuti na lang at tulog ang halos lahat ng pasahero. Akmang lalapitan pa sana ako ng FA ng sumenyasa ako na okay lang ako. Bumalik ako sa pagkakaupo tsaka ko kinuha ang libro na baon ko.
Ito yung libro na binabasa ko para matuto kung paano lumandi. Nagbasa-basa muna ako ng ilang pahina pero dahil sa mga utang na puyat ko ay tila muli akong hinele ng antok. Sinilid ko muna sa bag ko ang libro tsaka umayos muli ng pwesto para matulog.
“Ma’am nandito na po tayo.” Tila nawala ang maganda panaginip ko ng biglang may tumapik sa balikat ko. Kung kailan nasa magandang tagpo na sana ang lahat. Pakakasalan na sana ako ni Cinco na udlot pa.
“Ma’am welcome to the Philippines.” Napabalikwas ako ng maintindihan ko ang sinabi ng boses ng babae.
“Are you oka ma’am? Sorry po kung nagulat ko kayo. But it almost 20 minutes seens the plane was landed.” Tila nahihiyang sabi pa ng FA. Imbis na ako ang mahiya ay siya pa talaga ang nag-sorry.
“It's fine! Pasensya na rin!” Maagap na sagot ko sa babae tsaka isa isa kong kinuha ang mga gamit ko para makalabas na ng plane. Tinulungan pa ako ng babae sa ibang gamit ko.
“Thank you so much.” Taos pusong pasalamat ko. Dumiretso na ako sa pagbaba ng eroplano. Hindi naman ako lang ang huli dahil may iba pa akong mga nakasabay, kaso ang mga ito ay kung hindi buntis ay may mga sanggol na dala. Nang makapasok na ako sa loob mg airport ay hinintay ko lang na makuha ko ang mga laguage na dala ko. Paglabas ko ng airport ay may sundo na ako na naghihintay. Hindi niya ako binigo.
“You look so extravagant Cheryl!” Magiliw at puno ng paghanga na bati ni Tito Lemuel sa akin. Siya lang naman talaga ang taong maasahan ko ngayon.
“That's too much Tito Lem! Ikaw din Tito parang tulad lang ng dati.” Sagot ko naman sa lalaki tsaka yumakap sa kanya na ginantihan din ng lalaki. Ako na ang kumalas sa yakap namin. Titig na titig sa akin si Tito Lem na para bang mawawala ako. Siguro na sabik lang siya dahil baby girl niya ako noon.
“Grabe ang pinagbago mo Cheryl. Head turner na ang Nene noon este ang baby girl ko. So paano saan ang destinasyon mo?” Muling sabi ni Tito Lem sa paraan na hindi makapaniwala pero puno naman ng paghanga. Mabuti na lang at sa Manila na siya nagstay for good. Ayon sa kanya ng makausap ko 3 months ago ay mula ng mawala ang mga magulang ko ay dito na rin siya tumira.
“Ahm honestly—I want to him now! Pwede mo po ba akong dalhin sa kanya.” May hiya pa sa pagkakasabi ko noon kay Tito Lem. Kung ang sasabihin ng iba ay uunahin ko pa ang lumandi kaysa makita ang puntod ng mga magulang ko ay bahala sila. May pangako ako, yun ay haharap lang ako muli sa kanila kapag nagbabayad ang may sala sa pagkamatay nila.
“Talaga ba? Siya lang ba ang dahilan ng pag-uwi mo dito Cheryl?!” Hindi ko alam kung ako lang ba pero may himig ng hinanakit ang narinig ko sa boses ni Tito Lem.
“Isa po siya sa dahilan pero meron pa pong iba. Tito Lem maihahatid mo ba ako sa Zambales?” paliwanag ko sa lalaki at muling tanong. Mahirap na baka hindi naman niya pala ako ihahatid masasayang lang ang oras ko.
“Get in! Kakain muna tayo bago babyahe papunta sa lugar na gusto mong puntahan.” Maagap na sagot ng lalaki sabay bukas ng passenger seat para papasukin an ako. Sa tingin niya sa akin ay pinapahiwatig niya na siya na ang bahala sa mga gamit ko. Sumunod naman ako agad at baka magbago pa siya ng isip.
Mabilis lang din naiayos ni Tito Lem ang mga gamit ko kaya nakaalis din kami agad. Nang naaalala ko si Granny ay kinuha ko ang phone na binigay ni Cecia. Ang simcard na alam ng phone na ito ay yung mangagamit kona dito. Hinanap ko ang no. ni Cecia para mag padala ng message. Saglit lang naman ‘yun, ang mga sumunod na sandali ay napuno ng katahimikan. Seryoso kasi si Tito Lem na nagmamaneho kaya inabala ko na lang ang mga mata ko sa pagtingin sa labas.
“Cinco nandito na ako!” Masiglang hiyaw ko sa aking isip. Baka lalong mainis sa akin si Tito Lem kung hihiyaw ako ng totoo. Siguro iniisip niya na mas inuna ko pa ang lalaki kaysa sa magulang ko na malapit niyang kaibigan.