bc

Sayaw ni Bayaw [M2M]

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
independent
single mother
bxb
bisexual
serious
single daddy
campus
office/work place
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Akala ko'y natagpuan ko na,

Ang pag-ibig na panghabambuhay na.

Ngunit bakit biglang nag-iba?

Ang isip, ang puso-napunta sa iba.

At sa bayaw ko pa?

Sa bawat galaw, sa bawat tingin,

Sa init ng haplos, sa lihim na lambing.

Lalo akong nilulunod, hindi makawala,

Sa tukso't pagnanasa na aking nadarama.

Ako si Gio. Sundan mo ang aking kwento.

Isang buhay na puno ng lihim at pagtataksil,

Pag-ibig na bawal, tukso na di mapigil.

(M2M - mpreg story)

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

©yourbigbear | Baby Big Bear 2025

chap-preview
Free preview
1
GIO Jimenez "Babe, parang kinakabahan ata ako." bulong ko. Narinig kong natawa ang aking kasintahan na nakaupo sa aking tabi habang ako'y nagmamaneho. "Bakit ka naman kakabahan? Hindi nangangagat 'yong sina papa. They like you, and I'm sure they'll also like you even more in person." Tumango na lamang ako habang patuloy sa pagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay ni Cristine na siyang nagpakalma sa akin. Naisip naming magpakasal ng aking nobya na ngayon ay fiancée na. Tatlong taon na rin kami sa aming relasyon at kahit na kailan ay hindi ko pinagsisihan ang pagpili sa kanya. Siya na ang para sa akin. Ngayong araw ay tutungo kami sa bahay ng pamilya ni Cristine upang ibalita sa kanila ang plano naming pagpapakasal. Sa katunayan, ito ang unang beses na makikita ko ang pamilya niya sa personal. Dati kasi ay panay video call lang kami dahil nakatira ang mga ito noon sa America. Kauuwi lang nila sa Pinas ngayong linggo kaya naman pagkakataon na upang makilala sila sa personal. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa kanilang family house sa Laguna. Mansyon ang kanilang bahay na tila nasaksihan na ang ilang henerasyon ng kanilang pamilya. May kaya ang pamilya ni Cristine kaya naman nagulat ako noong pinakilala niya ako sa kanyang pamilya at hindi nila alintana na hindi ako galing sa isang nakaaangat na pamilya. Hindi kasi ako nakatapos ng kolehiyo at sa ngayon ay isa akong call center agent. "Ready ka na babe?" tanong ni Cristine pagkababa namin ng sasakyan. "Ready na, basta para sa'yo." Kinindatan ko siya at saka hinawakan ang kanyang kamay. Natatawa naman ito habang sabay kaming naglalakad patungo sa loob ng kanilang bahay. "Ma? Pa? Nandito na po kami." Isang malawak na sala ang sumalubong sa amin. Ganito yung mga mansyon na napapanood ko lamang sa pelikula. May mataas na kisame, kumikinang na chandelier, at malaki at malambot na sofa na mukhang mamahalin talaga. "Hija! Gosh, it's so nice to finally see you." Niyakap ng mama ni Cristine ang kanyang anak at nakita kong bahagyang nangilid pa ng luha ang mata nito. Limang taon din kasi silang hindi nagkita sa personal. Nagpaiwan kasi sa Pilipinas si Cristine upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo habang ang kanyang buong pamilya ay lumipat sa ibang bansa. "Mama, I missed you so much!" wika ni Cristine na hindi bumibitiw sa pagkakayakap sa kanyang ina. "Ang mama mo lang ba ang na-miss mo?" Isang boses ng lalaki ang kumuha ng aming atensyon. Pababa sa hagdan ang papa ng aking fiancée. Kung ano ang itsura nito sa tuwing nakikita ko siya sa video call, ganoon pa rin ito. Matikas at matipuno pa rin ang kanyang pangangatawan sa edad na 55. "Papa!" Binuksan ni Cristine ang kanyang mga braso upang hintayin ang pagyakap ng kanyang papa. "Na-miss rin po kita." Tatlo na silang magkakayakapan ngayon, at bilang nanunuod sa kanila, masaya ako na muli na nilang nakasama ang isa't-isa. Pagkaraan ay kinamusta rin ako ng mga magiging in-laws ko. Nawala ang lahat ng kaba ko kanina at napalitan ng saya dahil talaga ngang mabait sila. Tanggap na tanggap nila ako at masaya sila nang ibalita namin sa kanila ang plano naming pagpapakasal ni Cristine. Pagkaraan ay nagsasalu-salo kami sa pananghalian. Animo'y fiesta ngayon sa dami ng mga putaheng nakahanda. Nakaupo sa kabisera ang haligi ng tahanan at sa kanan naman niya'y ang kanyang kabiyak. Sa kaliwa nakaupo si Cristine, ang panganay sa magkakapatid, at nakaupo ako sa tabi niya. Katabi naman ng mama niya sa kabila ang kambal sa pamilya na si Lea at Rhea. Masaya kaming nag-uusap-usap habang nagsasalu-salo. Ang daming baong kwento ni Tita Sandra, ang mama ni Cristine, mula sa America. Napakamapagbiro din ni Tito Anton, ang padre de pamilia at talaga namang di nagpapahuli sa pagkkuwento ng mga bagay-bagay. Sa kalagitnaan ng aming pag-kain, biglang bumukas ang pinto ng mansyon. Lulan noon ang isang binatilyo na tantya ko ay 16 o 17 ang edad. Nakasuot ito ng itim na hoodie at maong na pantalon na ang istilo ay puro butas at tastas. Natigilan ang lahat kahit na si Tito Anton na nasa kalagitnaan ng pagkkwento. Sa isang saglit, nagtama ang paningin namin ng binatilyo bago niya ito binawi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aming gawi. "Tyler, mabuti't nakahabol ka sa tanghalian. Halika't maupo ka na dito. Nandito ang Ate Cristine mo at ang boyfriend niya, si Kuya Gio mo." saad ni Tita Sandra. Dahil may bakante pang upuan sa tabi ko, doon naupo ang binatang nagngangalang Tyler. Hindi ito nagsasalita, bagkus, kalmado lang na gumalaw upang kumuha ng makakain. Hindi ko alam kung sino ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay tatlo lang sina Cristine na magkakapatid at panay ito mga babae. Wala rin naman silang nababanggit na Tyler sa buong durasyon ng pagsasama namin. Nahihiya naman akong magtanong ngayon sa harapan ng lahat. Marahil ay kamag-anak nila ito. Baka pinsan ni Cristine. Hindi nagsasalita ang binata. Tumatango lamang ito o umiiling kapag tinatanong. Nararamdaman kong gustong isali nina Tita Sandra si Tyler sa usapan ngunit ang binata lang talaga ang umaayaw. "Siya nga pala, Tyler. Ikakasal na si Ate Cristine mo." wika ni Tito Anton. "Congrats." Ito ang unang salita na lumabas sa bibig ni Tyler ngayon at wala pa itong kagana-gana. Parang hindi siya interesado. "Salamat, Tyler." Wika ko. Dahil mukhang pamilya rin naman ito ni Cristine, dapat ay maging malapit din ako sa kanya. "Pangako, aalagaan ko ang ate mo." dagdag ko upang mas lalong magpa-impress. "Okay." Ito lamang ang sagot ng binata. Ni hindi niya ako tinignan gayong magkatabi lamang kami. Wala naman ito para sa akin at hindi naman nakaka-offend. Alam kong may mga tao talaga na hindi gaanong masalita at baka ganoon si Tyler. Pagkatapos ng pananghalian ay dumiretso ang pamilya sa sala. Nilabas ni Tita Sandra ang mga photo album ni Cristine na naglalaman ng mga litrato niya noong bata pa siya. Napansin ko naman na hindi namin kasama si Tyler. Bigla itong naglaho sa kung saan, marahil ay nagtungo ito sa kanyang silid. Nagkibit balikat na lamang ako at tinuon ang atensyon sa aming usapan. Nagkkwento si Tita Sandra tungkol sa pagkabata ng aking mapapangasawa. Pakiramdam ko ay mas nakilala ko pa siya ngayon. Marami akong bagong bagay na nalaman tungkol sa kanya at bawat isa doon ay lalong nagpa-ibig sa akin sa kanya. Bukas pa namin binabalak umuwi ni Cristine sa Maynila dahil mayroon pa kaming pasok sa trabaho. Sa ngayon, nakahanda ang kwartong gagamitin namin dahil dito kami makikitulog ngayong gabi. Narito kami sa kwarto niya mula noong siya ay bata. Kaliligo ko lang at nadatnan ko si Cristine na nakaupo sa aming kama at may kung anong palabas ang pinapanood sa cellphone. "Babe?" tawag ko. "Yes, babe?" "May itatanong ako. Curious lang kasi ako." "Sabi ko na nga ba, malamang itatanong mo kung sino si Tyler no?" wika ni Cristine at binaba niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin. Tumango ako. "Kilala mo talaga ako, eh 'no?" Umupo na rin ako sa kama katabi ni Cristine at niyakap siya sa kanyang bewang. Natawa naman siya dahil malamang nakiliti siya sa ginawa ko. Alam na alam ko kasi kung saan ang mga kiliti ni Cristine. "Kapatid ko si Tyler." wika niya. Gulat akong napatingin sa kanya at tinitignan ko kung nagbibiro ba siya. "Gulat ka 'no?" Bahagyang tumawa ang aking fiancée bago muling nagpatuloy. "Half-brother ko siya, technically. Anak siya ni papa sa dati naming maid. 6 years ago, namatay ang mama niya kaya sa amin na siya pinahabilin. Tanggap namin siya. Maging si mama, kahit na noong una ay ayaw niya pero kalaunan ay inaruga na rin niya si Tyler na parang isang tunay na anak na nanggaling sa kanya. Pero nung nagmigrate ang pamilya ko sa States, hindi siya sumama at bigla na lang siyang nawala kaya naiwan din siya dito sa Pinas." "Bakit di ko ata narinig na binanggit niyo siya dati?" tanong ko. "Hindi namin alam kung saan nagpunta si Tyler. Kahit na ako na naiwan sa Pinas, wala rin akong ideya kung nasaan siya. Nakita na lang ulit namin siya last week dahil kinontact niya si papa. Alam kong excuse lang ni papa na magbakasyon sa Pinas, dahil alam kong deep inside, gusto talaga niyang makita ulit ang anak niya. Kahit ako man, pakiramdam ko kasi ay hindi ko nagampanan ang pagiging isang ate." Nakita ko ang lungkot sa mata ni Cristine. Mabait na tao ang fiancée ko at alam kong magaan ang puso nito lalo na sa mga kapatid niya. Niyakap ko ng mas mahigpit ang babaeng pakakasalan ko. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako palagi para sa kanya. "Ikaw ang the best ate sa mundo, tandaan mo yan." Hinalikan ko ang balikat niya dahil nakasando lamang ito. "May mga desisyon lang talaga sa buhay ang kapatid mo kaya siya umalis. Pero ngayon, nandito na siya, di 'ba? At makakadalo pa siya sa kasal natin." Hinalikan ko sa pisngi si Cristine na siyang ikinangiti niya. "Salamat, babe. Napagaan mo ang loob ko." wika niya. "Eh, pwede ba akong pumasok sa loob mo?" bulong ko naman. Hinampas niya ang braso ko habang natatawa. "Babe naman, baka marinig nina mama." saad niya. "Kainin na lang kita? Please?" Gumapang na ang kamay ko mula sa kanyang bewang, paakyat sa kanyang dibdib. Shit. Hindi siya naka-bra. Pinisil-pisil ko ang u***g niyang bumabakat na sa suot niyang puting sando. Nakitang kong kinakagat ni Cristine ang labi niya upang pigilan ang ungol na gustong kumawala sa kanya. "Binyagan natin 'tong childhood room mo. Gusto mo ba?" bulong ko sabay kagat sa kanyang tenga. "Saglit lang, Gio... hmmmm..." Nilamas ko na ang malaki niyang s**o at dinilaan ang isa niyang u***g mula sa labas ng kanyang sando. Malibog talaga akong tao. Dalawang linggo na rin kaming hindi nagtatalik ng Cristine kaya naman alam kong madami akong naiimbak na katas na gusto ko nang pakawalan. Kaya naman kahit nandito ang magulang niya, hindi ko pinalagpas. Pinasok ko na ang kamay ko sa suot na short ni Cristine. Dinama ko ang init ng kanyang p********e. Mamasa-masa na rin ang kanyang lagusan marahil ay nalilibugan na siya sa ginagawa ko. "Babe, ano, kainin lang kita? Please." Nakakaadik kasi ang p**e ng fiancée ko. May pagkakataong inaaraw-araw ko siya ngunit hindi ako nagsasawang kainin at kantutin siya. Mabango ito at malinis. Pinkish ang tinggil niya na siyang mas nagpapalibog sa akin. Minsan nga ay amoyin ko lang ang hiyas niya'y pakiramdam ko'y lalabasan na agad ako. "Babe... Sisidin mo ako." Impit na ungol ng Cristine. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Agad akong pumwesto sa baba ng aking magiging asawa at dahan-dahang binaba ang salawal niya. Sinama ko na ang itim niyang panty para wala nang sagabal pa. Tumambad ang matambok niyang p********e, ang pinakapaborito kong pagkain sa lahat. Binuka ko ang kanyang dalawang hita para mas masilip ko pang ang pinakatatago niyang hiyas. Nararamdaman ko din ang naninigas kong ari. Saglit ko itong sinalsal mula sa labas ng aking suot na boxers bago dumapa upang simulan ang pagsisid. Hinalikan mo muna ang maputing singit ni Cristine. Dinilaan ko ito palibot at sinasadyang iwasan ang kanyang tahong. "Ahh, Gio, ano ba...?" anas ni Cristine. Mas binuka pa niya ang kanyang binti na para bang gusto niyang malantad pa ng husto ang kanyang p**e. "Puta, babe, nakakalibog talaga ang p**e mo." Inamoy ko ito nang hindi pa rin ito hinahawakan. Mas lalong nainis si Cristine at kinadyot niya ang kanyang baywang upang ikiskis sa ilong ko ang kanyang hiwa. "Tangina! Sabik kang magpakain ng p**e, ha?" "Kainin mo na, babe, please." Pagmamakaawa niya Pinagbigyan ko na siya at di na nagpasabik pa. Agad ko nang sinisid ang perlas ng mapapangasawa ko. Nginasab ko iyon na parang isang gutom na hayop. Marahan kong kinagat-kagat ang kanyang tinggil kaya namang napa-igtad siya. "Ahhh, Gio! Ang sarap!" Mas binuka ko pa ang p**e niya at pinunterya ang kanyang butas. Sinupsop ko iyon at nalasap ang matamis na katas ng kanyang p********e. Hinagod ko ito ng aking dila at pagkatapos ay sinupsop ko ulit. Nakakalibog ang mga tunog ng ginagawa kong pagkain sa p**e niya. "Puta, Gio... sarap niyan... sige pa." Hindi malaman ni Cristin kung saan babaling. Kumukurba ang katawan niya sa tuwing hinihigop ko ang kanyang katas. Hindi ako nakuntento pa at pinatigas ko ang aking dila at ito ang ginamit upang kantutin ang loob niya. Ang init at ang sikip ng p**e niya kaya alam kong sa tuwing kakantutin ko siya gamit ang b***t ko, sarap na sarap ako na parang ayaw ko nang ilabas pa ang t**i ko sa butas niya. "Tangina babe, ang sarap ng p**e mo." Saad ko at bahagya kong pinasok ang gitna kong daliri sa lagusan niya. "Ang swerte ng magiging anak natin, dito sila sa mabangong p**e lalabas." dagdag ko pa. Natawa naman si Cristine, bago muling umungol nang dalawahin ko ang daliri na naglalabas-masok sa hiyas niya. "AHHH! B-babe... kantutin mo ko?" Napatigil ako nang marinig ang tanong niya. "Kinakantot na kita." Painosente kong tanong. "Hindi yan, ayoko niyan... hmmm..." sagot ni Cristine habang napapapikit ang kanyang mata sa ginagawa kong pagffinger sa p**e niya. "Anong gusto mo?" Mas lalo ko siyang tinutukso. Alam ko ang gusto niya ngunit nais kong marinig ito mismo mula sa kanya. "Yung iyo... ahhhh, yung iyo Gio! s**t!" Nararamdaman ko na umiindayog siya sa saliw ng aking musika. Ang libog. Siya na mismo ang kumakantot sa daliri ko gayong sinabi niya kanina na ayaw niya ito. "Yung alin ko?" "Tangina Gio, kantutin mo na ako ng b***t mo!" Alam kong bibigay din si Cristine. Sa una ay sasabihin kong kakainin ko lang siya, pero alam kong mauuwi at mauuwi ito sa kantutan. Ngumisi ako at gumapang paitaas. Siniil ko siya ng halik at hinayaan kong matikman niya ng ang sarili niyang katas mula sa aking bibig. "Ito na, babe. Ang paborito mong bur—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bigla kaming napalingon sa pinto nang may biglang kumatok dito. Nagkatinginan kami ni Cristine at pinakiramdaman kung guni-guni lang ba namin iyon. (Tok! Tok! Tok!) Muli na namang may kumatok sa pinto. Dali-dali kaming bumangon upang magbihis. Nanlambot na rin ng bahagya ang aking alaga habang nagmumura ako sa aking isip. Putangina. Istorbo pa. "Sino yan?" Tanong ni Cristine habang isinusuot ang kayang salawal. "Ate, may pinapabigay si papa." Boses iyon ng binata kaya malamang ay si Tyler ang tumawag. Nagbihis na rin ako at sinundan si Cristine na buksan ang pinto. Natanaw kong nag-aabang sa labas si Tyler. Nakasandal ito sa katapat na pader at ang ekspresyon niya ay tila buryong-buryo. Mukhang nagpalit na ito ng damit pangbahay dahil nakasuot na ito ng asul na basketball shorts at malaking itim na t-shirt. "Ano yon Tyler?" Tanong ni Cristine. Lumapit si Tyler sa amin at tinaas ang kamao niya na sa tingin ko ay may laman. Hudyat naman ito para ilahad ni Cristine ang kanyang palad. Tumingin muna ang binata sa ate niya at binigyan niya rin ako ng isang tingin. Matapos nito, binuksan niya ang kanyang palad upang ibigay kung ano yung pinapaabot ni Tito Anton. Hindi pa kami nakakapag-react ni Cristine pero agad nang umalis si Tyler na parang wala lang sa kanya na abutan kami ng ilang pirasong condom. Oo, condom ang binigay sa amin. Nagkatinginan kami ni Cristine at alam na agad namin ang iniisip ng isa't-isa. Narinig kami ng pamilya niya. * Lumipas ang araw, at oras na para bumalik kami ni Cristine sa Maynila. Hapon na kami umalis dahil hindi naman malayo ang biyahe mula sa Laguna. Sa kabutihang palad, walang nag-uungkat ng tungkol sa milagrong ginawa namin kahapon. Hindi na rin naming tinangka pang gumawa ng milagrobsa kwarto. Nagsalsal na lamang ako sa banyo para makapagpalabas. "Mag-iingat kayo, Tin. Ikaw din Gio, wag mong pabayaan ang anak ko." wika ni Tito Anton. "Hinding-hindi ko po pababayaan si Cristine, tito. Ako pong bahala sa kanya." sagot ko naman. "Mama at papa na ang itawag mo sa amin. Magiging parte ka na ng pamilya namin kaya natural lang iyon." Saad pa niya. "Sige po, papa. Mama, salamat po sa mabuti niyong pagtanggap sa akin." Niyakap ako ni Tita Sandra—ni mama. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina mula sa yakap niya. "Welcome to the family, hijo. Aasahan ka namin." Mananatili pa ng ilang buwan sa Pinas ang pamilya ni Cristine bago sila muling lilipad sa ibang bansa. Depende sa aming plano, balak nilang hintayin ang aming kasal bago muling umuwi sa Amerika. Pinangako naman namin na aasikasuhin na namin ang kasal at sasabihin ang mga detalye sa kanila. Nag-paalam na kami sa isa't-isa. Kapansin-pansin din na wala ang nag-iisang binata ng pamilya. Noong umaga ko pa ito hindi nakikita dahil wala rin ito noong nag-almusal kami. Hindi na ako nagkomento pa, sa halip ay sinabi ko na lang kay mama na pakisabi kay Tyler na paalam at aasahan namin siya sa kasal ng ate niya. * Araw ng lunes, balik opisina na naman. Bilang isang call center agent, pang-gabi ang aking pasok. Pitong taon na ako sa industriyang ito at wala pa naman akong balak tumigil. Nakakapagod, oo, pero para sa akin, alam kong dito ako pinakamagaling. At isa itong bagay na ipinagmamalaki ko. Pasado alas-dos ng madaling araw ang aming isang oras na lunch break. Karaniwan akong kumakain sa 24/7 convenience store sa labas ng aming opisina, at hindi naiiba ang araw na ito. Dala ang aking cellphone at pitaka, nagtungo ako sa convenience store at dumiretso sa estante ng kanilang instant food. Kasama ng isang bote ng Cobra, nagpunta ako sa counter upang magbayad. Sinabi ko na magd-dine in ako kaya naman ininit na ng cashier ang pagkain ko gamit ang kanilang microwave oven. Matapos nito ay nagtungo ako kung saan naroon ang mga mesa para sa mga customer nila. Dahil maraming empleyado ng call center ang sabay-sabay na naglulunch, puno na ang lahat ng mesa. Maliban sa isa. "Hi, pwede bang makiupo. Wala na kasing bakante." tanong ko sa lalaking mag-isang nakaupo sa isang mesa. Kumakain ito ng cup noodles habang naglalaro sa kanyang cellphone. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil nakatungo ito at nakasaklob ang itim niyang hood sa kanyang ulo, ngunit nakita ko na tumango naman ito. Umupo ako at mabilis na nilantakan ang binili kong pagkain. Pagkatapos kasi nito ay pupunta pa ako sa smoking area at magyoyosi. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Cristine. Alam kong tulog pa iyon, ngunit gusto ko lang banggitin ang kaganapan sa araw ko. [Babe, lunch namin ngayon. Ingat ka mamaya pag-pasok. Mahal kita.] Teacher si Cristine sa elementarya. Umaga pa ang kanyang pasok habang ako naman ay pauwi pa lang kaya naman malimit kaming magkita. Dalawang taon na kaming nagl-leave in kaya tuwing weekends lang talaga kami nagkakasama kapag day-off naming dalawa. Maya-maya, naramdaman kong tumayo na ang lalaking kaharap ko. Inimis niya ang pinagkainan niya at saka umalis. Nang mahagip ng paningin ko ang mukha nito, talagang nabigla ako. Hindi agad ako nakapag-react kaya naman nakalabas na ito ng convenience store bago ko napagtanto na kamukha ni Tyler ang lalaking iyon. Mula sa salaming pader ng convenience store, natanaw ko ang pigura ng binata na tumawid. Mukhang pupunta ata ito sa smoking area. Sinimot ko na ang kinakain ko at dali-daling nagtungo rin sa smoking area. Pinagbabawal ang paninigarilyo kung saan-saan dito sa lungsod namin. Kaya naman may mga itinalagang outdooor smoking area ang mga nanganagasiwa ng lungsod at sa oras na ito, doon nagkukumpol kumpol ang mga gaya kong nagttrabaho sa night shift. Karamihan dito ay mga call center agents din na gustong magrelax mula sa stress ng trabaho. Medyo madilim ang lugar, ngunit may sapat namang ilaw upang makita ang paligid at ang mga tao rito. Nilibot ko ang aking mata hanggang sa makita ko ang pakay ko. Nakaupo siya sa isang sulok. Naka-ekis ang kanyang braso at ang isang kamay niya'y hawak ang isang may sinding sigarilyo. May dalawang lalaki siyang kausap doon at dahil malayo ako, hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan. Natanaw ko pa na tila inakbayan siya ng isa sa mga lalaki ngunit hindi natutuwa ang mukha ni Tyler. Kagaya noong nasa Laguna kami, seryoso lang ang kanyang ekspresyon at sa kaunting pangungunot ng kanyang noo, nagmimistula itong galit. Sa di malamang dahilan, nakita kong tila hinimas-himas ng isa pang lalaki ang hita ni Tyler. Walang namang kahit anong reaksyon ang mukha ng binata, kaya hindi ko masabi kung ayaw ba niya sa ginagawa sa kanya, o ayos lang ba. Nakakaramdam ako ng hindi tama, kaya naman bago ko pa mapigilan ang aking sarili, kusang gumalaw ang aking paa at nagtungo kung nasaan si Tyler at ang mga kasama niya. "Nandito ka pala," wika ko. Nasaksihan ko kung paanong ang walang emosyong mukha ni Tyler ay napalitan ng pagkabigla. Bahagya namang lumayo ang dalawang lalaki na kanina lang ay halos lumingkis na sa binata. "Tara na, kanina pa kita hinahanap." saad ko. Nagkatitigan kami ni Tyler. Nagdadasal ako na sana'y maintindihan niya ang gusto kong gawin. Ang ilayo siya sa mga kaduda-dudang lalaking umaaligid sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo si Tyler at nagtungo sa direksyon ko. Hindi na niya nilingon ang dalawang lalaki at nagsimula itong lumakad palayo. Hinabol ko naman siya at sinabayan siyang maglakad "Sinong mga yon?" tanong ko. Hindi kumibo si Tyler at sa halip, nagsindi ito ng bagong sigarilyo at humithit. Pero bago makalagpas sa smoking area, tinapon na niya ang sigarilyo niya kahit na mukhang hindi pa ito nauupos. Huminto saglit ang binata sa paglalakad at tumingin sa akin. Sa ilalim ng street light, nakita ko ang maamo niyang mukha ngunit ang mga mata niyang malalim ay tila isang malalim na dagat at walang nakakaalam kung ano ang nasa pusod nito. "Huwag mong sabihin kay ate o sa kahit sino na nakita mo ako." wika niya. "O-oo, sige. Pero ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko. "Trabaho." ang maiksing sagot naman ni Tyler. Tumango lang ako dahil marami naman talagang nagttrabaho sa parteng ito ng lungsod. Hindi ko na naitanong kung anong trabaho niya o kung saan siya nagttrabaho dahil bigla na lang siyang tumawid ng kalsada at nagsuot sa isang eskinita. Minabuti kong huwag na siyang sundan dahil malapit naring matapos ang isang oras kong break. Bumalik ako sa opisina namin na puno ng tanong ang isip. Bukod dito, naaalala ko ang itsura ni Tyler habang kami'y nagkatitigan ng ilang saglit kanina. Mahirap siyang basahin ngunit ang katangian niyang ito ang mas nagdadagdag misteryo sa kanya at siyang dahilan ng namumuo kong kuryosidad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
56.7K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
53.3K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook