ALDRIAN’S POV “ALAM mo, Aldrian, masyado kang maraming kuda! Ang mabuti pa ay tanggapin mong habangbuhay ka nang ganiyan—walang tite! Bwahaha!” Nanggigigil na tiningnan ko si Madam L. Pasalamat siya at malayo siya sa akin dahil baka pinilipit ko na ang leeg niya. Hindi naman kasi talaga kagalang-galang ang matandang ito. Hayok masyado kay Junjun. Dinuro ko siya. “Hindi ako makakapayag na mangyari `yan!” sigaw ko sa kanya. “Bwahahaha! Asa ka pa! Alam naman natin na tunay na pag-ibig lang ang paraan para bumalik sa iyo si Junjun. Paanong mangyayari `yon, eh, hindi ka naman marunong magmahal…” Naglungkut-lungkutan pa siya. Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Pero bigla kong naalala si Alegria na nasa tabi ko. Masuyo kong tiningnan si Alegria. Hindi ko na lang isinatinig pero nagkakam

