JUNJUN’S POV
KISSING booth. Isa pa `yan sa life goals ko talaga. Kapag ako nagkaroon ng pagkakataon humiwalay sa katawan nitong bossing ko, pupunta talaga ako sa school fair tapos magtatayo ako doon ng “Junjun’s Kissing Booth”. Siyempre dahil generous ako, libre ang pag-kiss sa akin at mga babae lang ang pwede. Sabi kasi ng iba, may power daw ang kiss na nakakapagpagaan ng loob ng mga babae. Eh, ang mga babae dapat pinapasaya ang mga `yan, `di ba? Hindi pinapaiyak. Kaya `yong mga pukinang mga lalaki diyan na hobby ang pagpapaiyak sa mga girls, I raise my middle finger—
Teka, wala nga pala akong finger.
Ah, `eto na lang.
Tatayo ako para sa inyo.
Pakyu kayo ng isang taon with bonus pay!
Oo nga pala, si Bossing Aldrian.
Relax relax na naman siya habang nanonood ng movie sa HBO. Nabago na ang pass code ng main door at wala na yata sa isip niya na nanakawan siya ni Madam L ng isnag piraso ng bul—pubic hair pala.
Parang action movie ang pinapanood niya kasi dahil sa sound effects at bang bang ng mga baril. Sayang naman. Gusto ko sanang manood kaya lang, `eto ako, nakakulong sa brief niya. Tapos may shorts pa siyang suot. Ang init, pucha!
Akala siguro ng iba, masarap ang maging Junjun. Akala nila, pasarap-sarap lang ang Junjun sa buhay kasi nga naman `andito lang kami. Relax lang. Chill lang.
Iyon ang akala nila.
Ang init-init kaya dito sa pwesto namin. Minsan lang ako makaagap ng sariwang hangin. Kapag maliligo lang si bossing. O kaya iihin. Magpapalit ng brief. O kaya kapag makikipag-s*x.
Kalahati yata ng buhay ko, nakakulong ako dito.
Tsk. Tsk. Tsk!
Naisip ko nga, paano kaya kung sa mas kumportableng parte ng katawan ako nilagay ni Bro?
Sa noo kaya? Cool…
Sa kaliwang pisngi? Mas kewl…
Sa batok? Heavyyy!!!!
Sa leeg para presko? Asteeeg!!!
Haaay…
Pero wala na naman akong magagawa dahil dito ako sa pagitan ng hita ni bossing inilagay. Tanggapin na lang kahit minsan nagrereklamo ako.
Teka, teka… Mukhang may kausap si bossing sa phone, ah. Makiusyoso tayo. Hehe…
“Hello, Brix?”
Ah, si Brix Yamada pala. Iyong kababata ni Bossing Aldrian na kaibigan daw niya. Pwe! May magkaibigan ba na palaging nagpapagalingan? Nag-aagawan ng babae? At lihim na nagbabangasan ng mukha sa imagination?
Oo, meron.
At si Bossing Aldrian at Brix iyon.
Friends sila pero enemy rin.
Paano, noong mga bata pa sila palagi silang napagkukumpara lalo na sa school kaya naman nagkaroon ng gap ang dalawa. Pero pareho silang lumaking gago. Parehas happy-go-lucky at walang pakialam sa buhay dahil sustentado ng mga magulang.
Rich kids, eh!
“Party? Tonight? Okey, pupunta ako. Bye!”
Para namang nasa soap opera itong si bossing. Inuulit ang sinasabi ng kausap para malaman ng mga televiewers ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
`Wag ganyan, bossing! Magagalit sa iyo si Antonietta, sige ka. Ikaw rin.
Hmmm… So magpapa-party na naman pala si Brix mamayang gabi ng walang dahilan. Babaha na naman ng alak at malalanding babae mamaya. Alam ko na ito, napanood ko na. Ilang beses na.
Party. Tapos after no’n, threesome. Foursome…
Wala na talaga akong pahingaaa!!!
Mas mabuti pa siguro na maging kasambahay na lang ako! Atleast, ang kasambahay, may day-off. Eh, ako? Wala.
Tama. Isasama ko sa life goals ko `yan… Ang maging kasambahay para maranasan ang day-off.
FAST-FORWARD…
Poging-pogi si Bossing Aldrian nang pumasok siya sa bar na pagmamay-ari ni Brix. Aba, siyempre, pati ako pogi rin. Iyon nga lang, nakatago ako dito sa loob ng pantalon niya. Gusto ko sanang maki-tugs tugs tugs kaya lang hindi naman pwede. Tiis-pogi naman ako palagi. What’s new?
Ayun, dakilang tagapakinig na naman ako sa mga nangyayari sa paligid.
Maingay. Tapos ang daming bumabati na girls kay bossing. Mukhang wala pang natitipuhan ang bossing ko kasi wala pa siyang kinakausap na babae. Sabagay, masyado pang maaga. Pero sana, magpahinga naman siya ngayon para pati ako pahinga rin. Si bossing yata ang boy version ni Ligaya—ang babaeng walang pahinga!
“Bro!”
`Yan, `yan, yan! Sigurado akong kay Brix Yamada ang mayabang na boses na iyon na bumati kay Bossing Aldrian.
“Bro! Ayos ng party mo, ah!” Plastik din itong si bossing, eh.
“Thanks, bro. You know me, ayokong napapahiya.”
“Yeah, yeah! Kaya lang parang ang pangit ng lightnings, bro.”
“Pangit ba `yan? Baka naman mata mo ang pangit, bro!”
Uh oh…
“Just kidding! Enjoy the party!” sabay bawi ni Brix.
Mukhang umalis na si Brix. Sayang naman. Malapit na silang magsuntukan. Gusto ko kasing mabangasan ni Bossing Aldrian ang mayabang na `yon, eh.
“Hi! You’re Samantha, right?” Aba, at mukhang may chikababes nang pumasa sa panlasa ni bossing. Tsk.
Malanding humagikhik iyong babae. parang kinikiliti ng feather duster ang hiwa. “No. I am not Samantha. My name is Cheska.”
Naka naman!
The moves nga naman ni bossing, o!
“Are you alone?” tanong ni bossing.
“No. I’m with my friends. So… are you game? Tatlo kami.”
Siguro kung may mata lang ako ay malamang umulwa na iyon sa tanong ni Cheska kay Bossing. Tatlo?
Tang’na! Tanggihan mo `yan, bossing! Ayoko ng tatlo. Pucha! Hindi pa nga ako nakakrecover masyado sa pagma-maria mo tapos may tatlong babae agada?! Pucha talaga!!!
“Game!” excited na sagot ni bossing.
Patayin niyo na nga lang ako!