JUNJUN’S POV
SUBO. Subo. Subo… Putok!
Taas. Baba. Taas. Baba… Putok!
Laba. Pasok. Labas. Pasok… Putok!
“Aldrian, we need to go. Babalik pa kami sa party, eh. Bye…”
At pagkatapos ng matinding labanan sa kama ay umalis na ang tatlong babae. Iniwan kami ni Bossing Aldrian na lupaypay at halos hindi na humihinga. Parehas kaming tulala na parang rape victim. Pero si bossing, nakangiti. Ako naman, parang rape victim talaga. Tulala.
One versus three ba naman ang nangyari! Pucha!
Ilang araw kaya ang dapat kong bilangin para makarecover sa pang-aabuso na ito? Pero malabong makarecover ako dahil sigurado ako, bukas ay may ibang babae na naman itong si Bossing Aldrian. Pang-aabuso na talaga. Tsk. Tsk…
Oo. PANG-AABUSO.
Para kasi sa akin, pang-aabuso na kapag sobra-sobra na. `Yong hindi na normal.
May konting luha na lumabas sa akin. Hindi ako iyakin pero naiiyak ako ngayon. Paano ba naman, awang-awa na ako sa sarili ko. Sa totoo lang, wala nang pakialam si Bossing Aldrian sa akin. Puro sarili na lang niya iniisip niya at pangsariling sarap.
Hindi niya iniisip na may isang nilalang na nakakabit sa katawan niya na nahihirapan sa bawat sarap na kanyang nilalasap. Minsan lang akong magdrama kaya pagbigyan niyo na. Saka hindi naman ako nagdadrama nang wala lang…
Pagod na pagod na ako!
Punung-puno na ako!
Sagad na! Puno na ang salop!
Katarungan para kay Ka Junjun!
Katarungan!!!
Masama mang pakinggan pero…
HINIHILING KO NA SANA AY HUMIWALAY NA AKO SA KATAWAN NI BOSSING ALDRIAN!
Pagkasabi ko noon ay biglang kumulog at kumidlat. Hindi ko alam pero bigla akong inantok. Groggy na naman ako, men! Kailangan… ko… munang matulog. At dahil matutulog muna ako, si Bossing Aldrian muna ang bahala sa inyo.
ALDRIAN’S POV
HINDI ko alam kung paano ako nakauwi kagabi sa condo ko mula sa party. Lasing na lasing kasi ako. After ko kasing makipag-s*x doon sa tatlong babae na hindi ko na maalala ang pangalan ay bumalik din ako sa party ni Brix na sobrang boring.
Ang yabang talaga ng hudas na iyon. Ngiting-aso palagi kapag nakikita. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakakapagpigil ako sa kanya at iniisip ko na lang ang pinagsamahan namin noon.
Bigla na lang akong napangiti nang maalala ko `yong tatlong babae kagabi sa party. That was… BANG!
Ngayon lang kasi nangyari na halos wala na akong ginawa. Hindi na ako kimikilos dahil silang tatlo na ang tumatrabaho. Nakahiga na nga lang ako, eh! Isa iyon sa mga sexperience ko na hindi ko makakalimutan. Well, sI am sure na hindi pa naman iyon ang huling beses na mararanasan ko iyon. Sa gwapo kong ito, lahat ng babae ay luluhod sa harap ko at gagawin ang lahat ng iuutos ko. At hanggang may t**i ako, lahat ng iba’t ibang sexperience ay mararanasan ko! Pakiramdam ko tuloy isa akong diyos…
Diyos ng Kagwapuhan at Romansa!
Hehe…
Ang mabuti pa ay maligo na ako at umaga na. Mataas na ang sikat ng araw. Ten forty seven AM na ang nakita kong oras sa digital clock na nakapatong sa side table ko.
Tumayo na ako. Boxer shorts lang ang suot ko. Naiihi pa ako kaya dumiretso na ako sa banyo. Humikab ako. Kulang pa yata ang tulog ko. Mamaya na lang ako babawi ng tulog after kong mag-gym.
Pumunta na ako sa banyo at tumapat sa toilet bowl para umihi. Medyo nakapikit pa ako. Isinuksok ko ang aking kamay sa loob ng boxer shorts ko para ilabas ang aking p*********i.
“s**t!” sigaw ko.
Ang pagkaantok ko ay biglang nawala nang wala akong makapa na mahaba at matabang t**i sa loob ng boxer shorts ko!
Kinakabahan na hinubo ang boxer shorts at…
“AAAHHH!!!”
Wala na akong… s**t!
Wala na akong makita sa pagitan ng hita ko kundi isang patag na balat na lang!
Huminga muna ako ng malalim. Panaginip lang ito… Panaginip lang…
Pumikit ako at pinagsasampal ang sarili ko. Limang beses yata.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para tingnan ulit ang nasa pagitan ng hita koa at…
“AAAAHHHH!!!” sigaw ko ulit.
Wala na talaga!
Hindi… Hindi ito totoo! Paanong—
“Gago!”
Huh?
Parang may nagsalita sa kung saan.
“Gago! Yuhooo! Gago!”
Maliit ang boses. Kaboses na kaboses nina Kevin, Bob at Stuart ng Minions.
“Gagooo!!!”
“Sino `yan?”
Nasisiraan na yata ako ng ulo. Kung anu-ano na ang nangyayari sa akin. Nasobrahan na yata ako sa s*x—
“Ako. Gago! Si Junjun!”
At ganoon na lang ang gulat ko nang mula sa likod ng toilet bowl ay may lumabas na “nilalang” na pamilyar sa akin. Mahaba siya at mataba. Hugis talong pero kakulay ng balat ko. Mamula-mula…
Hindi ako pwedeng magkamali…
Ang isang dangkal na nilalang na iyon ay ang aking Junjun!
Pero bakit ganoon? Tinubuan siya ng maliit na mata at bibig sa ulo. At naglalakad siya gamit ang dalawa niyang… eggs?
“Oh, gulat ka, `no?” Boses Minions talaga siya.
“J-ju… Ju… Jun…”
Hindi ko na kinaya ang nakita ko at umikot na ang paligid ko at nawalan na ako ng malay.
Panaginip lang ito… Panaginip lang.