IKA- 6 NA PUTOK

1579 Words
JUNJUN’S POV NAKATINGIN lang ako kay Bossing Aldrian habang nakalupasay siya sa malamig na sahig ng banyo. Grabe, gulat na gulat siya nang makita ako na nagkaroon ng buhay. Sa sobrang gulat, nanghimatay ang gago! Bwahaha! Kahit naman ako ay nagtataka rin kung paano ito nangyari. Nagkaroon ako ng mata at bibig. Tapos `yong balls ko, napapakinabangan ko na talaga. Nagagamit ko siya para makapaglakad. Hakbang ang kaliwang balls, hakbang ang kanang balls. Parang paa lang. Asteeeg!!! Nakakapagsalita na rin ako. `Yon nga lang, wala akong kamay. Ayos na rin ito, kahit walang kamay. Ang weird nga naman na may kamay ako. Hindi na ako mukhang t**i no’n kapag meron. Kung bakit ako nagkaroon ng buhay, wala na akong pake. Ang importante… Magagawa ko na rin ang life goals ko. Yahooo!!! Nae-excite tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa life goals na naisip ko noong nakakabit pa ako sa katawan ni bossing. Teka, ang tagal namang magising nitong si Bossing Aldrian. Tsk. Tsk! Kailangan ko na sigurong kumilos. Ano bang gagawin ko? Luminga-linga ako… Aha! Alam ko na. Hehe… Umakyat ako sa mukha niya at pumwesto ako sa may noo niya. Kailangan ko siyang gamitan ng dahas para magising. Bumwelo ako at sa pamamagitan ng katawan at ulo ko ay sinampal ko siya. Nilakasan ko talaga para damang-dama niya. Dalawang sampal at agad siyang nagising sabay balikwas ng bangon. At dahil sa bigla niyang pagbangon ay nahulog ako sa mukha niya at nagpagulong-gulong ako sa sahig. Ouch, men! “Huh?!” Mukhang tanga si bossing. Akala mo ay binangungot ang hitsura. Nakatayo na siya at hindi alam kung saan papaling ng tingin. Agad niyang sinilip ang boxers niya. “f**k! Totoo nga! s**t! s**t! s**t!” sinabunutan na niya ang sarili niya sa sobrang inis siguro at kaba na rin. “Paano nangyari ito? s**t!!!” gigil na tanong pa niya. “Kahit ako hindi ko rin a—“ Nagulat ko yata si bossing kaya bigla niya akong nasipa at bumalandra ako sa dingding ng banyo. “AHHH!!!” sigaw pa niya. Masakit ang katawan na tumayo ako. “Grabe ka naman, bossing! Kahit nakahiwalay na ako sa’yo. you’re still hurting me!” “You are not real!” nahihindik na turan niya. Nanlalaki ang mga mata. First time kong makita na takot na takot si Bossing Aldrian. Mukha siyang gago. Haha! Oh, well… Gago naman talaga siya. Sa ginawa ba naman niya sa akin noong nakakabit pa ako sa kanya, gago talaga siya. Kaya nga hindi ko na napigilan na tawagin siyang ‘gago’ nang magpakita ako sa kanya. My bad! “I am real, bossing. Tingnan mo, oh!” Kumanta ako ng ‘Twerk It Like Miley’ habang zoom in at zoom out ang ulo ko sa kanya. “No! No! No!” umatras siya habang at nang mapasandal sa dingding ay umiling-iling pa. “Para ka namang bading, bossing! Kahit naman ako nagtataka kung paano ito nangyari. Pero, maybe, this is my destiny. Ang humiwalay sa’yo at para magawa ko na ang life goals ko. And I like it, like it!” Kumembot-kembot pa ako sa sobrang saya. Nakaka-amaze talaga. Nakakagalaw ako ayon sa kagustuhan ko. Amazing! “This can’t be real! No! This is imposible!” histerikal pa rin si bossing. “Papaanong humiwalay ka sa—f**k! Paano na ang s*x life ko?!” “Tsk. Tsk. Tsk… Isa `yan sa reason kung bakit winish ko na humiwalay sa’yo, bossing. s*x life mo lang ang iniisip mo at hindi mo inisip na napapagod din ako. Siguro, dininig ni God ang wish kong iyon kaya…” Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko dahil nakarinig kami ni bossing ng tunog ng takong na parang nanggagaling sa salas. “Aldrian… Aldrian baby…” Boses ni Madam L `yon, ah. “s**t! Paanong nakapasok ang matandang iyon dito?” tanong ni Bossing Aldrian sa sarili. Humarap siya sa akin. “Kailangan mong magtago… Ano nga palang pangalan mo ulit?” “Junjun!” proud kong sagot. “Okey, Jun—Ha? Bakit, Junjun? Hindi ba pwedeng sunod sa pangalan ko? Junjun is an ugly name.” “Iyon ang gusto ko, bossing. Ako si Junjun simula nang ipanganak ka.” “Okey, okey. Junjun. Kailangan mong magtago. Hindi ka pwedeng makita ni Madam L. Dito ka lang sa banyo, understand?” “Aprub!” “Aldrian… Come out, come out… Wherever you are!” Akala mo ay pusang naghahanap ng daga si Madam L, ha. Lumabas na si Bossing Aldrian sa banyo at isinira niya agad ang pinto. Idinikit ko ang ulo ko sa pinto para pakinggang ang pinag-uusapan nila. Wala akong pisikal na tenga pero nakakakinig naman ako. Amazing… Really amazing! ALDRIAN’S POV “MADAM L? Paano kayo nakapasok dito, ha? Pinabago ko na ang passcode ng main door ko. Irereklamo ko na kayo sa management sa ginagawa niyo. This is tresspassing!” bulyaw ko sa kanya. Nakakaumay ang hitsura niya. Para siyang cover girl kung maka-pose ng higa sa sofa. Nakasuot siya ng bathing suit na pink na may print ng tiger. May tenga din siya ng pusa na headband yata. Malandi siyang tumawa. “Hindi mo ako pwedeng ireklamo sa management, Aldrian baby…” “Don’t call me, baby. I’m not your baby!” Medyo naaasar na ako sa matandang ito, ha. “Baby, baby, baby!” pang-aasar pa niya. “Isa pa, papatulan na kita kahit matanda ka pa!” Namumula na yata ang mukha ko sa sobrang inis. Umiba ng pwesto si Madam L. Umupo siya at bumukaka habang nakataas sa ere ang mga paa. Narinig ko pa ang pag-crack ng buto niya sa binti nang gawin niya ang pwestong iyon. Nakakasuka ang hitsura niya dahil sumisilip ang pubic hair niya. “Papatulan? Really? Sige, Aldrian, patulan mo na ako! Matagal ko nang hinihintay na gawin mo sa akin `yan…” tila nang-aakit na sabi pa niya. Nakakadiri talaga ang matandang ito. Nawawala ang paggalang ko sa may edad sa akin kung ganito naman. Tsk! “Alam niyo, Madam L, mas mabuti kung umalis na lang kayo. Alam niyo pa ba ang ginagawa niyo? Ipapatawag ko na ang security kapag hindi ka umalis!” “I’m sorry pero hindi mo pa yata na I own this condominium building, Aldrian. Kaya walang magagawa ang management o security sa gusto kong gawin.” Tigalgal ako sa nalaman ko. What? Kaya pala ang lakas ng loob niyang pumasok dito. At siguro, kaya niya alam ang passcode ko ay inaalam niya sa management. Umayos na ng upo si Madam L at narinig ko na naman ang pagtunog ng buto niya sa hita. Matanda na talaga. Makahulugan siyang tumingin sa akin at `yong ngiti niya nakakatakot. “At may alam ako sa’yo, Aldrian. Alam ko na wala na sa’yo ang kaligayahan mo…” Kumunot ang noo ko. “What? Anong sinasabi niyo?” “Alam mo, Aldrian, matagal na kitang gusto. Matagal na akong umaasam na makakasiping kita sa kama para punan ang kabibe ko. Tigang na tigang na ako at ikaw ang gusto kong magdidilig sa lupa kong matagal nang hindi nababasa ng tubig.” Tumayo na siya. Lumapit sa akin at nagpaikot-ikot. “Pero kahit anong pa-cute at pa-tweetums ko sa’yo, hindi mo ako pinapansin! At ayoko sa lahat ay ang ini-ignore ako!” “Pero, Madam L, matanda na kayo—“ “Stop! Hindi pa ako tapos magsalita!” Sabay lagay niya ng hintuturo niya sa labi ko na inalis ko naman agad. “Hanggang sa matanggap ko nang kahit kailan ay hindi mo na ako papatulan. Pero, I am not giving up without putting a good damn fight, Aldrian. Gusto kong gumanti at ginamit ko ang pagiging black witch ko para gumanti sa’yo! Bwahahahaha!!!” Parang biglang nagkaroon na ng linaw sa akin ang lahat ng nangyari. “`Wag mong sabihin na…” “Naalala mo `yong pubic hair mo na kinuha ko? Kinulam kita! Hahaha! Ano, Aldrian? Wala na ba si Junjun mo? Kung hindi ka magiging akin, kahit si Junjun na lang. Gumaya ako ng orasyon para humiwalay siya sa’yo at magkaroon ng buhay. Ngayon, nasaan na si Junjun? Akin na siya, Aldrian.” Hahawakan sana niya ang pagitan ng hita ko pero umiwas agad ako. s**t! Siya pala ang salarin kung bakit humiwalay sa akin si Junjun! Mapapatay ko talaga ang matandang ito! At gusto pa niyang kunin sa akin si Junjun! Siyempre, hindi ako papayag. Kailangan kong magpanggap na hindi siya nagtagumpay sa kulam-kulam niya. Malakas akong tumawa. “Nababaliw na ba kayo, Madam L? Siyempre, nakakabit pa sa katawan ko si Junjun. Ano bang pinagsasabi niyo, ha?” Biglang nawala ang ngit sa labi niya. “Totoo?” “Totoo.” “Nooo!!! Ibig sabihin, hindi naging matagumpay ang kulam ko?!” “Ganoon na nga siguro…” pasipol-sipol pa ako. “Grrrr!!!” angil na lang niya at naiinis na umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na siya. Mabuti na lang at naniwala sa akin. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Totoo nga na nakahiwalay na si Junjun sa katawan ko at kagagawan iyon ng black witch na si Madam L!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD