JUNJUN’S POV
WOW! Heavy! Kaya pala ako humiwalay kay Bossing Aldrian ay dahil Madam L. Grabeng revelation naman na isa pala siyang black witch. Bakit pa ba ako nagtataka, eh, mukha naman talagang magkukulam ang manyak na matandang iyon. Pero, salamat na rin sa kanya kasi natupad na rin ang pangarap ko na magkaroon ng sariling buhay. Nakikisimpatya rin naman ako kay bossing kasi malaking kawalan talaga ako sa kanya, pero matagal na rin naman niya akong napakinabangan. It’s time na magpahinga naman ako at isa-isahing gawin ang life goals ko.
“s**t! f**k!” sabay bukas ng pinto ng banyo. Pumasok ang nakabusangot ang mukha na si bossing.
“Bossing, narinig ko lahat ng napag-usapan niyo, ah. What a twist!” pumalatak pa ako.
“Sinasabi ko na nga ba at walang gagawing maganda si Madam L. Kailangang makaalis na tayo ngayon dito, Junjun. Hindi magtatagal ay malalaman din no’n na nakahiwalay ka na talaga sa akin. Lilipat tayo ng condo.”
Naglakad ako palapit kay bossing. “We-we-wait, bossing. Sandali lang, ha. Let me remind you… Ngayong nakahiwalay na ako sa’yo, hindi mo na ako pag-aari. Kung aalis ka, umalis ka. Aalis din naman ako pero hindi ako sasama sa’yo.”
“What?”
“Yes, bossing. Nakadikit pa lang ako sa’yo ay marami na akong gustong gawin. At ito na ang chance ko para gawin ang mga iyon!” parang nangangarap na sabi ko.
“Hindi pwede, Junjun! Hindi pwedeng maghiwalay tayo ngayon lalo na at gusto kang kunin sa akin ni Madam L. Hahanap tayo ng paraan para bumalik ka sa akin—“
“No way! Ayoko nang bumalik sa’yo!” Nagdabog ako. Nakasimangot na nagpapadyak ako gamit ang balls kong flawless.
“Junjun. `wag matigas ang ulo!”
Literal na pinatigas ko ang ulo ko. Boner na ako, babe.
“No, bossing! Ako na ngayon ang masusunod sa buhay ko!”
Naglaban ang tingin namin. Walang gustong magpatalo.
First time namin na magsagutan ng bossing ko.
“Aba! Junjnun!” Lumuhod pa si bossing para medyo magkalapit kami lalo. Dinuro-duro pa niya ako habang pinagsasabihan niya ako na parang bata. “Ito ang tandaan mo, wala ka kung wala ako kaya dapat ako ang sundin mo. Naiisip mo ba ang gagawin sa’yo ni Madam l kapag nakuha ka niya, ha?!”
Naiimagine ko naman kung anong gagawin sa akin ni Madam L kapag nakuha niya ako at nangingilabot ako. Kahit wala akong balahibo ay kinikilabutan pa rin ako.
“H-hindi naman ako magpapahuli sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay magawa ang life goals ko,” pangangatwiran ko.
“Imposible ang sinasabi mong life goals! Hindi ka puwedeng makita ng ibang tao! At alam kong alam mo na mapapahamak ka kapag nangyari `yon!”
Mariin akong umiling. “Ah, basta! Matagal kong hinintay ito at hindi mo ako mapipigilan!”
Oo, walang makakapigil sa akin dahil ako ang “Petete Junjun”! Kahit sino pa kayo, wala kayong pake!
Naglakad ako palabas ng banyo. Siyempre, gamit ko ang dalawa kong balls kaya nakakalakad ako. Busangot ang mukha ko. Inaasahan ko na naman ito—hindi talaga ako suportado ni bossing sa gusto ko. Kainis! Bad trip!
“Junjun, stop! Napakatigas talaga pala ng ulo mo!” sigaw sa akin ni bossing. Galit na siya talaga pero wala na akong pakialam.
Kanya-kanya na kami ngayon.
Nasa salas na kaming dalawa ni Bossing Aldrian nang biglang bumukas ang main door at agad na pumasok si Madam L. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at may mala-demonyong ngiti sa labi niya.
“Junjun!” buong ligaya niyang bigkas sa pangalan ko. Akala mo ay narating niya ang ikapitong langit sa pagsasalita niya.
“Madam L!” gulat na bulalas ni bossing.
“Sinasabi ko na nga ba at niloloko mo ako, Aldrian! Nagtagumpay ang kulam ko sa’yo. Bwahahaha!” sabay tingin niya sa akin. “Ang cute-cute mo pala, Junjun. Come to mamaaa!!!” Ipinagbukahan pa niya ng malaki ang kanyang bunganga na parang mabaho at nakakadiri.
Napaatras ako. “Ah, eh… Hindi ikaw ang mama ko,” sabi ko.
“Of course not. I am your mama, Junjun. Ako ang may gawa kaya ka nagkaroon ng buhay. Come here na. Doon ka na sa condo ko at may gagawin ako sa’yo!”
Natakot naman ako do’n sa may gagawin daw siya sa akin.
Ayokong iimagine.
“Umalis ka na, Madam L. Akin lang si Junjun. Sa akin siya!”
“No, Aldrian. Junjun is mine! Sa akin siya sasama! Ngayon, look at you, Aldrian. Isa ka na lang walang kwentang lalaki ngayon. Walang p*********i, walang kaligayahan,” sabay tawa ng tumataginting.
Naningkit ang mga mata ni bossing. Parang gusto na niyang sugurin si Madam L. “Napakasama mo pala, Madam L!”
“No, no, no. Hindi naman talaga ako masama, ikaw lang ang naging dahilan kung bakit ako naging masama, Aldrian. Pero, may good side din naman ako. Don’t worry, dahil may good side ako, sasabihin ko sa’yo kung paano babalik sa katawan mo si Junjun!” Isang nakakadiring kindat at kagat sa labi ang ginawa ni Madam L.
Natahimik si bossing.
“P-paano?” Maya maya ay sabi niya.
Wala pa kong linya kaya nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.
“Paano? Simple lang naman, Aldrian. Iyon ay kung may babaeng pumayag na makipagtalik sa’yo kahit wala kang Junjun at dapat ay mastisfy ang babaeng iyon. At higit sa lahat, dapat… MAHAL KA NG BABAENG IYON AT MAHAL MO RIN SIYA! Simple lang pero imposible! Bwahahaha!”
Naku, totoo.
Simple nga pero imposible.
Never ko pang nakita si Bossing Aldrian na ma-inlove, eh.
Problema nga ito. Tsk. Tsk!
Pero ayos nga iyon, eh. Ibig sabihin… forever na akong malaya! Yahooo!!!