Chapter 6

1649 Words
Kaagad tumayo sa kanyang kinauupuan si Aurora. She grabbed her things at tinalikuran ang lalaki. Subalit mabilis siyang pinigilan ni Benedict. Hinarangan agad ng malaking katawan nito ang dinaraanan niya. She turned left and right pero para lang silang naglalaro ng patintero. Benedict never let her passed. Inis na hinarap niya ito. “Ano ba?” aniya na gusot na gusot ang mukha. Wala siyang panahong makipagbiruan dito sa mga oras na iyon. “Ang sungit niyo naman, Señorita.” Nakalabing wika nito. Pero taliwas sa mga mata nito, nagniningning ang mga iyon at pakiramdam niya pinaglalaruan siya nitong talaga. “If you want to play a joke right now, I am not in the mood.” Supladang sabi niya rito. “Hindi naman kita hinanap para biruin. I was just wondering if you want this,” anito sabay abot sa kanya ng hawak nitong kakanin. Napataas ang kilay niya. “And why are you giving this to me?” “This is a good source of sugar. Kailangan n’yo iyon ngayon para mawala ang pangungunot ng noo ninyo.” Aba't! Sino ito para pagsalitaan siya ng ganoon? Pero hindi na nito hinintay pa ang kanyang sagot. Mabilis nitong kinuha ang kanang kamay niya at inilagay doon ang kakanin sabay talikod sa kanya. Hindi naman siya kaagad nakapag-react. Tulalang napatitig na lang siya sa kamay na may hawak na kakanin. Parang nararamdaman pa rin niya doon ang init na nagmumula sa palad ng lalaki kanina. Then she looked at his back while walking away from her. “What was he up to?” bubulong-bulong na tanong niya sa sarili habang nakakunot pa rin ang noo. At sino ba talaga ito? Dahil hindi nakaligtas sa pandinig niya kanina ang deretsong pagsasalita nito ng english. It’s very flawless. Parang hindi naman talaga nila ito tauhan sa hacienda. Bumalik siya sa bench at naupo doong muli. Binuksan niya ang plastic na may lamang kakanin. Puto at kutsinta ang laman niyon. Napangiti siya. Paborito niya kasi iyon. Muli niyang nilingon ang nilakaran ng lalaki kanina. Wala na ito doon. Somehow, nang dahil dito, nabawasan ang mga iniisip niya. Medyo humapa na rin ang nadaramang inis niya para sa ama. Nakangiting tiningnan niyang muli ang mga kakanin sa kamay at pagkatapos ay sinimulan na niyang kainin ang mga iyon. ** “Señorita kakain na ho,” tawag sa kanya ni Manang Andeng. Kakarating niya lang noon galing sa eskwelahan at hindi pa nakakapagbihis. Nakangiting nilingon niya ang mayordoma nila. “Sige ho, Manang. Susunod na ho ako,” aniya. Lalabas na sana si Manang Andeng ng may maalala siyang itanong dito. “Manang Andeng, kilala niyo ho ba si Benedict?” Mabilis namang tumango ang matanda at ngumiti. “Aba’y pamangkin ko ho ang batang iyon, Señorita. Nagtatrabaho ho siya sa may koprahan,” sagot nito. “Ah… ganoon ho ba?” “Oho. Bakit niyo ho naitanong?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Wala ho, Manang. Nakita ko lang ho siya noong isang araw sa university.” Lalong lumapad ang mga ngiti nito. “Ay s’ya nga ho? Sabagay sa iisang eskwelahan naman kayo pumapasok kaya hindi malabong magkita kayong dalawa.” Napakunot-noo siya. “Ibig n’yong sabihin nag-aaral din siya?” curious na tanong niyang muli sa matandang katiwala. “Oho, Señorita. Iskolar ho iyon ni Mayor.” May pagmamalaking wika nito. “Kung hindi niyo ho naitatanong ay matalino ang pamangkin kong iyon. Sabi ko nga huwag na siyang magtrabaho sa koprahan at maanong ako na lang ang magbigay ng mga kailangan niya sa eskwela. Pero mapilit ho, eh. Bukod ho doon may part-time din siya sa eskwelahan ninyo,” kwento nito. That answered her questions. Pero, tila yata mas lalo tumindi ang kyuryusidad niya dahil sa mga narinig. “Bakit ho? Nasaan ho ang mga magulang niya?” Nagkalambong ang mga mata ni Manang Andeng bago ito huminga ng malalim. “Naku, eh… Señorita, matagal na hong patay ang mga magulang ni Benedict. Dalawang taon pa lang ho siya ng maaksidente ang mga ito kaya ako na ang kumupkop sa kanya mula noon. Kapatid ko ho ang kanyang ina at wala naman ng ibang makakapag-asikaso sa kanya kundi ako,” salaysay nito. Mabilis namang nilapitan ni Aurora si Manang Andeng. “Naku, pasensya na po kayo sa mga tanong ko. Bigla tuloy kayong nalungkot,” hinging paumanhin niya dito. Umiling naman ang matanda. “Wala ho iyon, Señorita. Nagpapasalamat nga ho ako at naririyan si Benedict. May nakakasama pa ako kahit papaano. Alam niyo ho namang wala akong pamilya,” nakangiting sabi nito. “Ang swerte naman ho niya sa inyo,” komento niya. “Naku, hindi ho, Señorita! Mas swerte ho ako sa pamangkin kong iyon. Mabait na, maalaga, at mapagmahal pa. Pagkakaswerte nga ng magiging nobya noon ‘pag nagkataon.” Naintriga naman siya sa huling sinabi nito. “Wala pa ho bang girlfriend ang pamangkin ninyo?” “Aba’y ewan ko ba nga sa batang iyon. Bukod sa mga nabanggit kong katangian kanina ay gwapo din naman. Baka pihikan nga lang siguro pagdating sa babae,” anito at tinitigan siyang maigi. “Bakit n’yo nga ho pala itinatanong ang tungkol kay Benedict, Señorita?” naguguluhang tanong nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “Ahh… wala naman ho. Nakita ko ho kasi siya minsan sa may koprahan at nagpakilalang pamangkin nga ninyo. Nagtaka lang ho ako at nakita ko din siya sa school kaya nagtanong ako sa inyo,” palusot niya. “Ganoon ba, Señorita? Akala ko naman ay kung ano na. Baka kako may ginawang kalokohan sa inyo si Benedict, malilintikan ang batang iyon sa akin.” “Naku, hindi ho!” Aniya kasabay ng sunod-sunod na pag-iling. “Ayos lang ho kami. Natanong ko lang ho talaga,” dagdag paliwanag niya at sinabayan iyon ng alanganing ngiti. Tila naman nakahinga ng maluwag si Manang Andeng. “Mabuti naman ho kung ganoon. Sige ho, Señorita. Mauna na ho ako sa baba. Sumunod na ho kayo at baka mapagalitan pa kayo ni Don Federico,” paalam nito at tuluyan na siyang iniwan doon. ** “Au, did you know that guy?” tanong kay Aurora ng kaibigan niyang si Rachelle habang kumakain sila sa canteen. Nilingon niya ito. “Who?” “There...” sagot ng kanyang kaibigan sabay turo sa isang mesa na nasa sulok ng canteen. Sinundan naman niya ang itinuturo nito at nagulat pa siya ng makitang si Benedict ang tinutukoy nito. Kasalukuyan din itong nagbe-break ng mga sandaling iyon. Ngumiti ito sa kanya ng mapunang nakatingin siya dito. Isang nakamamatay na irap naman ang isinagot niya doon. “Sort of…” walang buhay na sagot niya at ipinagpatuloy na ang pagkain. “Sort of? What do you mean?” nakataas ang isang kilay na tanong muli ni Rachelle. Ibinaba niya ang hawak na plastic fork at tinitigan ang kaibigan. “He’s the nephew of Manang Andeng,” maikling sagot niya. “And?” Rachelle impatiently asked because of her answer. Nakukulangan pa ito sa impormasyong ibinigay niya. “And as you can see he’s studying here,” aniya sabay nakalolokong nginitian ito at muling hinarap ang pagkain ng spaghetti. Inirapan siya nito. “Ano ka ba naman Au? Wala na bang iba?” Naiinis na nilingon niya itong muli. “Eh, bakit ba ako ang tinatanong mo? Why not asking him?” aniya sabay nguso sa tinutukoy. Napapailing na tumayo na lang ito. At sa pagkagulat ni Aurora nilapitan nga nito si Benedict. Wala na siyang nagawa kundi panoorin na lang ang dalawa habang nag-uusap. She quietly observed them while talking. And she knew Rachelle, halata ang pakikipag-flirt nito sa lalaki na lalo niyang ikinainis. Aalis na sana siya doon ng makitang tumayo si Benedict at iniwan ang kanyang kaibigan. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ng canteen. Nang mawala na ang lalaki, mabilis niyang sinulyapan si Rachelle na pabalik na sa mesa nila. At hindi niya mapigilan ang sariling mangiti ng makitang hindi na maipinta ang pagmumukha nito. “What happened?” concerned na tanong niya rito at pilit itinatago ang ngiti sa mga labi. Nakasimangot na umupo si Rachelle. “What’s wrong with that guy?” inis na sabi nito. “I was just asking his name and his major tapos bigla na lang nag-excuse at may gagawin daw. Allergic ‘ata sa babae ang isang iyon!” palatak pa nito. Napailing siya. “Tsk… tsk… tsk… Mukhang hindi gumana sa kanya ang charm mo ah,” pang-aasar pa niya rito. Tiningnan siya ni Rachelle ng masama. “I’ll swear, babagsak din siya sa kamay ko.” Determinadong sabi nito. “How? As you can see, hindi ka nga niya pinansin. At t’saka bakit mo ba siya pinag-aaksayahan ng oras? Sawa ka na ba sa mga boys mo?” diniinan pa niya ang huling salita sabay taas ng kilay. Pinag-cross ni Rachelle ang mga braso nito sa dibdib at mataman siyang tinitigan. “And why do care?” gagad na tanong nito. Ginaya naman niya ang ginawa ng kaibigan. Pinag-cross din niya ang sariling mga braso sa dibdib. “It’s not that I care,” aniya dito. “Reputasyon mo lang naman ang iniisip ko. You will be the headline in the entire university if he dumped you… again…” makahulugang sabi niya sabay ngiti. Nanlaki naman ang mga mata nito. “That’s unfair! Ikaw lang naman ang nakita na iniwasan niya ako today,” depensa nito. “Ako lang ba?” tanong niya at iginala ang paningin sa paligid. Marami ring mga estudyante ng mga oras na iyon at karamihan sa kanila ay pasulyap-sulyap sa kanilang kinauupuan. “Are you serious?” palatak ng kaibigan niya sabay irap sa kanya. Tumahimik ito sandali at tila nag-isip. “Well, who cares? Mas nacha-challenge ako ngayon dahil sa sinabi,” anito kasabay ng isang pilyang ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD