Chapter 7

1606 Words
At tinutoo nga ni Rachelle ang sinabi nito. Mula noong hantaran itong iwasan ni Benedict sa canteen, araw-araw na itong nagpapapansin sa lalaki. At kadalasan, kasama pa siya nito. “Au!” ang tumitiling salubong sa kanya ng kaibigan pagpasok niya ng lecture hall. “Guess what… Guess what… dali!” Nagmamadaling sabi nito sabay yugyog sa kamay niya. Nilagpasan niya lang naman ito at naupo sa bakanteng silya then, she looked at her. “What is it this time?” walang kabuhay-buhay na tanong niya sabay halumbaba. Lumapad ang ngiti nito sa mga labi. “He already agreedddd! Ehhhhhh!” kilig na kilig na tili nito. Agaw-pansin na ito sa mga kaklase nilang naroroon. “Who agreed who?” aniyang hindi pa rin nagbabago ang mood. Tamlay-tamlayan pa rin siya habang nakikipag-usap dito. “My God Aurora! Si Benedict! Who else?” she said while emphasizing it on here hands. Tila naman nanlambot ang kamay niyang tinutuunan ng kanyang baba. Bumigay iyon at muntikan pa siyang masubsob sa lamesa. “How?” wala sa sariling tanong niya rito ng makabawi sa pagkabigla. Umirap sa kanya si Rachelle. “Ano ka ba naman Au? Para namang hindi mo ako kilala. I am very persistent, remember? At mukha namang umobra iyon sa kanya.” Tumango siya sabay hinga ng malalim at muling nangalumbaba. “Good for you,” mahinang sabi niya at tinitigan ang lamesang nasa harapan. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Rachelle habang tinititigan siya. “Aren’t you happy for me?” tanong nito sa kanya. “I am,” sagot niyang sa lamesa pa rin nakatingin. Biglang nagbago ang anyo ni Rachelle. Nag-aalalang tiningnan siya nito. “Did something happened? May nangyari ba sa inyo?” sunod-sunod na tanong nito. Hindi siya sumagot. Nanatiling tikom lang ang kanyang bibig. “Is it your father again?” tanong nitong muli. Umunat siya at sumandal sa kinauupuan. “As usual… wala namang bago eh,” sagot niya dito at tumingin sa kawalan. “He wanted me to go abroad at doon ko na lang daw ipagpatuloy ang aking pag-aaral, pero mariin akong tumanggi. Ilang buwan na lang ba bago tayo mag-graduation? Tapos bigla-bigla ipapadala niya ako sa Amerika.” Kwento niya rito. “He’s at it again… His making decisions without even consulting or telling me,” nagpupuyos ang kaloobang dagdag pa niya. Hinawakan ni Rachelle ang kamay niya at tinapik-tapik nito iyon. This is her way of consoling her. Malungkot naman siyang ngumiti dito. “It’s alright Rach… hindi naman na bago sa akin ito. In fact, hinahanap-hanap ko pa nga kapag hindi kami nagtatalo ni Papa sa loob ng isang linggo. Strange, pero ganoon na ang epekto sa ‘kin sa tuwing pakikialaman niya ang buhay ko,” wika niya na may halong sarkasmo. Ano pa nga ba namang aasahan niya sa kanilang ama? Mula ng magkaisip siya, palagi na lang itong kontra sa mga gusto nilang magkakapatid. Nasa kanilang papa lagi ang huling salita. At kahit na kailan, hindi sila nito hinahayaang mag-desisyon para sa kanilang mga sarili. Not even once. ** Pagkatapos ng klase ni Aurora nang araw na iyon, hindi muna siya umuwi. Tumambay muna siya sa bench sa gilid ng library. Sa tuwing may iniisip siya, dito siya dinadala ng kanyang mga paa. Siguro, dahil na rin sa tahimik ang paligid at walang gaanong napapadpad na estudyante sa lugar na iyon. She was nudging her feet on the ground ng biglang may umupo sa tabi niya. Napapitlag siya at kagya’t na nilingon kung sino iyon. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Benedict. “Kaylalim yata ng iniisip ninyo, Señorita, ah.” Anito. Iniiwas niya ang mga mata dito. “What are you doing here?” matamlay na tanong niya rito. “Wala naman hong nakalagay na pag-aari ninyo ang lugar na ito. Kaya pwedeng tumambay dito ang kahit na sino,” pilosopong sagot nito. Bumuntong-hininga siya. “Fine… Do whatever you want here. Aalis na lang ako,” aniya sabay tayo. Napakamot naman sa ulo nito ang binata. “Talaga bang ganyan kayo, Señorita?” Natigil si Aurora sa paglilipon ng kanyang mga gamit at salubong ang mga kilay na nilingon niya ang lalaki. “What do you mean?” “Palagi kayong umiiwas kapag may problema. Hindi naman siguro masama kung ilalabas n’yo ang sama ng loob ninyo sa ‘kin. O kahit sa punong acacia na ito,” anito sabay nguso sa puno. Napataas ang kilay niya at parang hindi makapaniwalang tinitigan ito. “And who told you that I was avoiding my own problems?” tanong niya rito sabay halukipkip. “And by the way, sino bang may sabi sa iyong may problema ako, ha?” pagtataray niya dito. “Señorita, kahit hindi n’yo naman sabihin kitang-kita naman sa mukha ninyo. Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa.” Bahaw siyang napatawa sa sinabi nito. “Mr. Madrigal... for your information, we are not friends. Kaya bakit naman ako magsasabi ng problema ko sa ‘yo kung mayroon man?” Tila naman nasaktan ito sa sinabi niya. Lumabi ito na parang isang bata na kanyang ikinatawa. Nagulat naman ito sa naging reaksyon niya at mataman siyang tinitigan. “Mas bagay sa inyo ang ganyan,” anito. “Ang alin?” naguguluhang tanong niya rito habang nakangiti pa rin. “’Yan… ‘yung nakangiti. Mas bagay sa inyo,” sagot nito sabay ngiti rin. Nawala ang mga ngiti niya at seryosong tiningnan ito. “Inaasar mo ba talaga ako?” tanong niyang nagsisimula na namang mainis dito. “Hindi,” ani Benedict kasabay ng pag-iling. “Pero pwede bang maupo muna kayo? Kanina pa kasi nangangalay ang batok ko kakatingala sa inyo,” maktol nito sabay hagod ng sariling batok. Doon na natawa ng tuluyan si Aurora. She didn’t know na sa mga simpleng hirit ng lalaking ito ay gagaan bigla ang kanyang pakiramdam. On the other hand, Benedict just starred at her mesmerized. Sa tagal ng inilagi niya sa mundo, ngayon lang siya nakakita ng isang nilalang na hindi lang maganda, kundi sobrang ganda lalo na kung tumatawa. Para itong ray of sunshine na nagniningning kapag nakangiti. Maya-maya’y napansin niyang tumigil sa pagtawa si Aurora at naupo sa tabi niya, then sighed. She looked at the acacia tree in front of them habang bahagya pa ring nakangiti. “Alright, Mr. Madrigal… You win.” Anitong iiling-iling. Napangiti naman siyang muli. “Hindi ho ba kayo nagugutom?” tanong niya dito. Lumingon ito sa kanya. “Don’t tell me may puto at kutsinta kang dala?” tanong nito. Siya naman ang umiling sabay dukot sa loob ng bag. “Paano n’yo ho nalaman? Naamoy n'yo ba?” aniya sabay abot ng isang plastic dito. Muling lumapad ang pagkakangiti ng dalaga sabay kibit-balikat. “Maybe…” sagot nito at kinuha ang plastic na iniaabot niya. Mabilis nitong binuksan iyon at kumuha ng isang pirasong puto. She immediately put it on her mouth and deliciously ate it. Mataman niya lang itong pinagmasdan habang sarap na sarap sa kinakain. At ang isang piraso ay nasundan pa ng isa, at isa pa. Hanggang sa mapangalahati na nito ang laman ng plastic. Nang mapansin nito ang ginagawa niyang pagtitig dito ay nabitin sa ere ang akmang pagsubo nitong muli. “You want some?” she asked. Sunod-sunod naman siyang tumango. Iniabot ng dalaga sa kanya ang plastic. Ngunit, sa halip na kumuha doon ay ang nasa daliri nito ang mabilis niyang kinain. Nanlalaki ang mga mata ni Aurora na napatitig sa kanya. Hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa. Ngingisi-ngisi naman siya habang ngumunguya. “Masarap palang talaga,” sabi pa niya habang ginagaya ito sa pagkain nito kanina. Mabilis ang naging reaksyon ng dalaga. Hinampas siya nito sa braso. “Aray naman, Señorita... Para saan naman ‘yon,” reklamo niya rito habang hinihimas ang nasaktang braso. Hindi ito umimik. Tahimik lang itong muling dumukot ng kutsinta sa plastic. Napataas ang kanyang mga kilay. “Ayan na naman siya…” panunudyo niya dito. “Ay ewan ko ba sa ‘yo, Mr. Madrigal!” may kataasan ang tinig na wika nito kasabay ng pag-ingos dito. “What? Wala naman akong ginagawang masama, ah.” Depensa niya sa sarili. Umirap ito. “The nerve!” gigil na wika nito. Iiling-iling naman siyang tumingin dito, pagkatapos ay sa kawalan. Siya man ay hindi rin maintindihan ang sariling ikinikilos. Parang may kakaiba sa kanya na hindi niya maipaliwanag sa t’wing kaharap ito. He changed when she’s around. At kung bakit? Hindi niya rin alam. ** Pag-uwi sa casa dumeretso kaagad si Aurora sa kanyang silid. She still doesn’t want to see her father. Baka mag-clash na naman sila kapag nakita niya ito. Pabagsak siyang humiga sa kama at tumitig sa kulay puting kisame. Para namang nakikini-kinita niya doon ang mukha ni Benedict. Kung paano siya nito asarin, kung paano ito ngumiti at kung paano ito magmaktol na parang isang bata. Lahat ng iyon paulit-ulit na nagpa-flash sa isip niya. At ang matindi pa na nagpapakaba sa dibdib niya ay ang ginawa nitong pag-agaw ng pagkain sa kamay niya kanina. Tila nararamdaman pa rin niya ang mainit nitong mga labi doon. Tulalang itinaas niya ang kamay. Para siyang sira na tinitigan iyon. Ano ba kasing pumasok sa isip ng lalaking iyon at bigla na lang umakto ng ganoon? Tanong niya sa sarili. As much as possible ayaw niyang bigyan ng kulay ang mga ginagawa nito, pati na ang pansinin ito. She doesn’t want to entertain the slowly growing feelings she has for him. Mahirap na… Kaya habang maaga pa, mas mainam na iwasan niya na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD