Chapter 6: Changes?

1040 Words
Hannah's POV Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya kaya ang tahimik ng atmosphere ng biglang... "Wahahahahaha! Anubey kayo! Joke joke joke! If I'm gonna get my oh so gorgeous and delicious lips kissed, sa isang hot fafa lang rin and not with a girl! Babushh!" then tumakbo siya papunta sa kwarto niya. "Anak ng--- walangyang bakla! Naisahan lang tayo." Venus "Ako nalang gawan mo ng lap dance Hannah.” nakangiting sabi ni Jason. Kung sino siya? Isa sa mga nanligaw sakin pero binasted ko. He's also one of our classmates. "No thanks." maarteng sagot ko sa kanya. Pinagpatuloy namin ang laro at ng malasing na yung iba at mapagod na, tumigil na kami at nagsipuntahan na sa mga kwarto namin. Christiana's POV Grabe yung dare na yun, buti nakatakas aketch. Whew. Alam kong malalasing yung dalawang papables kong roommates kaya naman, susuotin ko ang red lingerie ko. Hehehe. Sisindakin ko sila sa aking hot body. Tanging lampshade lang ang naka-on. Bumukas na yung pinto ar pumasok si Papa Jason at Papa Ricky. "Grabe tol, nakakapagod rin tong gabing to noh?" Papa J "Oo nga eh." Tapos sabay pang naghubad ng t-shirt. Oh-la-lam! Lumapit ako ng dahan-dahan papaunta sa likod nila. "Hello boooyss!" Napalingon sila sakin with gulat expressions. Nag sexy pose pa ako with matching beautiful eyes. Bigla ring binuksan ni Papa Ricky yung ilaw. "Anong suot yan bakla?!" gulat si Papa J sa ganda ko. "Lingerie! Do you like it Papa J?" then mas lumapit pa ako sa kanya while paatras naman siya. "Wag ng mahiya Papa!" "Lumayo ka ngang bakla ka!" sigaw niya ulit. "Hahahaha!" tawa naman ni Papa Ricky. Sunod naman siya kay Papa J. "Hoy Rick! Tulungan moko dito! At ikaw bakla, lumayo ka kundi susuntukin kita!" banta sakin ni Papa J. "No pwede------" BOOGSH KNOCKOUT. Hannah's POV Matutulog na sana kami ng may kumatok ng malakas sa pintuan. "Andyan na." sabi ko habang tumatayo na para pagbuksan kung sino man ang nandun. Pagbukas ko... "Oh, anong nangyari diyan?" tanong ni Jillian "Pasok muna kayo." Frannie Kasi dala-dala nina Jason at Ricky ang walang malay na si Christiana. Pinahiga nila ito sa sofa. "Ano bang nangyari dito?" tanong ko sa dalawa. "Nasuntok ko eh." Nakakamot si Jason sa ulo niya. "Ha? Bakit?" Venus "Kasi re-r**e-in------Aray tol! Ba’t ka nambabatok eh totoo naman!" Ricky "Eh kasi itong baklang ‘to, bigla biglang sumulpot sa likuran namin habang nagbibihis kami tapos nakakadiri pa ang suot. Lapit ng lapit eh kaya ayun, nasuntok ko." "HAHAHAHAHAHA!" we burst out laughing. Kahit kelan talaga ang baklang ‘to hindi maaawat. The next day… Third Person's POV Unang nagising sina Jillian,Venus at Frannie. Iniwan ng mga ‘to sina Hannah at Christiana sa kwarto tapos tinabi pa nila ang dalawa sa iisang kama. Nagising si Christiana. Dahan-dahan nitong minulat at kinusot ang mga mata. 'Who's this person beside me? And asan ako?' isip-isp ni Christiana. Lumaki ang mga mata niya ng humarap sa kanya ang katabi niyang si Hannah at niyakap siya bigla. Christiana's POV Hala ka! What is this girl doing ba? Kakalas na sana ako sa yakap niya ng.. "Love you..." sabay ngiti pa neto. Ay nananaginip ang lola niyo. May dimples pala siya? Mahaba ang mga pilikmata? Matangos na ilong? Mapulang labi? Yeah. Maganda ang bruha PERO, NGUNIT,SUBALIT,DATAPWAT mas maganda pa ako. Hannah's POV Ang ganda naman ng unan na to... "HOOOYYYYYY TEEEEE!" sigaw ng tao sa tabi ko kaya napabalikwas ako. "Ay sunog! Saan?!" sigaw ko at napaupo. “Ahahahaaha!" Langya ‘tong baklang ‘to talaga. "Anong problema mong baklang ka?!" "Waley naman! Hahahaha!" Napatitig ako sa mukha niya kasi..... "Ewwww! May malaking black-eye ka! Wahahahahaa!" at ako na naman ngayon. "Whaat?” Tumayo siya at tumakbo sa banyo. "KYAAAAAAHHHH! Oh myyy ggooosshhh!" sigaw niya galing sa banyo. Lumabas siya na nakabusangot ang mukha at umupo sa kama ko. "Diyan ka lang." sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tumunganga lang dun. Depress eh. Kumuha ako ng ice at maliit na towel tapos dinala sa kwarto ko. Binalot ko sa towel yung ice at umupo sa gilid niya. "Harap dito." utos ko at humarap naman siya. Nilagay ko yung ice sa gilid ng mata niya. "Ayan kasi, ang harot mo kagabi!" "Wag na ngang manermon sister! Masakit na nga eh! Nasira pa ang feslaks ko. Huhuhu." "Tsk.tsk." Third Person's POV Naghanda na sila para maglaro ng beach volleyball. Kumatok sina Jillian, Venus at Hannah sa kwarto nila dahil nakalock ito dahil ayaw lumabas ni Christiana. Binuksan naman ni Christiana at nag talukbong ulit ng kumot sa kama. "Oy, para kang nabagsakan ng langit at lupa ah." Jillian "Paano kasi, na black-eye." Hannah "Asus. Tayo ka na nga diyan bakla. Sali ka samin. Dali! Oh, eto. Swimsuit!" sabay abot ni Venus ng two-piece na swimsuit kay Christiana tapos lumabas na sila. Hannah's POV Hindi muna kami nagsimula kasi wala pa si bakla. Naghanda muna kami ng mga pagkain namin dito sa cottage. "Kahit kelan talaga yung baklang yun, palaging late!" Ria "Nandito na akoowww!" napalingon naman kami sa paparating dahil kaboses yun ni bakla. Pero hindi naka swimsuit eh. Naka black beach shorts na hanggang tuhod. Naka black slippers tsaka naka shades at topless tapos may pagka messy ang buhok. Kaya siguradong hindi si----- "It’s Christiana mga Sis! Ano ba naman kayo!" sabi nito. Really? Nagmukha ata siyang lalaki ngayon maliban sa boses? "Ba't ganyan ang suot mo?" tanong ko. "Why?" Siniko naman ako ni Venus at binulungan ng.. "Wag mo ng tanungin, baka unti-unti ng magiging straight yan." Tumango nalang rin ako. The next day again… Hannah's POV Natapos na rin ang outing namin kaya balik na naman sa school. Eto kami ngayon at nagchichikahan pa kasi wala pa si ma'am. "Hi girls! Good morning!" Lumingon ako. "Morning Chris..tia.na.." tulala mode na naman ako. Ay mali. Kami pala. "Oh? What's wrong with your faces???" tanong niya. Paano kasi, wala na siyang make-up o kaya headband or clip tapos yung bag hindi na pambabae pati yung sapatos. Kung di lang magsalita ‘to, I'm sure maraming magkakagusto dito. "Anong nakain mo bakla?" Jane "Pagkain sa bahay." Eto na ba talaga ang simula ng pagiging lalaki niya? Is this really it??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD