Chapter 7: Valentines Day & Step 3

1178 Words
Hannah's POV 2 weeks na ang nakalipas simula nung outing namin. Naging close friends na talaga namin itong si Christiana. Ang sabi niya naman kung bakit nag-iba na yung style niya sa pananamit ay dahil raw sa tatay niya na umuwi galing America. Baka ibitin raw siya ng patiwarik at itapon sa ilog. And today? Is Valentines Day. Kaya pagpasok ko sa school, nakatanggap na ako ng flowers, chocolates tsaka letters. The usual lang naman. Sa ganda kong ‘to aba. Papunta na ako ngayon sa locker at nilagay ko yung ilang binigay sakin. Nagkakalikot ako sa bag ng may tumabi sakin. "Oh Jason." "Hi Hannah. Uhh.. ano.Eto oh. Happy Valentines Day!" "Thank you----" aabutin ko na sana ng may biglang humigit sa braso ko. "Tara na sa classroom sis!" si Christiana pala. "Yung chocolate ko----" "Dali na! malelate tayo eh!" Nagpahigit na ako. Sasabihan ko na lang si Jason mamaya. Eto kasing baklang ‘to eh. Excited ata mag-aral. Ng nasa classroom na kami, nagsimula ng mag discuss si ma'am hanggang umabot sa ganito... "Okay since Valentines Day ngayon, I'll give each of you a small piece of paper that you will write on for your special someone pero dapat dito lang sa classroom. Okay lang kahit hindi crush or something, basta pwede ng special friend or kung ano pa.After writing, when I call your name, you should stand-up para ibigay ito. Dapat girl to boy or girl to boy. Okay? So eto na ang papers." Christiana's POV Kelangan pa ba talaga itey? Haayyyy. Sino namang bibigyan ko?? What will I write din?? Haayyy uleett. Nagsulat ako na may kasamang drawing at doodle at.. tapos na rin! Bahala na. "Mr. Montez. It’s your turn." to shine. Tumayo na ako. Why am I kinakabahan?? Tsk. tsk. Nasa may unahan nakaupo si Hannah-lalu kaya lumapit ako dun and inabot yung letter... "For you te.. waley akong ibang choice eh." "Ayyyyiiiieeeeeeeeeeee!!!!!!" "Pwede! Pwedeeee!!!" Ano ba ‘tong mga classmates namin! Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kahit hindi dapat! "Uy wag kayo! We're just friends! Wag malisyoso! Nakakaderder!" "Hahahah. Thanks Christiana!" sambit ni Hannahlalu. Ngumiti lang ako at bumalik na sa upuan. Lunch time… Third Person's POV Naglalakad ang sorority kasama si Christiana papuntang canteen. "Uy sisters, sinong ka date niyo?" tanong ni Ria. Sumagot naman yung iba sa mga kadate nila. "Ako wala pa." Hannah. Marami namang nagtanong sa kanya pero tinanggihan niya ito lahat dahil hindi raw pwede sabi ng mga members ng sorority dahil na rin sa misyon. Napatigil naman sila sa paglalakad at napatingin kay Hannah maliban kay Christiana. "What?" nagtatakang tanong ni Hannah sa mga ito. "Sis, today, you need to do Step 3." Venus Hannah's POV Step 3. Owwwww. Tapos na kasi ako sa Step 1 which is to be his friend tsaka sa Step 2 na go to the mall with Him and ang Step 3? Steal his first kiss. Alam naming birhen pa lips niya kasi nang intriga kami. "Challenge accepted." Tumabi naman ako kay Christiana. "Hey bakla, may date ka mamaya?" tanong ko ng pasimple. "Waley eh. Ayaw ng mga papables. May mga date na sila." "Ako rin wala eh, tayo nalang mag dinner date?" "Iww-----" "Hep hep! Wag malisyoso at wag ng aangal! Susuntukin kita." Hehehe. Bahala na basta mapapayag ko. Parang ako lang ang nanliligaw ano? Nakaka reduce ng poise! "Fine-----" "Uy sis! Narinig namin yung pinag-usapan niyo kaya kami ng bahala diyan." biglang akbay ni Jillian sakin. Narinig raw o sadyang nakinig lang talaga silang lahat. "Teka saan------" "Basta ipapasundo namin kayo mamaya.” Anna "Anong susuot-------" "Magpapadala ako ng isusuot niyo." Frannie "Anong ora----------" "Mamaya ha! Pagkatapos ng klase!" Winona "STOOOOOOPPPP!!!!" Napatigil naman kami at napatingin kay Christiana, finally. "Anubey! Hindi niyo ako pinapatapos eh! Mga bastusing bata! Kanina pa ako eh!" "HAHAHAHAHAHAA!" tawa namin. Sinadya naman kasi talaga para di na makaepal. Third Person's POV Umuwi muna sina Hannah at Christiana sa mga bahay nila. Ang sorority members naman ay naghahanda ng dinner date sa parang forest na design na park which is private property ng mga magulang ni Jillian Perez. "Okay na ‘to! tText na natin sila na paparating na ang driver!" Jane Pinasundo na nga ng sorority sina Hannah at Christiana. "Hey son, saan ang lakad mo?" masayang tanong ng daddy ni Chrisitana. Ayaw nito na bakla ang anak kaya kung kaharap ni Christiana ang ama, hindi siya nag-aaktong bakla. "May date ako Dad." sagot ni Christiana sa ama sa lalaking boses. "That's my boy. Sige, goodluck sa date mo." sabay tapik sa balikat ng anak. Lumabas na si Christiana at pumasok na sa sasakyan. "Ano ba ‘tong suot ko. So not my type! Why naman kasi pumayag pa aketch?!" reklamo niya sa sarili. "Sir, okay lang po kayo?" tanong ng driver. "Okay lang ako and correction, you can call me ma'am not sir!" "O..okay po..ma'am." sagot nung driver. Date place… Third Person's POV Unang dumating si Christiana at sinadya talaga ito ng sorority. May mga nakatagong CCTV sa paligid na nilagay rin ng sorority dahil umalis na sila. "Sir, follow me po." sabi nung waitress kay Christiana. Sumunod lang rin ito. Maya-maya ay dumating na rin si Hannah. PInasunod rin siya ng waitress. Sa paglalakad niya patungo sa kinaroroonan ni Christiana, nagtama ang mga mata nila at nagngitian sa isa't isa. Umupo sila sa gitna kung saan naroroon ang table for two. "Gwapo mo ngayon ah, " complement ni Hannah. "Ganda mo rin eh.." nagulat si Hannah sa sinabi nito at nahalata naman ni Christiana kaya dinagdagan niya ang sinabi at hinampas ng pabiro si Hannah sa braso. "Maganda ka nga pero mas maganda parin ako sayo noh!" "Ahh.. yun pala. Asus! Kain na nga tayo." Kumain na sila at nagkuwentuhan ng kung ano-ano. Pagkatapos nilang kumain, may slow music na biglang tumugtog. Hannah's POV Geez. Bahala na nga kahit gawain ‘to ng lalaki. Keri ko this. Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanya. "I know I'll sound weird pero date eto eh kaya I-enjoy nalang. Shall we dance?" sabi ko. "Hahaha! Gaga ka talaga! Bahala na nga!" sagot ni Christiana at inabot ang kamay ko para tumayo din. "Kung lalaki ka sana, kikiligin na ako." nasabi ko at napatawa ng konti habang sumasayaw kami. "Kaso hindi eh." "Asowwzz sister. Girlalu na talaga aketch eh pero kung lalaki ka rin, kinilig na ako ng bonggang bongga!" Tumawa nalang kami pareho habang sumasayaw. Makalipas ng mahigit dalawang oras siguro, time na rin para umuwi. Nandito na nga ang driver ko. "Sige sis. Ba-bye na. Paparating na yung sundo ko. Kahit pareho tayong girlalus, nag-enjoy rin naman ako kasi masarap ang ulam." "Hahaha. Loka loka ka talaga. Sige bye!" Papasok na sana ako pero naalala ko yung Step 3. Lumabas ulit ako ng kotse. "Christiana, teka!" tawag ko. "Bak-----" And I kissed his right cheek. "Ingat! Good night!" Pumasok na ako sa kotse leaving him there while natulala sa ginawa ko. Wala naman kasing sinabi na lips dapat kaya tagumpay pa rin ako. Step 3, check!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD