Chapter 19: The Longing

1117 Words
HINDI INALIS NI Augustus ang tingin sa isa sa mga boss ng Caporegime. Hindi niya na palalagpasin ang pagkakataon na natatanaw niya ngayon. Kaya naman habang humaharap ito ay hindi niya inaalis ang tingin dito. Ganoon na lamang ang pagngisi niya nang makitang hindi siya nagkamali ng hinala. “Augustus Ragucci…” wika nito habang seryosong nakatingin sa kanya. “What a pleasant way to meet each other.” “Cain Versaille, you really like to hide in the dark right?” papalapit na wika ni Augustus habang unti-unting tinatanggal ang tali na nasa kanyang magkabilaang kamao. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakipag-usap siya sa isang mataas na ranggo nang walang pangyapak, hubad ang kalahati ng katawan at naka-short lamang. Ngunit nang mga sandaling iyon ay wala siyang pakialam. Ang nasa utak niya lamang ay ipangalandakan dito ang banta na meron siya sa posisyon nito na maaring niyang agawin. “You killed half of my people, Mr. Ragucci,” nakakalokong ngisi nito sa kanya. “Your men is the who started it,” sagot niya kaagad dito. “If the news flies in your camp, you know how I took some actions, how I manage my people. I don’t play when it’s not necessary…” Bahagya itong natawa at pumalakpak. “Your interesting, Mr. Ragucci. Now, I've started to understand why dad is interested in you.” “How about you, Mr. Versaille, did my present break your curiosity?” Isang ngisi lamang ang pinakawalan ni Cain bago ito magpatuloy sa paglalakad. Nang mga sandaling iyon ay hindi mawala ang pagkakatingin ni Augustus sa papaalis na sasakyan nito. Ang pagkakakuyom ng kamao niya ay mahigpit. “You never been wrong,” wika ni Evans na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan nila ngunit hindi lumalabas sa dilim. “Do you have the key?” tanong niya rito matapos basagin ang matagal na pagkakatingin sa kotse. Walang tanong-tanong na ibinigay nito ang susi ng kotse nito. “We need to clean up,” pagbibigay alam nito na para bang ang lilinisin lang ay mga kalat at hindi mga katawan sa nangyaring engkwentro. “Be vigilant, we don’t know what might happened next even if the war is over,” paalala niya rito bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa kotse nito. Kailangan niyang magpunta sa hideout nila ngayon pagkatapos ng mga nangyari. May trabaho siya na pinagawa kay Hunter na lingid sa kaalaman ng iba nilang mga kasama. Nang maisuot ang isang pares ng pulo shirt, mabilis ang naging pagmamaneho ng binata kahit nakayapak lamang. Saka niya lamang din napunasan ang tumatagaktak na pawis nang nasa sasakyan na. Hindi rin nagtagal ay nakarating kaagad siya sa kanilang hideout. Kakaunti na lamang ang naroon at pareho-parehong abala. “Lieutenant!” “Boss!” “Captain!” Sunod-sunod na bati ng mga ito na tanging pagtango lamang ang naging sagot niya. Nagmamadali na nagtungo siya kaagad kung nasaan si Hunter. “Have you checked the lab result?” tanong ni Augustus matapos uminom ng isang basong tubig. “Yes, boss. It’s ninety-nine percent, not ninety-nine point nine which still has no difference if you will ask me,” sagot nito habang ipinapakita sa kanya ang mga data na nakalap. “People who consume the Elixir X will surely forgot what happened—” “Then what is the remaining percentage?” “He or she might not be a human?” sagot kaagad nito sa kanya nang pabiro. “I can’t think of any possible reason aside from that.” Tahimik lamang na inobserbahan ng binata ang mga data na nakalap. Wala talaga siyang butas na nakita roon. “May isa pa—” “What is it?” “Paano kung hindi naturok ang droga na iyon?” Hindi kumibo si Augustus. Imposible iyong mangyari dahil nakita niya mismo ang pagturok sa dalaga dahil siya ang huli nitong kasama. “Do you have more questions, Boss?” Bahagya lang naging pag-iling ni Augustus bago nagdire-diretso patungo sa kanyang sikretong kwarto. Dahil sa mga naging sagot nito ay lalong lumalakaki ang interes ni Augustus sa dalaga… IBINAGSAK NI SALEEN ang katawan sa puti at malambot niyang sofa nang makapasok sa loob ng bahay. Kauuwi niya lang galing kumbento. Sinigurado niya muna na nasa maayos ng kalagayan si Mikmik bago umalis ng lugar. Hinatid lamang siya ni Yvonne sa kanyang bahay at umalis na rin kaagad ang kaibigan niya dahil may appointment ito na kailangang puntahan. “Sachi, come!” tawag niya sa kanyang aso upang umakyat ito ng sofa. Dalawang beses niya lamang na iminustura ang sofa ay umakyat na kaagad ito roon. Niyakap niya ito matapos na buksan ang telebisyon. “Gusto ba ni Sachi ng chimmken?” tanong niya sa alaga. “That’s all we have in the ref. Mommy will just order her food because I’m tired…” “Bukas sa daycare ulit si Sachi ha? Busy na naman si Mommy. Kailangang mag-work para may pambiling chimmken—” natawa si Saleen nang tumahol ito nang malakas. Alam na alam talaga nito ang salitang work. Pakanta-kanta pa siya habang naglilipat ng channel sa telebisyon nang mapahinto siya sa channel dahil kumuha iyon ng atensyon niya. Tama ba ang nakikita ng kanyang mga mata? Buntot nga ng sirena ang nakuhanan sa isang video na kuha ng isang vlogger! Kaparehas na kaparehas iyon ng itsura ng kanyang buntot at dito lamang namataan malapit sa kanilang lugar. Nang mga sandaling iyon, ramdam ni Saleen ang pagkabog ng kanyang puso. Sa unang pagkakataon nanginig at namawis ang kanyang mga kamay habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng kanyang luha. Ang akala niya’y tanggap na niyang siya na lamang mag-isa. Na hindi niya na kailangang malaman ang pinagmulan niya ngunit napagtanto niyang nagkamali siya. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya buo. Kahit na pagod at galing mula sa mahabang biyahe, natagpuan na lamang ni Saleen ang sarili na tumatakbo patungo sa pinto ng kanyang bahay kasama si Sachi. Hindi niya na rin natignan kung tamang pangyapak ba ang nakuha niya sa lalagyan ng mga sapatos dahil sa pagmamadali. Basta niya na lamang din na isinarado ang kanyang bahay habang nagtatakbo patungo sa dagat. Nang makarating sa pinaglalagakanan ng bangka, basta niya na lamang iyong kinuha nang hindi nagpapaalam sa caretaker niya. Ilang ulit niyang hinila ang tali ng makina matapos na maisagwan ang bangka sa malalim na parte. Mabilis ang pagpapatakbo niya patungo sa lugar na nakuhanan ng video. Nang mga sandaling iyon, patuloy ang pagtulo ng luha ng dalaga habang yakap-yakap si Sachi. “Do you think I still have a family, Sachi? Hinanap kaya nila ako?” bawat pagbitaw niya ng tanong nang mga sandaling iyon ay puno ng pangungulila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD