Chairman Rod POV Pumarada isang black Nissan SaFari, sa tapat ng bahay ng mga Castelo, may bumabang isang lalaki, mababakas sa aura nito ang pagiging aristokratiko, na hinubog ng panahon, sa pagkakataong ito sabik siyang makita ang nagiisang babaeng kanyang minahal, dahil sa trahedyang naganap sa nakaraan ay buong akala niyang patay na ito, kasama ang 4 na taong gulang na anak sa loob ng mahabang panahon, ngunit panahon na rin ang nagtama ng maling paniniwalang ito buhat ng matagpuan niya ang kanyang anak dahil sa isang malagim na aksidente. Buong akala niya nagiisa na lang siya na haharap sa kanyang pagtanda ay nagkaroon ng pag asa simula ng magkatagpo sila ng kanyang anak, bagamat may suliranin pa dahil sa kasalukuyang karamdaman, ay kapiling na nito asawa at anak, marahil dininig ng Di

