Anna's POV Sa harap ng altar, lumuhod si Marga at nanalangin, nagpuri at lumuluhang nagpasalamat sa Diyos, dahil sa pagdating ng kanyang asawa bagamat hindi pa ito lubusang magaling dahil sa amnesia, pero naniniwala siya that God will make a way, after niyang manalangin ay muli siyang umupo sa tabi ng mag ama, nasa pagitan nila si Macky ginaya din siya ng anak, lumuhod at nagpray. Nang makalabas na sila ng simbahan, instead pumunta sa Mall dahil mahaba pa ang oras ay nagtuloy sila sa Arte in Island sa Taguig, dahil ito ang alam niyang lugar na maapreciate ni Macky, inilibot nila si Macky at nag groupie picture taking sila, ng mapagod sa ginawang paglibot sa buong gallery ay pansamantala silang nagpahinga bago maglunch sa isang kilalang restaurant, "Mahal pupunta pa ba tayo ng Mall?" Tano

