Chapter 9
"In short you are falling for Gray Salazar."Jane burst out in laughing. Pagkatapos kong ikuwento ang nangyare noong pumunta si Lau sa mansion.
"Hey I'm not!"giit ko.
"Then why are you sounding a jealous wife?"nakangising tanong niya sa screen. Nakagroup video call kaming tatlo. At kanina ko lamang ginawa ang group chat namin because I don't want the boys to know this. Hindi pa naman ako sigurado at tiyak pag nalaman ito ng mga lalaki ay walang ibang gagawin ang mga iyon kundi ang kantyawam ako. I still remember kung gaano ko pagtulakan si Gray noong senior high hanggang college kami. At kung paano ako mairita tuwing nakikita at ginugulo ako ni Gray noon.
"I'm not!"depensa ko.
"And, Jane, don't forget that Gray choses Sam over his childhood friend. Hindi kaya hanggang ngayon gusto ka pa din ni Gray?"kinikilig na tanong ni Alona saakin.
Napasinghap naman ako at sunod-sunod na umiling sakanya."Stop! I'm talking about Lau here. Not Gray and I relationship."
"I'm sorry. I just can't help it. Baka naman hindi lang talaga fixed marriage ang relasyon niyo, Sam, para kay Gray?"nangingiti na sabi ni Alona.
"Well I like Gray for you, Sam."Jane grinned.
"Gray is here!"natatarantang deklara ko ng makarinig ng yabag. Nasa kwarto ako at ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng silid.
Bumungad doon si Gray. Nakasimpleng white polo lang ito at bukas ang dalawang butones n'on.
I immediately ended the video call with the girls.
"Gray!"I smiled at him warmly. At niyakap.
"Kumain kana?"I asked him.
Gray sighed tiredly."Is there something wrong, Gray?"tanong niya saakin.
Kumunot naman ang noo ko. At bahagyang lumayo sakanya para matitigan ang kabuuan niya.
"Did you do something to Lau when she visited here?"muling tanong niya, hindi pinansin ang nauna kong tanong.
Nagtataka ko naman siyang tinignan bago umiling."No. Why?"tanong ko.
"I called her last night. And she went to my office today. She said you said hurtful words to her and you slapped her? Her cheek is swollen."walang emosyong pagkukuwento niya saakin.
Napanganga naman ako at hindi makapaniwala sa narinig.
Gumawa ng kuwento si Lau? That b***h!
"W-what? I didn't do that, Gray."iling ko.
Gray sighed in disappointment."I know Lau sometimes could be mean but...you don't have to hurt her, Sam."
"What!?"hindi ko na napigilan pagtaasan siya ng boses."I said I didn't slap her! At hindi ko siya pinagsalitaan ng masakit na salita. Why would I do that to her? May rason ba para gawin ko iyon sakanya?"hamon ko sakanya.
"Then why are you competing with her, Sam?"
Natigilan ako sa tanong niya. He knows?
"W-What?"I was taken aback.
"Yesterday. You made me chose over you and Lau."he told.
"Hindi ko siya sinaktan at wala akong masamang sinabi sakanya. We're done talking."malamig na sabi ko sakanya.
Gusto ba niya ang babae? Childhood friend lang ba talaga sila o ex niya ang babae? Or worst his real girlfriend? May kung anong pakiramdam ang nabuhay sa loob ko. I hate this feeling! I'm hurt! Mas pinapaniwalaan ba ni Gray ang babae na iyon kaysa saakin? How dare he!
"Sam..."
"Stop,"I ordered coldly. I raised my hand as if stopping him from getting near me. Ilang sandali pa kaming nagtitigan hanggang sa tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table.
Parehas kaming napalingon doon ni Gray. I saw Alona's name registered on the screen.
I went and reach for my phone."Alona, what's wrong?"bungad ko sa kabilang linya.
"Sam, Niall is in the hospital. He got into a car accident."natatarantang imporma saakin ni Alona.
"What!? Saang hospital dinal si Niall?"
Hindi ko na nilingon pa si Gray at dali-daling umalis.
Kinabahan at nag-aalala ako habang nasa biyahe papuntang hospital.
Sana walang masamang nangyare sa lalaki. Niall is important to me.
Nahanap ko ang mga kaibigan ko sa Emergency room. Waiting for Niall's doctor.
"Where is Niall? What happened to him?"sunod-sunod kong tanong.
"He's on his way to airport nang maaksidente siya."pagkukuwento ni Chris.
Today is the charity ball of Lau's foundation pero hindi ako sigurado kung makakadalo pa ako doon. Nadischarged na din si Niall kahapon at nasa condo na siya. Nakacast ang kaliwang paa niya and he can't move much kaya madalas akong naglalagi doon para alagaan siya. Palitan din kami nila Chris sa pagbabantay kay Niall pero madalas ay ako ang andoon dahil matigas ang ulo ni Niall at hindi nakikinig kila Chris at pinipilit pa din niya na kumilos kahit inadvise ng doctor na huwag munang magkikilos-kilos. Niall will only listen to me. He's such a headache!
Tatlong araw na din simula noong huli naming pag-uusap ni Gray. At simula noon ay hindi pa ulit kami nagkakausap. Madalas kasi ay tulog na si Gray tuwing uuwi ako ng mansion at sa umaga naman ay hindi ko na naabutan si Gray dahil maaga itong umaalis. At dahil sa pagod at puyat ay late na akong nagigising.
Tatlong araw na ding wala ang mag-asawang Salazar. Tinanong ko ang mga kasambahay kung saan nagpunta ang mag-asawa pero hindi naman ng mga ito alam kung saan. Hindi ko naman matanong si Gray dahil hindi naman kami nagkakausap at nagpapang-abot.
Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Gray ay naabutan ko siya na bihis na bihis at ready na para sa charity ball. Saktong pagbukas ko ng pinto ay ang pagharap niya sa gawi ko.
Nagtama ang mata namin at si Gray ang unang nagbawi ng tingin saaming dalawa.
Kakauwe ko lang galing condo ni Niall. Muntik ko ng makalimutan ang charity ball pero hindi din naman ako sigurado kung isasama pa ba ako ni Gray lalo na at mayroon kaming hindi pagkakaintindihan.
I smiled bitterly. Siguro si Lau ang date niya ngayon sa charity ball.
Walang imik akong pumasok sa loob at isinara ang pintuan.
Paglingon ko sa kama namin ay nagulat ako ng makitang nakahanda na doon ang gown na susuotin ko sana para sa charity ball.
I thought...
Gulat pa din ang reaksyon ko ng lumingon ako sa kinatatayuan kanina ni Gray pero wala na siya doon.
Where did he go? I stilled when I feel Gray's hand in my waist behind me.
"I'm sorry..."malambing na aniya."I'm sorry, Wife. Please come with me to the charity ball. Be my date."ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"G-Gray..."
"I prepare your gown,"malambing ang tono niya. Kumalas siya sa pagkakayakap saakin at pumunta sa harap ko."I'm sorry. Is your ex okay now? O babalik ka pa sakanya para bantayan siya?"hindi ito makatingin saakin ng diretso habang nagtatanong tungkol sa kalagayan ni Niall. Ilang beses din siyang napabuntong hininga at parang may mabigat na pinoproblema.
How did he know? He may heard me talking to Alona on the phone.
"Si Chris na ang nagbabantay sakanya ngayon. Sorry naging busy ako nitong mga nakaraang araw. Masiyado kasing matigas ang ulo ni...Niall he keeps on forcing himself to move his ass kahit binilin ng doctor na magpahinga at huwag magkikilos."I shook my head."Hindi kasi nakikinig iyon kila Chris kaya ako ang madalas na nagbabantay."I added.
Gray nodded lightly. Naninimbang ang pamamaraan ng tingin niya saakin."You look tired. Take a rest tonight."
"How about the charity ball?"I asked.
"Your health is more important, Sam."he sighed.
"So...you're going alone?"hindi siguradong tanong ko sakanya. I wanted to go with him. Kaya ko pa naman at hindi pa naman ako ganoon kapagod.
I wanted to protest pero naisip ko na baka ayaw akong papuntahin ni Lau sa charity ball niya at iniiwasan ni Gray na magtagpo ulit kami ng babae. Maybe he's protecting Lau? Iniisip pa din kaya niya na sinaktan ko talaga ang babaena iyon? At this moment I wanted to know what Gray is thinking.
"I won't attend this year."he said shaking his head.
"Huh?"napanganga naman ako."No. You should go, Gray. The girls told me isa ka sa mga malaking magbigay ng donation doon. Her charity needs your donation. The kid needs it."pamimilit ko kay Gray.
Noong nagkukuwentuhan kami nila Jane at Alona, nasabi ni Alona na kilala niya ang Child Club Foundation na tumutulong sa mga batang nangangailangan ng kalinga, mga inabuso at nakaranas ng karahasan sa murang edad. Isa sa malalaking magdonate ay si Gray Salazar, he never missed attending the charity ball and donating millions for the future of those kids. At pati ang mga kaibigan ni Gray ay dadalo din.
"P-puwede naman akong sumama sayo. Ah...I'll just take a shower."
Pagkatapos kong magshower ay naabutan kong nakaupo sa kama si Gray. Pinagmamasdan lang ako nito habang naglalakad ako patungo sa vanity mirror. Kinuha ko ang brush at sinimulang suklayin ang mahaba kong buhok. Natigilan naman ako sa ginagawa ng tumayo si Gray at lumapit sa likuran ko.
"Bakit?"nagtataka kong tanong.
"Let me..."pagkasabi niya n'on ay kinuha niya ang brush sa kamay ko at sinimulang suklayin ang buhok ko. Marahan at maingat ang pagsuklay ni Gray doon.
Pagkatapos kong magmake-up ay kinuha ko na ang gown at nagtungo sa walk-in-closet at nagbihis.
Light gray ang kulay ng gown ko hanggang tuhod lang iyon at expose ang cleavage ko. Madalas sabihin nila Jane na pinagpala ako dahil malaki ang hinaharap ko. And now looking at my chest I suddenly thank God for that. I mentally shook my head. Ano bang iniisip ko? I'm going crazy!
Isang pasada pa sa salamin at ready na ako. Nang sulyapan ko si Gray nakita kong nakasandal ito sa tabi ng pinto at nakahalukipkip.
"I'm done! Let's go?"anunsyo ko. Nginitian ko siya.
Tumango si Gray at ikinawit ko ang kamay sa braso niya.
I can't wait to see Lau's reaction. If the girl is a b***h then she's messing with the queen. I can't help but to smirked. Nawala lang ang ngisi ko ng lingunin ako ni Gray, matamis ko siyang nginitian at mahigpit na kumapit sa braso niya.