Chapter 8
Mukhang hindi inaasahan ni Gray ang biglang pagsulpot ko sa opisina niya. Gray shallowed hard when he sees me. Niluwagan niya ang neck tie na suot at pinalabas na ang kausap na empleyado.
"Sam,"sambit niya. Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi."Hindi ko alam na pupunta ka dito."he looks really surprised.
"Yeah. I came here to give this to you."iniabot ko ang invitation letter. Pagkakita ni Gray sa hawak ko ay hindi na ito nagtanong kung ano iyon at para saan. He knows what it is for. Kinuha iyon ni Gray at inilapag sa office table niya pagkatapos muling bumaling saakin.
"Pumunta sa mansion si Lau."I told him. Gray lick the side of his lips before nodding his head."She said she'll give me another copy tomorrow so I can go there too. But I told her we can go there together since I'm your wife."seryoso ko siyang pinakatitigan. Hindi ko inaalis ang tingin sakanya, because I want to see his reaction.
"Well..."before Gray could spoke, his secretary entered with a tray on his hands.
Sinenyasan iyon ni Gray na ilapag iyon sa office table niya.
Pagkatapos ay bahagyang yumuko ang secretary niya at lumabas na ng opisina.
"Nasabi din pala saakin ni Lau na tuwing may charity ball ang foundation niya ay siya ang lagi mong date...it was like a tradition."I chuckled to my last word.
Napalunok naman si Gray at ngumuso. He's like he is in deep thought. And I'm enjoying his reaction.
"She's asking me to ask you...sino ba ang date mo sa charity ball this coming friday, Gray?"I asked.
Ilang sandali siyang tahimik bago siya nagsalita.
"We'll go there, Sam."he said with finality in his tone.
I smiled widely and then throw myself to my husband giving him a peck on the lips."Good choice, Gray."I grinned.
Naramdaman ko ang pag-igtad niya dahil sa ginawa kong paghalik sa pisngi niya. And I can't help but to grinned widely.
"So it's settled then. I'll be your date for that charity ball. Call Lau later and tell her your decision."I ordered happily.
While Gray keeps on nodding his head and keeps following my order.
"Okay. I'll call her later."sagot niya.
Looks like Gray chose me over Lau. Hindi ko alam kung bakit masaya ako sa narinig mula kay Gray. Am I really competing with Lau for Gray's attention? Tss. That's so childish.
"Okay."I smiled sweetly at him."Anong oras ka uuwe? Friday na ang charity ball. Do you want to go on a shopping?"I asked him.
Nangunot ang noo ko ng makitang parehas kape ang laman ng tray ng magtungo ako sa office table para kumuha ng maiinom. Nilingon ko si Gray at kinuha ang dalawang tasang parehas may laman na kape.
"You drink coffee now?"nagtatakang tanong ko sakanya.
Gray shrugged his shoulders at kinuha ang isang tasa na hawak ko at humigop ng kape habang hindi iniaalis ang tingin niya saakin
"Akala ko ayaw mo ng lasa ng kape?"I asked curiously. I'm curious to know kung ano ang nakapagpabago bigla sakanya.
"I like it now. Hindi ba gusto mo din ang kape?"balik tanong niya saakin.
Tumango ako at humigop ng kape."Yes."
"Then from now on I like what you like too."tila may pinalidad sa tono niya.
I raised an eyebrow at him."Whatever, Gray."
"Can you wait me for an hour? May meeting pa ko pero saglit lang 'yon after that we can go shopping like what you want?"
"Okay. I'll wait here."I told. Naupo ako sa CEO chair. And there's this sexiness smile of Gray while he's staring at me.
Gray shook his head slowly, may multo ng ngiti sa labi niya at hindi ko maiwasang kumunot ang noo dahil sa ikinikilos niya. What is going on his head?
"Leave now, Gray."utos ko dito at itinuon na ang atensyon sa laptop niya na nasa ibabaw ng office table.
"Okay. If you need anything my secretary will assist you."aniya.
Muli akong bumaling kay Gray na nasa pinto na."Don't you need him with you?"I asked.
Agad na umiling si Gray saakin."Just ordered him whatever you want."
Nagulat ako ng wala pang isang oras siyang nakakaalis ay agad din siyang nakabalik sa opisina.
Tumayo ako at iniiwan ang pinapanuod sa laptop na kdrama.
"I thought you'll be gone for an hour? 30 minutes palang simula ng umalis ka ah."kwestyon ko sakanya.
"Natapos agad ang meeting."he explained.
Hinubad na niya ang suot niyang jacket
at isinabit iyon sa kaliwang braso niya pagkatapos ay ang neck tie naman ang isinunod niyang tanggalin.
"Let me..."tuluyan ko na siyang nilapitan ng hindi ako makuntento sa panunuod lang sakanya. Ako na ang nagtanggal ng suot niyang neck tie.
Samantalang pansin ko ang malalim paghinga ni Gray habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.
"Do you want to go now?"maya-maya pang tanong niya saakin.
"Well you can rest for awhile. Kagagaling mo lang sa meeting hindi ba?"balik tanong ko sakanya.
Tumango naman siya."I'm fine. We can go now."
Sa mall ay walang reklamo si Gray kahit na gaano katagal akong mamili ng susuotin ko para sa charity ball at kahit saan kaming women's store pumasok ay tahimik at nakasunod lang saakin si Gray. Usually the boys I've been with gets bored easily waiting for me in this kind of place. I mean sino nga ba ang hindi maiinip waiting for girls to finish shopping is like waiting for a raven to get white.
Paminsan-minsan ay hinihingi ko ang opinyon ni Gray sa gown na susuotin. At halos lahat ng sinsukat ko ay gusto niya. Seriously! Hindi ko naman puwedeng bilhin lahat ng sinusukat ko. Hindi ko naman masusuot ang lahat ng iyon sa charity ball.
"I'm done! How about you? Nakapili ka na ba ng susuotin mo?"I asked him.
Umiling si Gray at kinuha niya ang pinamili naming paper bag. Of course Gray is the one who paid of what I bought. Kahit pa ipilit ko na ako na lang ang magbabayad ay hindi siya pumayag. Hindi na lang ako nakipagtalo dahil hahaba lang ang usapan namin at isa pa I know boys. It's their pride kicking.
Huminto ako sa isang men's store at nilingon ko si Gray."Pasok tayo?"tanong ko sakanya.
"Okay."agad na pagpayag niya.
Agad nahagip ng mata ko ang isang formal attire na nasa mannequin. It was a gray tuxedo at bagay na bagay iyon kay Gray.
"I want that..."ani ko sa saleslady at tinuro ang gray na tuxedo.
Nakangiting tumango naman saakin ang saleslady at kumuha ng kapareho na iyon sa stocks.
Kinuha ko iyon at binalingan si Gray."Gray, sukatin mo. This will perfectly fit to you."I told him.
Gray nodded in eagerness. Pagkatapos nagtungo na sa fitting room para sukatin ang napili ko.
"Ma'am ang galing niyo pong pumili. Bagay na bagay po kay sir."komento ng saleslady ng lumabas si Gray sa fitting room.
I smiled proudly at what the Saleslady commented.
"You like it?"nakangiting tanong ko kay Gray.
"Do you like it?"balik tanong naman niya saakin at pinasadahan ng tingin ang ayos.
I gaved hin a nod."Of course. You looks so handsome."komento ko.
Mahina akong natawa ng umiwas siya ng tingin saakin at sunod-sunod na napalunok. What? May nasabi ba akong mali?
"Okay then I'll take this."hindi nakatinging sabi saakin ni Gray at agad na bumalik sa loob ng fitting room para magbihis.
I just can't believe that it just took 5 minutes for Gray to find what he'll wear for the Charity ball while it took me five long hours to finally found my gown. I mentally shook my head.
"Where do you want to eat?"Aniya nang makalabas na kami ng men's store.
"Sa mansion na lang. Can you cook dinner for me?"I asked, pouting.
Mommy Guadalupe once told me that Gray is really good at cooking. Nag-aral daw talaga itong magluto para sa hindi malaman na dahilan ng ginang. And I wanted to know if it's really true. Kung totoo 'man iyon mukhang kailangan ko na din matutuong mag-aral magluto dahil wala naman akong ibang alam lutuin kundi ang mga pritong pagkain lamang. Isa pa naman iyon sa katangian ng lalaking gusto kong pakasalan, iyong magaling magluto dahil mahina ako pagdating sa bagay na iyon. I wanted to marry a man who is my opposite. I wanted to marry someone who is the best in things I'm not.
Gray smiled at me. The way he smiled tells me he likes the idea."Anong gusto mong lutuin ko?"tanong niya saakin.
"Your specialty."I answered.