Chapter 2
Agad akong ginapangan ng hiya lalo na ng humalakhak ang mag-asawang Salazar at nabilaukan naman si Gray.
Dali-dali ko siyang inabutan ng tubig na tinanggap naman niya.
"Oh, Victor, look at our son. Binata na!"nang-aasar na sabi ni mommy Guadalupe sa asawa habang ang titig ay naiwan sa anak.
Pagkatapos naming mag-agahan ay naiwan kaming dalawa ni Gray sa mansion. Dahil umalis ang mag-asawang Salazar. Nagpasya naman ako na magtungo sa veranda at magbasa ng libro.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng libro ay tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone na nasa lamesa at tinignan kung sino ang tumatawag.
It was Jane, my bestfriend.
"OH M G! YOU'RE MARRIED!? SERIOUSLY, SAM!? SA LAHAT AKO PA TALAGA ANG HULING MAKAKAALAM. I THOUGHT I'M YOUR BFF?"bungad niya.
Napangiwi ako at nailayo ang cellphone sa tenga dahil sa sigaw ni Jane.
"Jane! Lower your voice! Ang sakit sa tenga."nakasimangot na saway ko sa kaniya.
"I'm sorry,"I can imagine Jane pouting at the moment."Nakakapagtampo lang. Kasal kana pala at hindi 'man lang ako imbitado, kahit isa sa barkada natin ay walang dumalo. Bakit hindi mo kami inimbita? At bakit parang biglaan naman ata? Wala naman kaming nababalitaan na may boyfriend ka ah. You're single for almost one year. Tapos ngayon kasal kana? Kanino ka nagpakasal?"
Sinarado ko ang librong binabasa at inilapag iyon sa table pagkatapos ay umupo ako sa mas komportableng posisyon.
"One week lang ang preparation ng kasal. Atsaka mga relatives lang namin ang imbitado at iilang malalapit na business partner ng mga Salazar."I explained.
Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.
"S-Salazar? D-don't tell me..."binitin niya ang sasabihin.
"Yes, Si Gray Salazar ang pinakasalan ko."
"I can't believe that! Nagbibiro ka ba? You don't even like that man. And he look hideous. Is that fix marriage?"hindi makapaniwalang tanong niya saakin.
"Not really, Jane. Hindi naman ganoon kasama na sakanya ako naikasal."naiiling na sabi ko sa kaniya.
"And I'm sure kapag nakita mo siya magugulat ka sakanya. He shave his beard and cut his long hair."pagkukuwento ko.
"Really? I can't wait to see him then. I want to see kung anong nakapagpabago sa isip mo at pinakasalan mo si Gray Salazar."
"Kelan ba ang balik mo sa pilipinas?"I asked.
"Wednesday. Magseset din ng hang-out ang barkada. You're coming right? Isama mo na din ang asawa mo."sabay tawa niya.
"Okay fine. I'll tell him."
"Okay. Humanda ka sa barkada." tumatawang pananakot niya.
"Whatever, Jane."sabay irap ko.
Tumawa lang si Jane sa kabilang linya at nagpaalam na ako na ibaba na ang linya.
Paglapag ko sa table ng cellphone ay nahagip ng tingin ko si Gray na nakatayo sa harapan ko may dala-dalang tray.
"Coffee?"alok niya.
"Y-yeah. Thanks."I smiled.
Kanina pa ba siya nakatayo sa harapan ko? Narinig kaya niya ang mga pinag-usapan namin ni Jane?
"Puwedeng tumabi?"tanong ni Gray saakin ng mailapag nito ang tray na may lamang kape at tsokolate pagkatapos chips.
"Sure."umusog ako ng kaunti para makaupo siya.
"Thank you."aniya at kinuha ang tasa na may lamang kape at iniabot ito saakin.
Ngumiti naman ako sa binata at tinanggap iyon.
"I don't like coffee."maya-maya pang sabi niya. Na nakapagpalingon saakin sa kaniya.
Bumaba ang tingin ko sa kulay tsokolateng iniinom niya ngayon.
"Bakit?"I asked.
"Hindi ko lang gusto ang lasa."kibit-balikat na sagot niya.
"You should try it sometimes. Masarap naman e. Pampatanggal ng kaba."halakhak ko.
Humigop siya ng tsokolate bago bumaling saakin. He lick his lower lips."Can I try it?"parang batang tanong niya saakin.
Napatingin naman ako sa tasa ko, nainuman ko na ito e.
"Ah...nainuman ko na e." I reasoned out.
"It's fine. Titikman ko lang." he nodded.
"Ah...ok. sige." Alanganin kong iniabot ang tasa ko sakanya at tinanggap naman niya iyon pagkatapos sumimsim sa kape ko.
Napalunok ako sa paraan ng pag-inom niya ng kape. Parang modelo na inaadvertise ang kape.
"Masarap nga."he smiled habang titig na titig saakin.
Bigla naman akong pinamulahan at naalala ang nangyare kaninang umaga sa hapagkainan. Hindi ko tuloy alam kung may ibig sabihin ba ang sinabi niya ngayon saakin. Inaasar niya ba ko?
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napalunok.
"Ah, Gray, may hang-out pala ang barkada. Gusto ka nilang makilala. Hindi kasi nila alam na kinasal na ko."pag-iiba ko ng topic.
"Ayos lang ba na sumama ako?"alanganin na tanong niya saakin.
Napaharap ako sakanya. "Y-yeah...yes of course asawa kita it's normal to bring you with me. Atsaka like what I've told you gusto ka nilang makilala."
"Okay. I'll go with you."
Agad akong sinalubong ni Jane ng makita nila ako. Nasa Red Light kami kung saan madalas kaming tumambay noong mga nag-aaral pa. Pagmamay-ari ng pamilya ni Alona ang Red Light.
"SAM!"bati nilang lahat. Naguumpisa na ang kasiyahan at medyo nahuli kami ni Gray ng dating.
Niyakap ako ni Jane at makahulugan akong tinignan ng bumaling ito sa likuran ko kung nasan si Gray.
"Sam!"tumayo na din si Alona at ang iba pa.
"Totoo ba ang sinasabi ni Jane? Kasal ka na raw?"nakangising tanong ni Chris at inapiran ako.
"Gray? Dude!"baling naman ni Chris kay Gray.
Lumapit ang mga kaibigan ko kay Gray at ito naman ang binati.
Hindi na kailangan magtanong ng mga ito kung bakit kasama ko si Gray malamang naikuwento na ni Jane kung bakit andito si Gray.
"Long time no see!"sabay tawa ni Inu.
Nakipag-apir ang mga lalaki kay Gray at mukhang agad din naman ang mga ito na nagkasundo.
Samantalang ginawaran naman ako ng mga babae ng makahulugan na tingin.
Hindi ko alam kung ipapakilala ko pa ba ang mga barkada ko kay Gray dahil matagal nanaman niya kilala ang mga ito.
"Ah, Gray, sila Jane, Alone, Chris at Inu. You know them right, mga kaibigan ko."nakangiting pakilala ko sa mga kaibigan ko sa binata.
Tumango naman si Gray.
"Guys, si Gray, my husband."pakilala ko naman sa kaniya sa mga kaibigan ko.
Kahit na alam na ng barkada na kasal ako ay parang hindi pa din makapaniwala ang mga ito. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pagtatanong at pagtataka. Napailing na lamang ako.
"Ikaw ba talaga yan, Salazar?"unang nakabawe si Chris.
"Mas gumwapo kana saakin ah."biro pa niya na tinawanan naman ng lahat.
"Grabe! Hindi namin akalain na may tinatago ka palang kagwapuhan. Bakit ngayon mo lang pinakita? Ang suwerte ni Sam sayo."kinikilig na sabi ni Alona.
"Tama na yan. Kadarating lang nila Sam, paupuin niyo muna."sabi ni Inu at tumango naman kaming lahat.
"Ano naman ang nakita mo dito, Gray?"inabutan ni Chris ng alak si Gray at tinanggap naman ito ng binata."E halos kulang na lang patayin ka na niyan sa sobrang inis niyan sa iyo tuwing nakikita ka dati e."
"CHRIS!"protesta ko at sinamaan ng tingin si Chris.
Tumawa naman si Chris."Sorry. Hindi lang talaga kami makapaniwala, Sam. Tignan mo nga naman the more you hate the more you love."halakhak niya.
"Parang kayo lang ni Jane."singit ni Alona at yumakap sa kasintahan na si Inu.
Sumama naman ang timpla ng mukha ni Chris at umirap naman si Jane. Noon pa 'man ay mga in-denial na ang dalawa. Halata namang may gusto sa isa't isa ang dalawa pero hindi namun alam kung bakit hindi pa umamin ang mga ito.
"Hindi ko type si Jane."iling ni Chris at tumungga ng alak.
"Ang kapal mo! At sa tingin mo naman type kita!"mataray na balik ni Jane dito.
"Alam niyo. Hindi ko kaya maintindihan na dalawa."naiiling na sabi ko."It's obvious. Kahit dati pa. Halata naman na may gusto kayo sa isa't isa."
Humagalpak ng tawa si Alona at Inu."Ikaw lang talaga ang makakasabi ng ganyan, Sam, nang hindi tinatamaan sa dalawa."komento ni Inu.
"Hindi ko type si Jane. Ang gusto ko iyong mahinhin. E daig pa ni Jane ang isang amazona e."pang-aasar ni Chris kay Jane.
"Ewan ko sayo, Chris. Balita ko pinupormahan ka pa din nung Rem na yon? Hindi ba college palang tayo patay na patay na sayo 'yon? Hanggang ngayon pala?"tanong ni Alona.
Ngumuso si Jane at tumango."Yeah. Ang kulit nga e."
"E bakit kasi hindi mo pa sagutin. Mukha namang sigurado saiyo iyong tao."tango ni Alona.
"Si Rem? Hindi ba pinsan iyon ni Chris?"tanong ko sabay baling kay Chris na parang may malalim na iniisip.
"Oy, Chris, ayos ka lang ba dude?"tanong ni Inu.
"Yeah."tango ni Chris.
"Oo nga, Jane, sagutin mo na. Tignan mo itong si Sam ang tagal pinormahan ni Gray kahit mukhang impossible na maging sila, tignan mo naman ngayon kasal na sila."nakangiting sabi ni Alona.
"Ewan ko sayo, Alona."Jane shook her head."Kayo ba ni Inu kelan niyo balak magpakasal?"tanong ni Jane kay Alona.
"Well...plano namin ni Inu na next year. Kapag umuwi na sila mama."sagot ni Alona.
Alona and Inu's story is amazing and a truly inspirational. Fourth year high school kaming magkakaibigan ng maging sila Inu at Jane. Pero hindi boto ang pamilya ni Alona kay Inu dahil kalaban ng pamilya nila ang negosyo nila Inu. Second year college kami ng malaman ng magulang ni Alona na hindi niya tinapos ang relasyon niya kay Inu kaya pinalayas siya ng magulang niya. To the rescue si Inu at sa bahay nila ito pinatuloy. Inu's family treated and welcome Alona warmly. At hanggang ngayon, kahit na okay na ang relasyon ni Alona at nang magulang niya ay hindi pa din nila napaguusapan ang relasyon nila ni Inu sa pamilya niya.
"Hindi pa din ba boto sila tito, Alona? Ang tagal niyo na ni Inu ah. Sa tingin naman namin Inu already proved himself to your family."si Jane.
Tumango ako sa sinabi ni Jane."Well I'm sure in no time papayag na din sila sainyo."
"Inu, pag hindi pa pumayag sila tito sainyo buntisin mo na si Alona para wala na silang magagawa."suhestyon ni Chris na ikinatawa naman naming lahat.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng magsalita ang pamilyar na boses. Parang natigilan ako at nagslow motion ang paligid.
"Looks like you all having fun while I'm gone."masaya ang tono ng boses niya pero walang kangiti-ngiti sa labi.
"Niall, dude!"sinalubong ito nila Chris at Inu.
Niall was my ex-boyfriend. We broke up because he went abroad to pursue his career at ayaw ko ang LDR. Simula noon nawalan na kami ng komunikasyon. Lalo na nang malink si Niall sa isang babaeng artista sa abroad.
Magkakaibigan kaming anim. Bukod kay Jane si Niall ang pinakaclose ko sa lahat hanggang sa nadevelop kami at tumagal kami ng halos apat na taon but eventually we broke up right after we graduated college.
"Dude, akala namin hindi ka pupunta e."naiiling na sabi ni Chris.
"Sobrang busy mo na. Buti naalala mo pa kami."tinaasan ni Jane ng kilay si Niall na tinawanan lang ng lalaki bago niyakap si Jane at ang iba pa.
And when finally Niall stop in front of me saglit pa kaming nagtitigan at nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay ko kung saan may suot na singsing, my wedding ring.
"So you're really married, huh."ngumisi siya."Congrats!"
"T-Thank you."I smiled.
Parang may namuong tensyon sa pagdating ni Niall lalo na at andito si Gray. Noon kasi pinagtatalunan pa namin ang lalaki dahil nagseselos si Niall kay Gray.
While looking at Niall I know I misses him. Ito ang nagtagal na boyfriend ko at ito ang pinakasineryoso ko. Siguro nga siya ang first love ko.
Pagkalabas ko ng restroom naabutan ko si Niall na naghihintay saakin.
"Niall?"I smiled at him.
"Sam,"malungkot na tawag niya saakin. Bagsak ang balikat niya."Bakit hindi mo ko hinintay, Sam?"
"N-Niall..."
"Mahal na mahal kita! Alam mo naman ang rason kung bakit umalis ako at pumunta sa ibang bansa hindi ba? Because I want to prove my family na nagkamali sila. That I'll succeed in my music industry."
"I'm sorry."is all I can say right now. Hindi ko naman puwedeng sabihin sakanya ang totoo.
"I don't want to hear your sorry, Sam. I want to know if you're still in love with me."frustrated na tanong niya saakin.
Nagulat naman ako doon at hindi inaasahan ang sinabi niya.
"Niall, kasal na ako."iling ko.
"I know. But I want to fight for us. Kung ako ang mahal mo ipaglalaban kita. Babawiin kita sa kaniya."
"I'm sorry, Niall."iling ko pagkatapos iniwan na siya.
Nang makita ko ang masayang mukha ni Gray na nakikihalubilo sa kaibigan ko ay hindi ko maiwasang maguilty.
Hindi naman ako nagtaksil dito pero pakiramdam ko ay ganoon na din ang nangyari.