Chapter 1

1706 Words
Chapter 1 Sa gilid ng mata ko nahagip ko ang ina ng binata na masayang-masayang nakatitig saamin. "You may now kiss the bride."anunsyo ng pari na nagkasal sa amin ni Gray. Napalunok ako doon at nahigit ang hininga. s**t! Nakalimutan ko ang parte na ito. Kailangan ba talagang halikan niya ako? Hindi ba puwedeng i-skip na lang at sa reception na ang diretso namin? Napaawang ang labi ko ng idinampi ng binata ang labi niya saakin, mabilis lang iyon pero hindi ko alam kung bakit naghuhurumentado ang puso ko gawa ng paghalik ni Gray saakin. Kinailangan ko pang kumurap-kurap para bumalik sa huwisyo. Si Gray Salazar ang pinakasalan mo baka lang nakakalimutan mo. Kaunti lang ang imbitado sa kasal namin dahil minadali lang ito at isang linggo lang ang preparasyon. Pero kahit na ganoon hindi naging problema iyon para hindi maging engrande ang kasal namin. Kahit karamihan sa bisita ay kamag-anak nila at iilang malalapit na business partner ng pamilyang Salazar. After that kiss napuno ng palakpakan ang paligid, pinakamalakas ang palakpak sa parte kung saan magkatabi ang sila mama at si Mrs. Salazar. Pagkatapos sa simbahan ay nagtungo kami sa reception. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ako. I'm now part of Salazar. Samantha Flores-Salazar . Salazar ang apilyiedong gagamitin ko simula ngayon hanggang sa matapos ang dalawang buwan. "Congratulations newly wed! Saan ang honeymoon?"sabay tawa ng business partner ng mga Salazar. Honeymoon my face! Dumating ang ina ng binata at masayang-masaya itong yumakap saakin at binalingan ang matandang lalaki. "Ramon, akala ko hindi ka makakapunta."nakangiting sabi ni Mrs. Salazar. Ngumisi ang matandang lalaki na tinawag nitong Ramon."Well, I wouldn't like to miss this. Kasal ito ng nag-iisang anak niyo ni Victor. By the way where is he?"tanong nito at hinanap si Mr. Salazar. "Oh he's with some guests."nakangiting sagot ni Mrs. Salazar at maya-maya pa ay nagsalita."Oh there he is!"sabay turo sa paparating na si Mr. Salazar. Nang makalapit ito saamin ay hinalikan nito ang asawa at yumakap naman si Mrs. Salazar dito. "Victor!"bati ni Ramon at tinapik ang balikat ni Mr. Salazar. "Ramon! Akala ko nasa England ka?"tanong ni Mr. Salazar at nakipagshake hands dito. Marahan itong umiling at ngumiti."Umuwi ako dito last night as soon as my secretary told me that you're son is getting married to this beautiful woman."sabay baling saakin ni Ramon at marahan akong tinanguan. I smiled politely at the old man. Madami pang pinag-usapan ang mga ito mostly tungkol sa negosyo bago nagpaalam si Ramon at bumalik na ito sa table nila. "I'm sorry. I'm sure you're tired, Sam."nakangiting sabi ni Mrs. Salazar at marahan nitong hinagod ang likuran ko. "But can I borrow you for a minute?"Mrs. Salazar asked, smiling. Saglit akong tumingin kay Gray bago tumango sa ina niya. "Thank you, Sam."malayo ang tanaw ni Mrs. Salazar nang magtungo kami sa terrace. "Panatag akong iiwan ang anak ko sayo, Sam."nakangiti itong bumaling saakin. Bagamat nakangiti ay may kislap ng lungkot sa mukha nito at alam ko kung bakit. Hindi ko alam kung paano kinakaya ng Salazar ang mangyayare but they can still act normal at hindi kumakalat ang balita na may sakit ito at may taning na. "P-po?"I swallowed hard. Naalala ko noong namatay ang papa ko. Naging mahirap iyon para saamin ni mama lalo na at nabaon kami sa utang at bukod pa doon sobrang close ko kay papa kaya naging mahirap tanggapin ang biglaan nitong pagpanaw. Naisip ko ang binata, ayos lang kaya ito? "Please take good care of my son, Sam. He was 14 nang makidnapped siya."malungkot niyang pagkukuwento. Hinawakan niya ang kamay ko."Pagkatapos naming mabawe si Gray sa mga kidnapper nagbago na siya. Hindi na siya iyong masigla at masiyahing bata. Bigla na lang siyang naging mailap at nawalan ng gana. Pagkatapos ng aksidente na iyon isang taon namin siyang hindi makausap, he don't want to speak nor talk to us. Kaya naman dinala namin siya sa isang psychiatrist and we found out that he's been in distress, traumatized by the incident." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman but I was shocked. Nakidnapped ang lalaki? Hindi ko lubos maisip kung anong hirap ang sinapit nito sa nangyari. "And his very first word pagkatapos ng mahabang panahon na hindi siya nagsalita was your name, Sam. Samantha walang apilyiedo. Hindi namin alam kung sino ka noong una. But we are eager to hear him talking kaya nagpaimbistiga kami. And we found you, Samantha Flores."she smiled sadly. Natatandaan ko ang unang pagkakakilala namin ng lalaki ay noong grade 12 kami. Nakapartner ko ito sa isang science lab experiment at simula noon naging visible na sa paningin ko ang binata. Naging madalas pa kaming magkita at lumiit ang mundo namin ng maging mag-business partner si papa at si Mr. Salazar. Pero hindi ko alam kung paano at kung kelan ako nakilala ni Gray. At kung bakit pangalan ko ang unang binanggit nito. "Bakit po ako?"nagtatakang tanong ko kay Mrs. Salazar. "Ang sabi niya kilala ka niya grade 7 palang kayo. Section 1 siya noon at section 2 ka. Nanghiram ka ng libro sa kaniya. At kung bakit ikaw ang una niyang binanggit ay hindi ko din alam kaya naman ginusto ko na ikaw ang makatuluyan niya, Sam." pinisil niya ang kamay ko at marahang ngumiti saakin. Pagkatapos naming mag-usap ay hindi na maalis-alis sa isip ko ang mga nalaman ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang makonsensya at magsisi sa tuwing tinataray-tarayan ko ito noon. Paano kasi makulit ang binata at lapit ng lapit saakin kaya tuloy nagiging tampulan kami ng tukso ng mga kaibigan ko at hindi ko nagustuhan iyon. Pero ngayon, parang nagbago na ang tingin ko kay Grat. He maybe not look attractive but his personality...his sweet, caring, gentleman, thoughtful and genuinely nice. Mga katangian na kahit kelan ay hindi ko nakita sa ibang lalaki. "Anong pinag-usapan niyo ni Mama?"bulong ni Gray saakin nang makabalik na kami ni Mrs. Salazar sa lamesa. "H-huh? Wala naman. Sinabi niya lang na masayang-masaya siya na pinakasalan kita."I smiled. Matagal akong tinitigan ni Gray na para bang sinusuri ako bago tumango at marahang ngumiti saakin. I'd never seen this man before like how the way I look at him now. I mentally shook her head. Ano bang nangyayare saakin? Did I develop some feelings for him? No! Siguro dala lang ito ng awa. I said in myself, convincing no one. Pagkatapos sa reception ay umuwi kami sa mansion ng Salazar. This is my first night in this mansion. Nakakapanibago pero kailangan kong masanay. Natigilan ako paglabas ng bathroom at napatitig sa kama. Tabi kaming matutulog ni Gray. Biglang kumabog ang dibdib ko at sunod-sunod akong napalunok. "Are you okay?"biglang sulpot ni Gray sa gilid ko. He touch my shoulder lightly. "Yeah."I smiled. "Magpahinga kana. I'm sure you're tired."he gaved me a nod. Nangunot ang noo ko ng makitang akmang lalabas ito ng silid. "Saan ka pupunta?"hindi ko mapigilang itanong. Natigil si Gray sa paglalakad at nilingon ako."I know you're not comfortable to sleep with me."paliwanag niya."Kaya sa kabilang kwarto ako matutulog." "Huwag na. We're married. Baka magtaka si Mrs. Salazar..."I faked a cough."I mean si mommy Guadalupe pag nalaman niyang sa kabilang kwarto ka natulog." "Okay then. Sa sahig na lang ako." "GRAY!"hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses at ang bahagyang pagkainis sa lalaki. "Sa kama ka matutulog."I sighed. Dumiretso na ako sa kama at nahiga doon. Nakatigilid ako at siniguradong binigyan ng espasyo ang binata. Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama senyales na humiga na din ito sa tabi ko. There was silence for a moment hanggang sa nagpasya akong humarap dito. "Gray,"nakita kong nakapikit na ang lalaki. Wala na itong suot na salamin at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan ito ng malapitan. He wasn't that bad. I said to myself. Hindi naman pala ganoon kapangit ang lalaki kung tutuusin. He just look hideous dahil sa suot nitong makapal na salamin at mahabang balbas at mahabang buhok. Puwede na siya mapagkamalang holdapper o masamang loob sa totoo lang. "Tulog kana ba?"tanong ko pero hindi wala akong nakuhang sagot mula kay Gray. I guess he's already asleep. Ganoon kabilis? Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagtitig sa binata. "If you'll shave your beard and cut your hair. You'll look nice. Tapos kung hindi ka magsusuot ng salamin. Malabo ba talaga ang mga mata mo? You can wear contact lense."wala sa sariling kausap ko sakanya. Even though he can't really hear me coz he's sleeping peacefully. Ganoon lang ang posisyon ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan ng magising ako ay wala na sa tabi ko si Gray. Napahikab ako at napaunat nang may biglang lumabas sa bathroom na isang lalaki. Napatili ako at gulat na gulat na nakatitig dito. Who the heck is this man? "SINO KA!?" Kasing tangkad ito ni Gray, may makapal na kilay, mapupungay na mga mata, mapupulang labi, matangos na ilong, and his perfect jaw sculptured. Para na itong inihulma sa isang greek Goddess. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Broad shoulders, may abs, at maganda ang pangangatawan. Topless lang kasi ito at tanging tuwalya lang na nakapalibot sa baywang niya ang suot ngayon. "I'm sorry. Akala ko tulog ka pa."napatigalgal ako sa lalaki. Kaboses ito ni Gray! I swallowed hard. Nagtaas baba ang tingin ko sa lalaki. "G-Gray?"hindi siguradong sambit ko sa pangalan ng lalaki. Tumango siy at naglakad papunta sa walk-in-closet. "What happened to you?"wala sa sarili ko itong sinundan doon. Natigil siya sa pagpili ng damit na susuotin at nilingon ako. "What do you mean?"naguguluhan niyang tanong. "Wow!"bulalas ko at hindi pa din makapaniwala. Hindi ako makapaniwala sa new look ng binata at halos lahat ng tao sa mansion ay hindi din makapaniwala pati na din ang mag-asawang Salazar. "Sam, anong masasabi mo sa itsura ngayon ng anak ko. Ang guwapo at ang bango tignan hindi ba?"tila kinikilig na tanong saakin ni mommy Guadalupe habang nasa hapagkainan kami at nagaagahan. Nag-angat ako ng tingin kay Gray at wala sa sariling napatango sa tanong ni mommy Guadalupe. Ang gwapo niya nga tignan at ang bango-bango at hindi lang iyon... "Ang sarap po."naisatinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD