The Scandalous Princess'. Naka-blur ang mukha ko habang nakikipaghalikan sa iba't-ibang lalaki. The heck! What's the point of hiding my face? E, halata naman na ako dahil anak nga ni Vice-Mayor! Ang baliw nga naman nila. Kaya sa sobrang inis ko ay pinatay ko na agad ito. Wala 'ata akong magagawa sa ngayon, dahil lahat na hinuhusgahan na ako. The heck! Ano pa nga ba ang bago? From high school up until now, it's still the same... "I'm going home, dad!" Lumapit na ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Sumenyas lang siya sa kamay dahil may kausap pa siya sa kabilang linya. Ang driver ni daddy ang taga-hatid sundo ko sa ngayon at may dalawang personal security guard convoy pa na nakasunod. Nag re-touch lang ako ng make-up at sinabi kay Manong na sa condo ako ngayon. I have to check

