MULA sa kanyang kuwarto ay dinig ni Ysabelle ang pagbukas at pagsara ng pinto ni Luke, katibayan na nakauwi na ito. Tumayo siya mula sa kama at huminga nang ilang beses. Tinungo niya ang silid nito at marahang kumatok. Mayamaya pa ay bumukas na iyon at sumilip ang binata. Mamasa-masa ang buhok nito at mukhang kagagaling lang ng shower. Kaagad din niyang nalanghap ang sabong ginamit nito. “Ysabelle...” Nakita niya ang pagdaan ng tuwa sa mukha ng lalaki nang masilayan siya. “P-puwede ba kitang makausap?” tanong niya. “Sure,” sagot naman nito at niluwagan ang pinto. “Ysabelle...” “Luke, a-ayos lang sa ʼkin. Huwag kang mag-alala. Okay lang ako,” agap niya. Lumapit ito sa kanya at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Wala nang namamagitan sa amin.” “A-akala ko ay galit ka sa ʼkin.”

