MULA sa kanyang kinauupuan ay tanaw ni Amanda ang mga maliliit na islang kanilang nadadaanan. Sakay siya ng isang private helicopter ni Margarette upang ihatid siya pabalik ng Maynila. Siguradong mami-miss niya ang Hacienda Salvador, lalo na si Luke. Masakit man sa kanya ang basta na lang lisanin ito ay wala siyang magagawa. Ayaw niyang maabala pa ito. Masyadong abala ang binata sa pamamahala ng hacienda. Kung magpapaalam naman kasi siya ay siguradong hindi ito papayag na hindi siya masamahan pabalik ng Maynila. Nasa sulok ng puso niya na sana balang araw ay magbabalik siya sa piling ng binata upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan. Lalo naʼt alam niyang mahal na rin siya ni Luke. Maghihintay siya sa araw na iyon. Siguradong sa panahong iyon ay hindi na siya mag-aalinlanga

