“PAPA?” Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakikita niya ang ama na nakaratay sa hospital bed. Kaagad na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Si Manang Soledad naman ay nagulat nang makita siyang nakatayo roon. Mabilis itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “A-Amanda, anak. Salamat sa Diyos at bumalik ka na,” sabi nito kasabay din ng pagtulo ng mga luha. “Anoʼng nangyari sa ʼyo at bigla ka na lang nawala? Alam mo bang alalang-alala kami sa ʼyo?” May himig ang boses nito ng paninita, bagamat nangingibaw pa rin sa tinig ang tuwa nang makita siya. Siya naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya sinagot ang matanda bagkus ay inalala agad niya ang lagay ng ama. “B-bakit po nakahiga ang papa dʼyan? Ano pong nangyari? Dahil po ba sa ʼkin kaya siya nandiyan?” “Hindi, Hi

