Chapter 24

1020 Words

“HINDI ka ganito nang umalis ako sa tabi mo, Luke,” sabi nito na may halong hinanakit ang tinig. “Hindi kita nakitang ganito kamiserable nang iwan kita. Bakit?” “Umalis ka na,” matigas naman niyang turan. Hindi siya nito pinansin at sa halip ay pinulot ni Margarette ang papel sa sahig at binasa ang nilalaman niyon. “Sinasabi ko na nga ba. Sheʼs just using you,” panunumbat ng babae matapos nitong basahin ang papel. “Ginamit ka lang niya para maka-survive siya. Wala siyang konsensiya. Manggagamit—” Mula sa kanyang pagkakasalampak sa sahig ay tumayo siya. Inilang hakbang niya ito at hinaklit sa braso. Nakita niya ang pag-igik nito sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ng dalaga. “Sabihin mo sa ʼkin. Ikaw ba ang tumulong sa kanya para makaalis dito?” madilim ang mga matang tanong niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD