Chapter 6

1118 Words

NARAMDAMAN ni Amanda ang paghinto ng sinasakyang kotse. “Ikaw na bumili ng ticket natin,” utos ng lalaking nakaupo sa driverʼs seat kasabay ng pag-abot nito ng perang pambili ng ticket. 'Ticket?' tanong niya sa sarili. 'Saan ba nila ako balak dalhin?' “Bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw at ako na bahalang magbantay dito sa babae,” angal ng lalaki sa tabi niya. “Ako nang bahala riyan. Baka mamaya matakasan ka na naman nʼyan. Tatanga-tanga ka pa naman!” buska naman ng isa. Kinuha ng katabi niya ang pera habang kumakamot sa ulo. Naramdaman rin niya ang pagbaba ng lalaki mula sa kotse. Kinalma muna niya ang sarili. Nag-uumpisa na naman kasi siyang makaramdam ng takot at pangamba para sa sariling buhay. Masakit na rin ang katawan niya mula sa matagal na pagkakaupo nang patagilid sa up

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD