AMANDA woke up with a cloth wrapped around her mouth and hands tied behind her back. Fear overwhelmed her again. Nakasandal siya sa back seat. Nakita niya sa labas ng bintana kung saan sila naroon. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kahabaan ng highway. Hindi pa niya masabi kung nasaang parte na sila ng Maynila o kung nasa Maynila pa nga ba sila. Nalingunan niya sa tabi ang isang lalaking kanina sa kanya ay humahabol. Ito ang lalaking may manipis na bigote at bahagyang banlag ang mga mata. Ngumiti ito ng nakaloloko sa kanya nang mapansing gising na siya. “Lintik ka. Pinahirapan mo kami kanina, muntik mo na kaming ipahamak,” sabi nito na sinundan pa ng ngisi. Nakita rin niya ang bahagyang pagngisi ng driver na kasama nito kanina. Ang mga mata ay nasa rear view mirror. Pinilit niyang ma

