The gold band ring beside the vase caught her attention too. Tinitigan niya iyon nang ilang saglit. On instinct, sinuot niya ang singsing sa kanang kamay. Marahan siyang tumayo at ʼagad niyang naramdaman ang pagsigid ng kirot ng ulo.
Sa unti-unting paghakbang ay narating din niya ang pinto ng kanyang kuwarto. May mga nakakasalubong siyang mga taong pasimpleng sumusulyap sa kanya.
Pakiramdam niya ay kailangan ng sariling katawan ang maarawan at makalanghap ng sariwang hangin.
Hindi naman siya nahirapang hanapin ang naturang rooftop. Dahil tatlong palapag lamang ang gusali. She felt that sheʼd been trapped in the dark for a long time and had just seen the light again. She filled her lungs with fresh air. Ilang beses niyang ginawa iyon habang nakakapit sa railings. She smiled weakly. Hindi masyadong masakit sa balat ang init ng araw. Para sa kanya ay tama lamang iyon.
Nang makontento ay napagdesisyunan niya ring bumalik na sa kuwartong pinanggalingan. Nang makalapit sa pinto ng sariling kuwarto ay may naulinigan siyang dalawang lalaking nagtatalo.
“ʼYong babae, pʼre! Mayayari tayo nito kay boss. Tayo ang malilintikan nito!” Kabado ang unang nagsalita.
“Sabi ko naman sa ʼyo, pʼre. Magkakape lang ako!” Galit na sabi ng pangalawang boses lalaki. Sinisisi ang kausap.
“Malay ko bang magigising na pala ʼyong babae. Dyumingle lang ako sandali. Tara na! Hanapin na—”
Hindi na tinapos ni Amanda kung ano pa man ang mga susunod na sasabihin ng lalaki. Hindi lingid sa kanya na siya ang tinutukoy ng mga ito at hindi maganda ang dating sa kanya niyon. Pakiramdam niya ay may mangyayari sa kanyang masama kung mananatili pa roon.
Binilisan niya ang hakbang pero kapag may nakakasalubong ay pinipilit niyang magpakanormal ng kilos. Dapat ay makaalis na siya sa lugar na iyon bago pa man maabutan ng mga humahabol sa kanya.
'Saan ako magtatago?' Natilihan siya. Saan nga ba siya susuot?
“ʼAyun siya, Edgar! Bilis!” Sabay turo sa kanya ng lalaki nang malingunan niya.
Mga nakaitim ang mga humahabol sa kanya at mga nakasuot ng cap. Ang isa naman ay may manipis na bigote.
Nang mapadako ang tingin sa kanan. Nakita niya ang pinto ng Fire Exit. Doon siya mabilis na tumakbo. Nang makarating doon ay nakita niya ang hagdang bakal. Paikot iyon at napinturahan ng pula at bahagya na ring nababakbak. Mabilis niyang tinahak iyon at nang makarating siya sa ibaba ay may mga ilang sasakyan ang nakaparada roon.
Kaliwa-kanan ang lingon niya. Naghahanap siya ng matataguan. Wala ring humpay sa pagtaas at baba ang kanyang dibdib sa lakas ng t***k ng puso niya.
Napili niyang magtago sa likod ng isang puting van. Napapagitnaan siya ng puting van at ng pick up na pula. Ramdam niya ang malamig na pawis sa kanyang noo bagaman may benda. Tila hindi niya na rin maramdaman ang sariling mga palad sa sobrang kaba. Hindi lingid sa kanya ang nakaambang panganib ngunit hindi niya masabi kung bakit at sa anoʼng dahilan.
May isang minuto siyang nagtago roon nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig niya. Kasabay niyon ay isang bisig naman ang mahigpit na yumapos sa kanya mula sa likod. Nalanghap niya ang matapang at mabahong amoy mula sa panyong iyon. Ilang beses pa siyang nagbalak na magpumiglas para manlaban. But whoever hugged her was too strong.
Then she fainted.