Hindi siya maaaring magkamali. Its her father and her boyfriend’s voice. But what was Daniel doing in her dadʼs study room? Bakit may nararamdaman siyang hindi maganda?
Although, alam naman niyang welcome sa bahay nila ang nobyo anytime man na gustuhin nitong bumisita. Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi binanggit ng nobyo na may plano pala itong pumunta sa bahay nila gayong kanina lang ay kausap niya ang lalaki sa kabilang linya.
Humakbang siya at marahang itinulak ang pinto. Her face turned pale. Hindi niya inaasahan ang mabubungaran. Her father hugged her boyfriendʼs neck as they fondly kissing. She couldnʼt deny the shock on her beautiful face.
Totoo ba itong nakikita niya?
“P-papa?” she canʼt even hear her own voice when she said that. Dahil sa lakas ng t***k ng puso niya.
Marahas na bumaling sa kanya ang dalawang lalaki. Her fatherʼs face turned pale while Danielʼs showed worries. Ilang beses niyang pinaglipat ang tingin sa dalawang lalaking importante sa kanya.
Then she leave.
She could hear them calling out her name pero binalewala niya ’yon. Lakad-takbo ang ginawa niya. Magulong-magulo ang kanyang isip. Basta ang alam lang niya ay nais niyang makalayo. Mag-isip. Huminga. Ayusin ang mga salitang gumugulo sa isip niya.
Niloko siya ng ama at ng nobyo, iyon ang sa ngayon na malinaw sa isip niya. Her father and her boyfriend betrayed her.
Of all people, bakit sila pa?
Hindi na niya namalayan na hilam na ang kanyang mukha sa luha. Ang pag-iyak niya ay may kasama nang hagulgol. Napakasakit ng nasaksihan nya.
“Amanda! Anak!”
Boses iyon ng papa niya.
Nang muli niyang marinig ang tinig ng ama ay lalo siyang nagmadali na makalayo sa lugar na ’yon. She run as fast as she could. And before she knew it, isang itim na kotse ang mabilis na bumangga sa kanya.
“Amandaaaaa!”
Hindi na niya alam pa ang sumunod na mga nangyari.
Nineteen Eighty One
NGUMITI nang ubod tamis ang kinse anyos na si Elaine Teves. Inaral niyang mabuti ang ngiting iyon nang napakahabang panahon. Umaasang dahil sa ngiting malaanghel ay mapapansin at maiaalis ang sarili mula sa bahay-ampunan.
Napakalupit ng mundo sa kanya dahil kahit alam nitong walang magmamahal sa katulad niya ay hinayaan pa rin siyang mailuwal at mabuhay nang nag-iisa.
Araw-araw niyang naririnig sa bibig ng sariling ina ang mga salitang laging dumudurog sa puso niya. Na kung hindi raw dahil sa kanya ay baka masaya at nasa marangyang pamumuhay na ito ngayon.
Nagtatrabaho ang kanyang ina sa isang bar at doon ay may nakilalang Hapon. Na kalaunan ay naging nobyo rin nito.
Makalipas ang isang buwang pagiging magnobyo ay inaya kaagad ito ng banyaga na magpakasal at umalis na sa pinapasukang bar at nagplano rin ang magkasintahan na bumalik na ng Japan para doon na manirahanan. Pero dahil sa ang trabaho ng babae ay ang magbenta ng laman, hindi ito sinasadyang mabuntis ng kanyang ama.
Una nitong nakilala ang ama niya bago ang banyaga. Ang isang gabing pagniniig ay nagbunga pala at siya iyon.
Bago pa man mangyari ang kasal na pinakaaasam ng babae ay nalaman din ng nobyo na nagdadalang tao na pala ito sa ibang lalaki. Ang sabi ng kasintahan ay matatanggap pa raw nito kung saan nagmula ang babae at kung anoʼng klase ng trabaho ang mayroon ito ngunit hindi ang ipinagbubuntis.
Hindi basta pumayag ang babae na hindi matuloy ang kasal. Ginawa nito ang lahat para magbago ang isip at bawiin ang desisyon ng nobyo kahit na umabot pa sa puntong ipalaglag pa ang bata sa sinapupunan. Pero nabigo ang kanyang ina. Kahit daw ipalaglag siya ay hindi na raw magbabago ang desisyon nitong iatras ang kasal.
Nang dahil sa nangyari ay lalong mas ginusto ng babae na ipahulog siya. Sa ʼdi malamang dahilan ay hindi nagtagumpay ang babae. Kahit na anong inom at hilot ang gawin ng ina niya sa puson nito. Hanggang sa napagod na ang kanyang ina sa pagtatangkang patayin siya.
Lumaki siyang hindi man lang nararanasan ang pagmamahal ng sariling ina. Daig pa niya ang hayop kung tratuhin nito. Araw-araw siyang bukambibig ng babae sa lahat ng kabiguang nangyari dito.
“Anong pangalan mo, hija?” tanong ng isang babae.
Tingin niya ay nasa trenta lamang ang edad nito. Katabi ng babae ang isang matangkad na lalaki. Parehong nakangiti sa kanya ang mga ito.
Dahil sa tanong na iyon ay lalong tumamis ang ngiti ng batang babae at sumagot ng, “Elaine po.”
Sa tingin niya sa pagkakataong iyon ay pumanig sa kanya ang langit.
'Mama, papa', matamis na sambit ni Elaine sa isip.
PAKIRAMDAM ni Amanda ay parang minamartilyo ang ulo niya. Masakit din ang mga mata niya. Para bang natulog siya nang napakahabang panahon at kahit masakit at mahapdi ay pinilit pa rin niyang imulat ang mga mata.
Bumungad sa kanya ang puting kisame. Inilibot niya ang paningin. The paint on the ceiling and walls were white. The curtains were light green and partially obscures the open window. May flat screen tv din sa harap niya na nakadikit sa pader at isang mini refrigerator sa sulok. Sa ibabaw niyon ay isang basket na puno ng ibaʼt ibang klase ng prutas. Sa kabilang sulok naman ay may pinto na marahil ay banyo. Sa tapat ng bintana ay may kulay beige na sofa at glass center table.
Kung tama ang hula niya ay nasa hospital siya. Next to her was the small table. Nakapatong sa ibabaw ang isang vase na may mga bulaklak. Naghahalo ang kulay ng peach at pink sa bulaklak na iyon.
Inisip niya ang tawag sa bulaklak ngunit naging blangko ang kanyang utak. Walang makapang sagot. Ano ang pangalan ng bulaklak sa harapan niya.
Isa pa ay paano nga ba siya napadpad sa lugar na iyon?
Marahang bumangon ang dalaga mula sa kanyang kama. Saka lamang niya napuna ang suwero na nakakabit sa kanya. Nakapa rin niya ang ulong may benda. Hinugot niya ang suwerong nagpapahirap sa pagkilos niya.