Chapter 2

1019 Words
“I love you too, hija.” Bahagya siya nitong niyakap. Isinukbit niya ang maliit na sling bag sa balikat at lumabas na ng bahay. Naabutan niya si Mang Robert na may kausap sa cellphone habang nakaupo sa harap ng manibela. Makaraan ang ilang segundo ay nagpaalam na rin ito sa kausap. Sumakay siya sa back seat. “Manong, tayo na ho,” she said politely. Tumango ito sa kanya at pinaandar na ang kotse. NAPABALING si Amanda sa bintana ng kotse nang may batang kumakatok doon at sumenyas ng limos. Kasalukuyan kasing naiipit sila sa gitna ng traffic that usually happens. Napailing siya. Talagang hindi na magbabago ang kalye sa Pilipinas. Muling kumatok ang bata. Papaalisin na sana ni Mang Robert ang bata nang pigilan niya. Heʼs holding a plastic cup na malamang ay doon nakalagay ang baryang nakukulekta nito. His face was also a bit dirty and the t-shirt he was wearing was torn around his neck. Nakikita rin niya ang sipon nitong malapit nang lumabas sa ilong pero mabilis ding sininghot. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at binigyan ito ng pera pambili man lamang ng makakain. Nang makuha ang pera ay mabilis itong nagpasalamat at kumaripas ng takbo pabalik sa ina nito. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kahirap ang sitwasyon ng mga iyon. Nagpapasalamat siya at hindi sa kanya nangyayari ang ganoong buhay. The sound of her cellphone caught her attention. Maging ang muling pag-andar ng sinasakyan ay hindi na niya namalayan pa. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino ang tumatawag. Wala nang iba kundi ang boyfriend niyang si Daniel. “Happy birthday, baby,” bungad nito nang sagutin niya ang tawag. She smiled, “Thank you." “Hmm, nasa biyahe ka na ba?” Tanong ng nobyo mula sa kabilang linya. “Yeah. Traffic nga, eh.” “You know what, Iʼll fetch you there after your work. Letʼs have dinner together. Also... I missed you.” “You miss me? Eh, last night lang tayo huling nagkita, ah,” then she laughed lightly. “Pero, sige. Letʼs celebrate tonight. I missed you too.” She heard him laughed. “Okay. I love you, babe.” “I love you too,” she giggled. Muli niyang ibinalik sa bag ang cellphone. Minsan napapaisip siya kung si Daniel na ba talaga ang binigay ng Diyos para sa kanya. She met Daniel when she was still in her fourth year of college. The man court her for more than a year. Masasabi niyang masaya sila sa tatlong taon nilang magkarelasyon. May mga problemang dumadating pero nasusulusyonan din. Kung ito ang mapapangasawa niya ay hindi rin naman siya lugi. Gwapo si Daniel. Masipag. Hindi nga lang kasingyaman ng pamilya niya ang pamilya nito ngunit hindi rin naman masasabing mahirap. Hindi naman mahalaga sa kanya ang estado nito sa buhay. Ang importante ay nagmamahalan sila at nirerespeto nila ang isaʼt isa. His father owned several commercial buildings. And Daniel will also inherit them soon. But her boyfriend was currently working at the hospital where he is a licensed nurse. Ang sabi pa ng nobyo niya ay lulubusin na raw nito ang passion sa pagiging nurse habang hindi pa ipinapasa ng ama ang mga negosyo. Naiintidihan niya ito roon at sinusuportahan. Walang masama sa gusto nito. Naipakilala na niya ito sa kanyang ama at maging siya ay ganoon din sa pamilya nito. Ang papa naman niya ay suportado rin ang relasyon nila. Nang makarating siya sa CMCC building ay binati kaagad siya ng mga taong nakakasabay niya sa pagpasok. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang labing dalawang palapag kung saan naroon ang sariling opisina. Ngunit bago pa magsara ang pinto ng elevator ay isang lalaking nakasuot ng cap ang pumasok. Ngumiti ito sa kanya. Ngiting nahihiya at humihingi ng pasensya sa bigla nitong pagpasok. Tinanguan naman niya. Nakita niyang pinindot nito ang ikalabing isang palapag. She raised an eyebrow. She wondered kung sino ang pupuntahan nito sa nasabing palapag. Ang Tita Elaine at ilang mga empleyado lamang ang nandoon. Alam niyang hindi empleyado ng kompanya ang lalaki dahil na rin sa hindi pamilyar ang mukha nito. The man was wearing a black jacket and faded jeans. Napansin din niya ang kulay silver na singsing nito na nakasuot sa hintuturo sa kanang kamay. Nakangangang bungo ang disenyo niyon. Sa taas ng bungo ay may naka-engraved na letra. Hindi niya mawari kung anoʼng letra dahil sa fonts na ginamit. May pagka-goons ang dating nito para sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya. Hindi na dapat niya inaalam pa ang mga ganoong bagay. Masyado siyang maraming bagay na dapat isipin. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na ang lalaki. Siya naman ay dumaan muna ang ilang sandali bago nakapasok nang tuluyan sa kanyang opisina. SA pangalawang pagkakataon ay muli niyang hinalungkat ang drawer ng mesa. Mahigit sampung minuto na yata siyang naghahanap sa flash drive na gagamitin niya sa presentation para sa mga bisitang dadating after three days. Ang gusto sana niya ay ma-finalize na iyon para matapos na. Pero sa kamalasan ay mukhang naiuwi pa yata niya sa bahay at naiwan. Hinagilap niya ang cellphone at bag saka lumabas na ng kuwarto. Dinaanan muna niya sa mesa nito si Bianca Fajarito— her secretary for almost two years now. Nang makita siya ay tumayo ang dalaga. She vowed her head lightly. “Bianca, I will leave for a while. Iʼll be back soon,” sabi niya rito at nagmamadali na siyang pumasok sa elevator. NANG makapasok ng bahay ay kaagad siyang dumiretso sa kuwarto niya. Nakita rin naman niya kaagad ang pakay. But before she finally take her leave, she made a plan of having lunch with her father. Malapit na rin naman ang oras ng lunch break niya. Ang hula niya ay nasa study room ang ama na madalas nitong ginagawa. Marahan siyang lumapit sa pinto nang may marinig na mga boses. Nagmumula sa kuwarto ring iyon. Nagbubulungan. Naghahagikgikan. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD