“SUOTIN mo ʼyan,” bungad ng ina ni Elaine sa kanya sabay hagis nito ng isang damit na tumama pa sa kanyang mukha pagpasok sa loob ng bahay. Nagtataka niyang tiningnan ang ina saka yumukod upang damputin ang damit sa kanyang harapan. Isang pulang bestida na tingin niya ay hindi nito maitatago nang maayos ang kanyang dibdib. Tingin din niya ay hindi rin ito aabot man lang maski sa kanyang tuhod. Hapon iyon at kagagaling lamang niya sa paaralang pinapasukan na kung hindi dahil sa scholarship ay hinding-hindi siya makapag-aaral. 'Pag-aaksaya lang ng oras ʼyang ginawaga mo! Dapat pinakikinabangan mo na rin ʼyang katawan mo! Hindi ʼyong palamunin pa rin kita!' naalala niyang turan nito noong sinabi niyang magpapatuloy siya ng pag-aaral sa high school. “Bakit po? Para saan po ito?” tanong

