PINAGSUSUNTOK ni Luke ang manibela nang huminto siya sa parking area ng condominium kung saan doon siya tumutuloy habang nandito sa Maynila. Ang kapatid niyang si Liam ang siyang nakabili ng condo unit na iyon. Sa kawawang manibela niya ibinuhos ang lahat ng galit, galit na para kay Amanda. Kanina ay muli niyang sinadya ang babae sa CMCC upang kausapin at ayusin ang gulo sa pagitan nila. Ngunit nagbago ang kanyang balak nang makita niyang inaalalayan ni Marco na makasakay si Amanda sa kotse. Halata sa ayos ng dalawa na may nangyayaring hindi maganda. Kaagad siyang nag-alala para sa babae. Mabilis siyang sumakay muli sa sariling sasakyan at sinundan ang mga ito. At hindi nga siya nagkamali nang huminto ang dalawa sa isang clinic. Ang akma niyang pagbaba sana ng sariling sasakyan ay na

