TUMAYO ang kapatid niya at ito na ang nagbukas ng pinto sa kung sinumang panauhin. Si Max ang bumungad. Lumapit ito sa kanya. “Kumusta, pare?” “Mabuti. Dala mo ba ang lahat ng detalye?” walang ligoy niyang tanong. “Oo. Narito ang mga larawang kuha na magkasama sina Elaine Teves at Daniel Dela Cruz. Kumpirmadong may koneksyon nga silang dalawa,” saad nito kasabay ng pag-abot sa harapan niya ng isang brown envelope. Binuksan niya iyon at inisa-isa ang mga larawang naroon. Kaagad na uminit ang ulo niya sa nakikitang pagkakalapit ng dalawa sa larawan. Nang madiskubre niyang hindi kasal si Amanda ay kaagad niyang pinaimbestigahan kung sino ang babae. Doon niya napag-alamang may dating nobyo ang babae na nagngangalang Daniel Dela Cruz. Sinabi niya kay Max na ipagpatuloy ang pag-iimbestig

