“IKAW? Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi ka pa umaalis?” baling niya kay Luke. “Maghihintay ako rito. Ihahatid na kita,” balewalang sagot naman nito. Saka lamang niya napuna ang labi nitong nagdudugo. Marahil ito rin iyong kahapon na parteng nasuntok ng kaibigan niyang si Marco. Kulay ube rin ang paligid niyon. “Dʼyan ka maghihintay sa labas?” He nodded. “You must go inside to treat your wounds.” Nang sabihin niya iyon ay sa iba siya nakatingin. Ayaw kasi niyang makita nito ang kanyang pag-aalala. “Basta ba, ikaw ang gagamot, eh.” Naglalambing ba ʼto o nang-aasar? Hindi niya sinagot ang lalaki at inirapan na lamang. Tumalikod na siya upang kumuha ng gamot upang ipanglinis sa sugat ni Luke. Nang makabalik na siya sa sala ay nakaupo na roon ang binata at sinilbihan na rin ito ng kap

