NARAMDAMAN ni Amanda na parang may bagay na mainit malapit sa kanyang mukha. Kaya kahit mabigat ang talukap ay pinilit pa rin niyang imulat ang mga mata para lang malaman na isang maling galaw na lang pala niya ay siguradong magdidikit na ang mga labi nila ni Luke. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa kinauupuan at hindi rin niya naramdaman ang paghinto nila. Napalunok siya sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha at siya ngayon ay nakasiksik na sa kinauupuan. Mapupungay ang mga mata nitong nakatutok sa kanya. 'Is he going to kiss me?' she asked herself. Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Ngunit ang inaakalang gagawing paghalik sa labi niya ay mali pala. Sa halip ay kumilos ang mga kamay ng binata upang kalasin ang kanyang seat belt. Kaagad siyang namula sa ina

