“NOONG unang araw ko rito, pansin ko nang may lungkot sa mga mata mo kahit nakangiti at tumatawa ka. Hindi ko pinansin iyon kasi baka lang pagod ka sa trabaho. Pero mula kaninang umaga nang makaharap mo ang lalaking iyon, naging sobrang tahimik mo na. Doon ko nakumpirmang may mali sa iyo. Kita mo nga ʼyan, oh. Namumula pa mga mata mo, halatang kagagaling mulang sa pag-iyak,” mahabang litanya ni Marco. Bigla ay ang muling paggapang ng sakit sa puso ni Amanda. Naalala niyang muli ang mga binitiwang masasakit na salita ni Luke. Una ay ang paratang nitong tila ba isa siyang kaladkaring babae. 'Kaninong lalaki?' tanong niya sa sarili. Hindi niya alam kung sinong lalaki ang tinutukoy nito. Kung alam lang ni Luke na sa buong panahong wala siya sa tabi nito ay ito lamang ang laging laman ng kan

