MAGHAPONG lutang ang isip ni Amanda at sa mga pagkakataong mawawala siya sa focus sa trabaho ay napupunta ang kanyang isip sa naganap na pagkikita nila ni Luke sa parking lot ng building ng kompanya. Ang Luke na kanyang minahal sa Guimaras ay ibang-iba na kung ikukumpara sa nakaharap niyang Luke kanina. She could see the fire in his stares. Puno ng galit. Tila ba nais siya nitong saktan sa paraang hindi talaga niya magugustuhan. Sinalat niya ang labing may sugat. Nag-iwan talaga ng ebidensya ang binata na matindi ang galit nito sa dalaga, na labis namang ipinagtataka ni Amanda. “Nawawala ka rin ba sa iyong katinuan kapag hinahalikan ka na ng iyong nobyo? Kaya ka rin ba niyang paligayahin sa kama na gaya ng pagpapaligaya ko sa ʼyo noong nasa piling pa kita?” punung-puno ng pang-uuyam a

